Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter Three.

"So, uhm saan mo gusto kumain?" Tanong sa akin ni Cyy---Jest habang naglalakad. Kakatapos lang ng klase namin sa Math. Pagkatapos kasi nung GI, Math namin pareho. Kamalas-malasan naman, kaming dalawa lang ang magkaklase do'n kaya sabay na raw kami kanina. So, ngayon, eto.

"Uhm, hindi ko alam, eh? Wala pa akong masyadong alam na kainan dito." Sagot ko naman habang nakatungo at pinanunuod ang sabay na paglalakad ng mga paa namin. Hehehe

"Uhh, Sweetie's?"

"Sige." Tinignan ko ang oras at 6:15 pm na pala.

Hindi ko na napansin at nakarating na pala kami do'n.

Umupo kaming dalawa sa isang pang-dalawahang table. Tumingin naman ako sa paligid namin. Puro couples ah. Medyo nailang naman ako nang may naisip akong kalukahan.

Date ba 'to?! Omg... Ang feelingera ko. Hahaha.

"Ano order mo?" Dumating na pala yung waitress at... aba! Sige, titigan mo pa! Hmp. Landi---

"Jeska?" Ayy. Tumingin naman ako agad sa menu pero narinig kong tumawa siya.

Shiiizz!!

Binasa ko na ang menu at Holy Shit! Ang mahal naman dito!

[Drinks]

•Water Php20

•Lemonade Php 55

•Apple Juice Php 45

... and so on.

Aba. Tubig lang, may bayad pa?! Kingina 'to. Dapat di na ako sumama dito! RK much!

"Jeska, order mo?" Napatingin naman ako kay Jest.

"Uhh..." Tapos tingin ulit sa menu. Hindi ko naman alam oorderin ko eh!

"Okay, she'll take Pork Belly dipped in Hawaiian Dressing, Lasagna, and Lemonade." Teka!

Inulit naman nung waitress yung order KO habang nagpapa-CUTE kay Jester.

Nung umalis yung waitress, tumingin naman ako ulit kay Jest at nagulat na nakatingin siya sa akin.

"Ano... ang dami naman ng in-order mo." Nahihiya kong sabi.

"Don't worry, I'll be the one to pay it." At ngumiti siya. Shet! Ngumiti siya! Ang gwapoooo! Hihihi okay ang landi ko rin. Date ba 'to?! It's his treat daw! Hahaha okay. Ang oa ko na.

"Uhm, thanks." Wala akong masabi! Sa ilalim naman ng table, kinukutkot ko ang mga daliri ko. Gosh. Bakit ba ako kinakabahan?!

dug dug dug

"So... uhm, taga saan ka?" Tanong niya sa akin habang nakatingin ng mataman sa aking mga mata. Nalulunod ako.

"Sa ano..." Jeska! Contain yourself! Masyado kang nerbyosa! "Ba-Batangas... Hehehe"

"Oh.. Where in Batangas?"

"S-sa Tanauan. I-ikaw?" Tumungo ako pagkatapos ko itong itanong.

"Hmm... Quezon City." Tumingin naman ako muli sa kanya at nakitang nakangiti siya sa akin.

Omg Fat Guy! Bakit ba ang gwapo mo yata sa malapitan?!

"Are you nervous or something? Kanina ka pang ganyan eh?" Tanong niya muli sa akin.

"H-hindi a-ah! G-ganito lang t-ta-talaga ako!" Pucha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Absolute UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon