Sobrang dilim. Nasan na nga ba ako? Napaka-ingay sa lugar na ‘to. Naloloka ako sa mga tao dito, nagsisigawan halos magkakalapit naman sila. Nasa gitna ako ng mga nagsisik-sikang tao, na hindi ko alam kung anong ginagawa siguro sumasayaw. Masikip at mabaho. Literal. At kung bakit ako andito, hindi ko din alam. Ang huli ko lang kasama kanina ay si Danica. Siya ang bestfriend ko at partner-in-crime. Pero nasan na siya? Iniwan na din ba niya ako? Sige, lahat naman sila iniiwan ako e. Ayos lang, sanay na ako. Pero ‘wag naman ngayon, hindi ko na kaya dito. Hindi ako makaka-tagal sa ganitong lugar. Napaka-baho! Naghalo-halo na ang amoy ng alak at sigarilyo.
Sobrang nagguguluhan ako kaya napasigaw na lang ako, “Danicaaaaaaaaaaa!” parang huminto ata ang mundo at lahat sila naka-tingin sa akin. OwwwwGhaaaaaad! Anong gagawin ko? Umisip ka ng paraan Luris! Dali!
Ngumiti ako sa kanila, “Hi? Hello? Are you enjoying the party? Yeaaah. Yeaaaah. Ohhh. Sayaw pa tayo! Hehe.” at sumayaw-sayaw. Hindi ko alam ginagawa ko. Haaay. Sobrang nakaka-hiya naman ‘to. Waaah! Mabuti na lang inalis din nila ‘yung titig nila sa’kin. Pagkatapos nun nagpatugtog uli ‘yung DJ at tyempo pa ang tugtog.
*We can’t stop lyrics*
At nagsayaw-sayaw pa uli ako. Ini-enjoy ko na lang ‘yung music.
At dahan-dahan akong umaalis sa dance floor, “Danica nasan ka na ba?” bulongko sa sarili ko. Inikot-ikot ng mata ko ang buong lugar , nagbabaka sakaling makita ko si Danica. Gusto ko na talagang umuwi!
Nung nakalayo na ako sa dancefloor, umupo ako sa may bar table at chineck ‘yung cellphone sa bulsa ng pants na suot ko.
1 message received
From: Honneybunch
Hun sorry na.
Whaaaaat. Ha? Bakit? Ow! Naalala ko na!
~Flashback~
Ilang araw na lang pasukan na, kaya eto kami ng bestfriend ko si Danica nasa mall at bumibili ng school supplies. At dahil Senior High na ako, hinayaan na ako ni Papa na mamili ng mga gamit ko at binigyan na lang niya ako ng pera. Ang saya ng ganitong feeling.
“Dans, kain muna tayo. Gutom na gutom na talaga ako!” pagod at gutom na talaga ako. Kanina pa din kami paikot-ikot.
“Saan mo gusto?”
Naglakad-lakad kami habang naghahanap ng makakainan.
“Hmm? Kahit saan basta libre mo. Hahahaha!”
“Hindi mo ako boyfriend para ilbibre ka noh! At speaking of boyfriend, ‘diba si Niko ‘yun?”, huminto siya at tinuro niya ‘yung lalaki sa loob ng restaurant.
Naka-talikod ‘yung lalaki at imposibleng siya ‘yun na may kasamang babae. “Hindi siya ‘yan!”
Hinampas niya ako sa balikat, “Bes, siya nga ‘yan! Tara pasukin natin, icheck natin kung siya nga!”
Wala akong magawa kundi sumunod sa kanya, para na din patunayang hindi si Niko ‘yun kaya hinila na niya ako papasok ng resto. Pero hindi ko inasahan ang nakita ko.
“NIKO?”
“HUN?” sabay naming sabi.
Nagulat naman ‘yung pangit na babae na kasama niya.
“Baby, who’s that girl?”, wow! Englishera pa ah, mukhang paa naman!
“Hun your face! Magsama kayo ng baby mo!”, sabay sampal sa kanya!
BINABASA MO ANG
Not your ordinary girl
Teen FictionSabi nila lahat tayo may nakalaan para sa isang tao, paano kung natagpuan mo eh "NOT YOUR ORDINARY GIRL?". Will you take the risk in love? Meet Luris. :)