21st of the Month

5 1 0
                                    



I'm on my way home after a tiring day, when I received a text from my boyfriend.


"Nakauwi ka na ba? May gusto sana akong sabihin sa'yo. :( "

At that very moment, natulala ako sa nabasa ko.

Pumasok agad sa isip ko ang salitang break up.

Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang naisip ko. Sa dinami dami ng mga pwedeng isipin, iyon lang talaga ang pumasok sa utak ko. I did my best to erased that idea. Ayoko pangunahan ng negative thoughts ang mga nangyayari.

"Byahe na ako pauwi. Pumunta pa kasi kami nila Christy sa Barks N' Blends."

"Ano ba yung sasabihin mo at mamaya mo pa gusto?" dugtong ko pa sa text.

Sinubukan kong maging positive kahit na iba talaga yung nararamdaman ko. Hindi maganda yung kaba ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko, may hindi talaga magandang mangyayari at mukhang magkakatotoo yung iniisip ko.

"Love, sorry sa masasabi ko. :("

Yung kaba na nararamdaman ko, double na. Yung takot ko, sobra sobra. Yung luha na nagbabadya pa lang unti unti nang tumulo. Hindi ko alam pero takot na takot ako sa maari niyang sabihin.

Huwag naman sana, baka hindi ko kayanin.

"Ano yun?"

"Anong meron?"

Magkasunod na reply ko kanya. Dagundong na ang kaba at hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang pag-iyak ko habang nasa FX papuntang Cubao kasama ang kaibigan ko.

"Pero..parang gusto ko muna mapag-isa."

Ang mga luhang gustong kumawala ay hindi ko na napigilan. Bakit? Maraming bakit ang nasa utak ko habang paulit ulit sa isip ko ang sinabi niya sa text.

Saan ako nagkulang? Ako ba ang may mali? Ang dami ko ngang issue sa kanya pero lumalaban ako kasi mahal ko siya.

"Okay. Ano meron?" reply ko sa text habang pilit na wag gumawa ng ingay ang pag iyak ko.

Pinabasa ko sa kaibigan ko ang mga sinabi niya sa text.

Galit na galit ako. Bakit siya pa ang may ganang magsabi na gusto niyang mapag isa muna? Sinakal ko ba siya? Naging maluwag ako. Ang daming issues naming na hindi napag uusapan pero bakit dumating pa rin sa point na ganito?

Mali ba talaga ako?

Ayokong gawin sa kanya yung mga bagay na alam kong ayaw niya. Ayokong maulit sa kanya ang mga bagay na 'yon.

"Hindi ko din alam bakit.." sagot niya.

Letsugas. Paanong hindi niya alam? Paano niyang maiisip ang ang bagay na iyon kung hindi niya alam kung bakit?

"Anong hindi mo alam? Syempre may reason yan. Sawa ka na?" sagot ko sa text

Takot na takot ako. Nagsawa na ba sya? Nasobrahan ba ako sa pagiging maluwag sa kanya? Saan ba ako nagkamali talaga?

"Not term sawa na. Pero parang bigla na lang ganun na parang nawala na."

Nawala na ang alin? Ang pagmamahal niya sa akin? Kagabi lang nag I love you pa siya. Kagabi lang okay pa kami. Kaninang umaga lang okay pa kami..

Pero baka akala ko lang yun..

Kasi madami na kong narealized na pagbabago sa atin.

Okay na sa kanya yung makabati lang ng simple Good morning and kain na sa text.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon