Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter Two.

Si Fat Guy! Oh, so kaklase ko siya. Bigla naman siya napatingin sa gawi ko kaya nag-iwas ako agad ng tingin. Woah.

Maya-maya lang ulit, may tumabi na sa akin. Isang babae. Short-haired siya at kayumanggi ang kulay ng balat. Nakashorts siya at t-shirt tapos nakaslippers lang. Dito kasi sa university, walang uniform. So kahit ano suotin mo, that's okay.

"Hi, ako nga pala si Janice. Janice Anne Vergara. You?" Napatingin ako sa katabi ko. Kinakausap niya pala ako. Nakita ko namang nakangiti ito sa akin. Ang ganda niya.

"Cyril. Cyril Jeska Mercado. Uhh, Cyy nalang for short." Ngiti ko naman sa kanya pabalik.

"Okay, Jans nalang sakin. Hihihi. I like your hair color. Anong color 'yan?" Tanong niya naman habang hinahawakan ang buhok ko na wari'y sinusuri ito.

Natawa naman ako.

"It's red brown, but some say 'It looks like burgandy'."

"Ang gandaaa. Flaming red ang hair mo 'teh! Hahaha."

"Thanks."

mic test. mic test.

Pareho naman kaming napatingin sa unahan. Nandiyan na pala ang prof.

---

"What's yours, Cyy?" Tanong sa akin ni Jans.

"Uhm... Sisig. Two 'n a half rice. Thanks. Upo na ako sa table natin."

Kasama ko si Janice kakain ng lunch. Pareho kaming vacant ngayon. After kasi ng English 1 namin, niyaya niya akong kumain. Vacant niya raw eh. I agreed kasi vacant din naman ako at wala akong kasama. Wala pa rin naman akong kakilala dito. Only her palang.

"Cyy, friends na tayo ha? Wala akong kakilala dito. Ikaw palang. Hahaha." Sinasabi niya 'yan habang paupo siya.

Napangiti ako. Of course, sinong hindi matutuwa magkaro'n ng friend?

"Oo na. Makakahindi pa ba ako sa'yo? Haha. Ikaw lang din kakilala ko dito eh." Ganti ko sa kanya pabalik.

"So, we're meant to be together! Hahaha lol. Okay, what's your next class?"

"Uhm, Philosophy 1. You?"

"Phlo rin. Gosh, ateng, give me a copy of your sched." Tapos nilahad niya kamay niya sa akin.

Kinuha ko naman ang bag ko at hinanap doon ang notebook ko. Nakasipit kasi doon ang sched ko. Nang mahanap ko ito, binuksan ko agad ang notebook ko at kinuha ang nakasipit na papel sa unahan. Binigay ko ito sa kanya.

Pagkaabot niya, binuksan niya agad ang papel at parang ikinukumpara ito sa nasa phone niya. Mukhang pinagkukumpara niya ang sched namin.

"Cyy! Superclassmates tayo! Hahaha. Look!" Tuwang-tuwa niya binalik sa akin amg sched ko at inabot niya rin phone niya.

Kinuha ko naman ito at tinignan. Oo nga. Magkapareho kami sa lahat, maliban nalang sa dalawa. Math recitation at guidance.

"Magkaiba lang tayo sa GI at Math recitation." Inabot ko na sa kanya phone niya. Nginitian ko siya.

"Well, that's okay. Magkatabi lang din naman room naten no'n eh. Hahaha. Saan ka nga pala nagdodorm?"

"Sa Sandrew's. Ikaw ba?"

"Omg. Magkalapit lang. Tuesky's. Hahahaha bestfriend na tayo! Hahaha" May papalo-palo pa siya niyan sa lamesa. Natatawa tuloy ako sa kanya. Ang hyper niya! Hahaha daig pa niya ako.

Absolute UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon