First letter- 3words

310 11 1
                                    

Laurence,

     I am sorry. I miss you and I love you.

Ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sorry...sorry kasi sinaktan kita at alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko. Hindi ko na nasabi sa'yo ang reason kasi yung palang makipagbreak  hirap na hirap na ko eh. Hindi ka man pumayag pero kailangan. Alam kong susundin mo ang naging desisyon ko. Bakit ako sigurado? kasi alam kong mahal mo ko.

Ang sakit sabihin ng mga salitang binitawan ko sa'yo pero kailangan. Sorry kasi hindi ko maibigay ang paliwanag na hinihingi mo sa'kin. Ang sakit lang na makita kang nasasaktan pero wala akong magawa kasi eto ang dapat kong gawin. Sorry kasi nasasaktan kita. Sorry kasi iniwan kita ng basta basta. 

Babe, hindi ko alam ang gagawin that time ng kinausap ako ni mama tungkol sa relationship natin. Yes, alam na niya. Sinabi niyang makipagbreak na ako sa'yo kung ayaw kong magalit si papa kapag nalaman niya ang tungkol satin. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Sorry kasi nagdecide ako on my own. Natatakot lang ako, hindi ko naisip ang consequences ng sagutin kita. Masaya naman na friends tayo....more than friends pero less than lovers. Pwede bang bumalik tayo sa dati?

Babe, ang sakit sakit lang. Ang bata pa natin pero look, feeling ko ang bigat ng pinagdadaanan natin. Sana mahintay mo ko. Hindi ko man nasabi sa'yo ang mga to pero sana ako lang mahalin mo. Ang selfish ko ba? Mahal kita.

I miss you too babe. Sorry kung hindi ko sinasagot ang mga text messages mo at calls. 16. Hopefully dumating na yung time pwede na tayo. Ang dami kong gustong sabihin pero ano pang sense kung hindi ko rin naman to maibibigay sa'yo? Gusto ko lang gumaan yung  pakiramdam ko. Hindi kasi mawala sa isip ko yung sakit na nakita ko kahapon sa mukha mo. Alam ko ako ang gumawa nun...Sorry.

Laurence, i love you so much. wait for me babe. :*

 Maigne.

===============

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon