Chapter 1: It's time

0 0 0
                                    


*Drake

--*

"Drake! Ang gwapooo mo!"

"I Love you drake! You're so hot!"

"Please be mine! I'll do everything for you!"

Damn! So, irritating. Hindi ba sila nag sasawa kakasigaw? I'm irritated with their voices. Tsk. Pero di ko rin naman sila masisise kung ganyan sila kaiingay. Hay, fangirls.

As I enter in the classroom, I immediately sit at my chair. Sa pinakadulo ako nakaupo, kung saan katabi ko yung bintana. Para may maganda akong view na makikita, hndi yung terror kong professor.

Habang wala pa nga yung terror naming professor, Sinalpak ko ang dalawang earphones ko sa magkabilang tenga ko at tumigin ng magagandang view sa bintana.

'Di ko man, maamin.
Na ikaw ay mahalaga sa akin.
Di ko man maisip,
Na sa pagtulog ko
Ikaw ang panaginip.

Malabo man ang aking pag iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin,

This song. This song reminds me. Of Her. And our memories together, 5 years ago.

Ako'y alipin mo kahit hndi
Batid.
Aaminin ko minsan ako'y manhid.
Sana ay wag maririnig,
Ang sigaw nitong damdamin.

Wherever you are right now, I hope you still remember me. Matapos nung pang gagago ko sayo. Pero siguro nga, hndi mo na ako maalala. after what I've done wrong. Sa ngayon, di mo maintindihan. Pero balang araw maiintindihan mo rin ako kung bakit nagawa ko yun.

Pagka't ikaw ang nais makatabi.
Malamig man o mainit ang gabi.
Nais ko sanang iparating, na ikaw lamang ang aking iibigin.'

Ikaw lang, ikaw lang ang aking iibigin. I'm still inlove with you. Mahirap kang kalimutan, mga alaala at pinag samahan natin. Lalo na yung nararamdaman ko sayo.

Sa gitna ng pakikinig ko sa kanta, may biglang nagtanggal ng earphones ko.

"Drake? Anong kadramahan yan bro?"

"What? Drama? tsk. You disturbed me from seeing a nice view and listening to the music."

"Seeing a nice view ? So, what was that tears in your eyes?" Sabay punas ni bruce sa mata ko at nag smirk.

F*ck?! I'm crying already? psh, Gayshit.

"Napuwing lang ako." Sabay iwas ko ng tingin kay bruce at tumingin na lang sa bintana.

"Seryoso? napuwing? Ang gago mo bro. May napuwing ba na patuloy na tumutulo yung luha? Sabihin mo nga sakin. Haha! patawa ka bro. Tell me, naaalala mo pa siya noh?"

"Just mind your own business. And besides I've already moved on. that's in the past. Wala na rin akong pakialam sa kanya, at ang mahal ko na ngayon si Joyce. Wala ng iba."

"Stop telling a lies! I know you bro. Siya pa rin ang mahal mo. halatang halata."

"At sino naman ang mahal pa rin ni Drake? Bruce?"

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Si Joyce... Pero binalewala ko lang at tumingin sa bintana.

"Joyce! Nanjan ka pala." Said bruce.

"Yeah, kanina pa. Sino pa yung mahal ni drake? At anong pinag uusapan niyo?"

"Nothing. I was just teasing drake. You know, bonding ng mag pinsan? Haha! Right Drake?" Sabay siko sa akin. Pero binalewala ko lang. Bahala kayo jan. Wala ako sa mood.

"Uhm joyce, balik na ako sa upuan ko. naalala ko pala, may gagawin pa pala ako. So, maiwan ko muna kayo." at umalis na si bruce sa tabi ko. Ang pumalit naman si joyce, my girlfriend.

"Tell me drake, anong pinag uusapan niyo talaga ni bruce? Is this about you and-"

"Leave me alone joyce. Wala ako sa mood makipag usap muna." I cut her words.

"Walang mood makipag usap? Why? Is there something wrong? Ganyan ka nanaman drake! I'm your girlfriend for 4 years and yet, hndi mo sa akin sinasabi mga problema mo? Parang wala akong halaga sayo. At anong silbi ko na girlfriend mo kung di mo lang sasabihin yang problema mo? At kung bakit ka ganyan? Pakiramdam ko, useless ako bilang girlfriend mo. At ano? Mauuwi nanaman to sa away? Tell me, what's wrong."

"sabi ko, wala ako sa mood makipag usap muna okay? Nakakaintindi ka naman siguro joyce. Kahit ngayon lang, leave me alone."

"Anong kahit ngayon lang? Lagi nga e drake. Ano ba kasing nangyayari sayo?"

Di ko siya pinansin. Bahala siya magsalita jan, ang kulit parang bata.

"Aaah, i knew it. Alam ko na. this is about you and that btch! Hindi ka pa rin ba maka move on? Kaya ka siguro nagkakaganyan! You know what drake, if I were you I will forget that btch and focus now. Not in the past with that pathetic girl. And a btch!"

"Joyce! Leave me alone! Ang kulit mo! Leave me alone okay?" Sa sobrang inis ko, nasigawan ko si joyce at ikinabigla ko yun. Pati siya. Sa ngayon, nasa amin ang atensyon ng mga classmates ko. At nakita kong napaluha si joyce.

"J-joyce, sorry I didn't mean to shout at you. S-sorry -"

"No! You mean it drake. Yan ang mahirap sayo, you always shouting at me!" At tumakbo siya palabas ng classroom.

Argh! Anong nagawa ko? Bakit lagi ko na lang ba sinisigawan si joyce? Parang hndi ako boyfriend sa kanya! Sht! What's wrong with you drake? fix this one!

Hahabulin ko pa sana si joyce, kaso pumasok na yung professor namin. At nagklase na. Buong klase wala si joyce, escape nanaman siya. Dahil sa akin. Katangahan drake. Ayoko ng manakit pa ng damdamin ng babae.

After the class, hnanap ko agad si joyce. Kaso, hndi ko siya mahanap. Saan na ba siya?

"Drake, hinahanap mo siya? Si joyce?" Biglang sulpot ni bruce.

"Oo kanina pa. Alam mo ba kung nasan siya? Nag aalala ako sa kanya."

"Nasa theatre room siya. Natutulog. Nakatulog ata sa kakaiyak."

"Aaah, okay. Thanks bro." I smiled and tap his shoulder.

"Before you go, please don't hurt joyce. Love her, the way she loves you. Wag mo siyang itulad sa ginawa mo kay ashley. Please, move on bro. Wag mo ng balik balikan ang nakaraan. tapos na yun, at ang mahalaga ay yung ngayon. Na girlfriend mo na si joyce. Ibaon mo na sa limot ang nakaraan, at siguro nakalimutan na ni ashley ang sainyo noon. It's time to move on drake." at naglakad na palayo si bruce.

He's right. Ibaon na talaga sa limot ang nakaraan, dapat mag focus na rin ako kay joyce. Kasi dapat siya na ang mahal ko ngayon.

I'm sorry ashley, kakalimutan na talaga kita. Lahat ng nangyari sa atin noon. Sana maintindihan mo ulit ako. Hinding hindi na ako makakapayag pa na mananakit nanaman ako ng damdamin ng isang babae.

-**

His Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon