Chyn's Story

130 3 0
                                    

Non-Fiction

------

"Sino si Thea para sayo?"

Alam mo yung feeling na gustong gusto mong malaman yung sagot pero at the same time, ayaw mo kasi natatakot ka sa maaari nyang isagot? Na baka masaktan ka lang? Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang marinig yung sagot niya eh...pero kailangan kong malaman ang totoo. Matagal ko ng tinatanong ang sarili ko kung sino ba talaga si Thea?

Ilang beses ko na bang nabasa ang mga conversation nila sa facebook ni Renier. Nakakainis lang dahil nagagawa ng babaeng yun ang magpost sa wall ni Renier ng malaya. Anytime pwede sya at magcocomment naman si Renier. Pero ako, hindi pwede. Hindi ako pwedeng mag-wallpost sa kanya kasi ayaw niya. Noong birthday nga niya, yung wallpost ko lang na

"Happy Birthday babe :* "

ni-like niya lang, walang kasamang comment. Yung sa iba may like naman, may comment pang thank you! Ang mas masakit pa, yung post ni Thea ay naging chatbox pa nila.

"Sumagot ka Renier! Sino si Thea sa buhay mo?!"

Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Sobra na kong kinakabahan sa maaring malaman ko pero naiinis ako dahil ayaw niyang sumagot. Ang tagal na namin sa ganitong set-up pero wala pa rin label yung relationship namin. Hindi kami official lovers. Ang tagal na naming ganito, kaya matagal tagal ko na ring tinatago ang sakit na nararamdaman ko. Ayokong mag-away kami pero hindi ko na kaya. It hurts like hell. Kanina lang ay ok na kami habang magkatext. We exchanged iloveyou's pa bago siya magpaalam na matutulog muna daw siya. But then, nagulat ako ng magtext ulit sya.

"Thea, baby, i miss you. "

baby?

tapos sakin babe ang tawag niya?

"Answer me Renier! Who is she? Naglolokohan lang ba tayo? huh?!"

Ang sakit. Yung feeling na nasa bangin ka at oras na sumagot sya ay mahuhulog ako at mamamatay. Nakasalalay sa kanya ang buhay ko. Natatakot ako na imbis nahilahin nya ko palayo sa bangin ay itutulak niya ko.

"She's just a friend okay? Wag kang paranoid. Inaantok na talaga ko babe."

Iyon lang ang sinabi nya and then he hang up.

And I cried.

I cried again and again. Another night na iiyak ako because of him. Hanggang kelan ako magiging ganito? Kelan matatapos yung sakit na nararamdaman ko? Hanggang kelan ako magiging matapang naipaglaban siya. Kaya ko bang pakawalan siya kung hindi aayon ang lahat sa akin kapag tama ang tama ang mga hinala ko? Lagi niyang sinasabi na "she's just a friend" pero iba ang pinapakita nila. Lagi akong nagdududa dahil madalas silang magkasama, magkausap sa phone at facebook pero wala akong magawa.

Kailangan on-time akong mag-ool sa ym at gagamit ng code na "babebibobu" para maitago ang meron kami. Hindi ako pwede ma-late sa pag-ol at pagtext sa kanya pero siya, pwede. Hindi ko siya pwedeng pagsabihan kasi hindi pa niya ko girlfriend.

Hindi ko pa siya boyfriend.

At iyon din ang dahilan kung bakit madalas akong paranoid about Thea. She's just a freaking friend and I'm the special someone pero pakiramdam ko baligtad kami ng posisyon sa buhay ni Renier. Feeling ko ako yung "just a friend" at si Thea yung "special friend..na sila yung "more than friends but less than lovers".

Si Thea yung kilala ni Leah, Renier's girl bestfriend. Si Thea yung friend ng kapatid ni Renier sa facebook. Ako? Hindi ata nila ko kilala. Hindi ata nila alam yung existence ko sa buhay ni Renier. Hindi ba dapat kung mahal mo ang isang tao, maging proud siya sa'yo? Ipapakilala ka niya sa mga kaibigan niya especilally sa family niya except kung hindi pa kayo legal? Kung ako ang masusunod, matagal ko na siyang pinakilala sa friends ko.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon