Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter One.

ring ring ring~

Ang ingay! Ugh!

ring ring ring~

"Mama! Will you please make the alarm stop?!"

ring ring ring~

Ugh! Irita akong bumangon sa higaan ko. Medyo inaantok pa ako. Napuyat ako kagabi kakabasa eh. Teka lang, nasaan na ba 'yung alarm na 'yon?!

Ayun! Kingina 'to eh. Nasa ulunan ko pala.

Humiga ako ulit at nagtaklob ng kumot. Panira ng tulog.

Matutulog na ulit sana ako nang...

"Wait. Alarm?! Bakit ako may alarm clock sa kwarto?" Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot habang may naisip ako.

OMG! May pasok na nga pala ako! Oh gosh. Ang tanga-tanga ko!

Dali-dali naman akong tumayo sa higaan ko at nagtungo ng banyo. Nasa apartment na nga pala ako at may pasok ako ngayon. First day pa man din!

After siguro ng about 45 minutes, ayos na ako.

"Anong oras na ba? Nasaan na cellphone ko? Hay. Tsk. Cyy naman, unang araw palang, buraot na." Hinahanap ko pa rin kung nasaan ang phone ko. Tinignan ko sa ilalim ng kama, and Aha!

[8:58 am]

"Maaga pa! Might as well grab some food first." Kinuha ko ang bag ko at chineck ang gamit ko.

"Phone, check. Notebook, check. Ballpen, wallet, key, earphones, charger, lip balm, comb, check!" Hihihi I'm soooo ready.

Tinignan ko ang sched kong nakapaskil sa wall ng kama ko. Una kong class ay English. Okay. 10 am pa siya kaya may time pa akong magbreakfast. Good thing I set an alarm.

Naglakad lang ako papunta sa isang karinderya. I don't go to fastfood restaus by myself. Hindi ako marunong um-order. Okay, call it stupidity or whatever, pero ayoko talagang na-order sa mga fastfood chains.

Naglakad ako papuntang counter at nagtingin ng ulam. Menudo, Eggs, Hotdog, Afritada, Adobo, Bacon. Hmm... Di ako makapili. Naramdaman ko namang may sumunod na sakin sa pila. Dahil sa pinag-iisipan ko pa ang order ko, pinauna ko na yung lalaki.

"Una ka na." And I smiled sweetly to him. Ang taba naman nito. I laughed with the thought. Ang bad mo Cyy! Hahahaha

"Ate, kayo po?" Ay, ako na pala.

"Hmm... Bacon at Adobo. Two cups."

Naghintay naman ako sa counter na mai-serve ang order ko and I paid after getting it.

Naghanap ako ng upuan. Wala naman masyadong tao sa canteen na 'to pero sadyang mapili ako sa mga bagay-bagay eh. Naghahanap ako ng medyo tagong lugar. Ayoko nakain na maraming nakakakita sa akin. You know, bypassers.

Nakahanap naman ako. Sa dulo sa left side. Pero nakita ko din doon si Fat Guy.

Oh well.

Naupo ako at kaharap ko siya. Hindi kami nakaupo sa iisang table. Magkaiba kami ng table pero ang pwesto ko ay yung nakaharap sa kanya. Pinanuod ko siya for a minute. Aba, may poise kumain.

Sinimulan ko na rin kumain. After kong kumain, tumayo na ako. Pero aba, kasabay ko pa si Fat Guy. Hahahaha.

Napatingin naman siya sa akin. Nagulat ako. Hindi ko rin magawang alisin ang mata ko sa kanya. Sa hindi alam na kadahilanan, napatitig ako sa kanya. Umiwas na siya ng tingin.

Pero sa maliit na oras na 'yon, nasaulo ko agad ang features niya. Chinito eyes, thin lips, tangos ng ilong, at yung adams apple. Gulp.

What?! Cyy! Get a hold of yourself! Napailing na lang ako at kinuha na rin ang bag ko.

Tinignan ko ang oras at 9:35 na. Punta na ako ng room ko. Better to be early. First day eh. Hahaha. Okay, anong connect?

Civil Engineering nga pala ang course ko and I'm studying at Grace-Hudous University. One of the excellent universities here in the Philippines. Hindi pa nga rin ako makapaniwalang nakapasa ako rito eh. Yearly, around 100k ang nakuha ng entrance exam dito at only about 8k ang nakakapasa. Really? Hahaha.

Maya-maya, nagbukas ang room ng CLH. Hindi ko alam what does it stand for. Basta diyan ang klase ko ngayon. Haha. Pagpasok ko, for large class pala ito. Tingin ko mga 200 students ang pwede mag-occupy nito. Ang style naman nito ay pataas. Yung unahan kung nasaan ang white board ay ang pinakamababa. Modern classroom. Great.

Naghanap ako ng upuan at napili kong maupo in the middle sa left side. Dalawang division lang naman meron itong room na ito eh. Medyo marami na rin ang nasa loob. Aba, maraming maaga pumasok. I smiled with the thought.

Maya-maya, nagbukas ang pinto. Marahan lang naman ito pero hindi ko alam bakit ako napatingin dito.

Inintay ko ang pumasok at nagulat ako. Kaklase ko siya?! Omo!

Absolute UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon