Ang lambot naman ng kama ko, ang sarap matulog. Ayaw ko ng tumayo. Hayy. Parang sobrang napagod ako at gusto kong magpahinga. Magpahinga ng husto. Pero bakit parang ang daming tao sa kwarto ko. O nanaginip lang ako, pero may nagbubulungan sa paligid ko.
"Ano ba nangyari sa kanya?"
"Hindi ko din po alam e? Dito ko na lang siya nadatnan."
"Sinabi ko naman na sa kanyang ingatan niya sarili niya e. Naku naman."
Bakit ba dito pa nila naisipang magkwentuhan sa kwarto ko, gusto kong magpahinga!
"Kuya, mukhang gising na siya." boses yun ni Dans.
"Oo nga. Luris, okay ka na ba?" si Kuya naman yun.
Ano ba nangyayari sa mundo ha? Bakit sila nagsasalita sa panaginip ko.
Dinilat ko yung mga mata ko, konteng pikit, dilat. *blin blink*
"Ohhhhhh! Ba't kayo nandito sa kwarto ko?!" bigla naman akong napasigaw ng makita ko si kuya at Dans sa harapan ko.
"Anong kwarto mo? Nanaginip ka ba?"
"Oo. Nanaginip nga ata ako. Tutulog na lang uli ako." pinikit ko naman uli yung mata ko, baka nga nanaginip lang ako. Imposibleng nasa kwarto ko sila, wala kasing pwedeng pumasok ng kwarto ko. WALA!
*dilat ng mata*
"WAAAAAAAH!!!" mas malakas na yung sigaw ko this time, at nakita kong nagulat sila dun.
"Hoy Luris! Umayos ka nga! Hindi ka nanaginip!" bigla naman akong binatukan ni kuya.
"Aray! Sumosobra na kayo ah! Lumabas nga kayo ng kwarto ko! Trespassing na kayo!"
"Hahahahahaha!" bigla namang tumawa ng malakas si Danica.
"Oh bakit? Nang-aasar ba kayo? Sabing lumayas na kayo eh!"
"Adik ka ba? Anong kwarto mo?"
"Kwarto ko naman talaga 'to ah.." tapos inikot ko yung paningin ko sa kwarto.
"Ngayon sabihin mo sa'min kwarto mo ba 'to?"
Bigla akong natahimik, wala ako sa kwarto ko. Puro puti yung nasa paligid ko. Nasan ako?
"Langit na ba 'to? Kelan ako namatay?"
"Hahaha. Para kang ewan!" tinatawanan na nila akong dalawa.
Nakaka-asar!
"Nasan ba kasi ako? Pwede bang sagutin nyo ako, hindi yung tawa kayo ng tawa dyan!" nakaka-inis naman oh.
"Nasa clinic ka." seryosong sagot ni Danica.
"Weh?"
"Ayy hindi. Nasa langit ka na talaga." sumagot naman si kuya.
"Naku Luris! Nabagok ba ulo mo? At nakalimutan mo lahat?" umupo naman si Danica sa tabi ng kamang hinihigaan ko.
"Ha?" naguguluhang tanong ko.
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo." pagpapaliwanag ni Danica habang chinecheck yung dextrose na naka-kabit sa'kin.
Ano? Ako? Nawalan ng malay? Paano?
"Ha?" naguguluhan pa din ako.
"Ano bang huling naalala mo?" tanong ni Kuya.
"Ang naalalala ko lang eh, nagmamadali akong tumakbo paakyat ng room kasi 5 minutes na lang mag-e eight na. Yun lang."
"Tapos?" naghihintay ng sagot si Danica.
"WALA NA. Biglang dumilim na lang yung lahat sa paligid ko."
"That's it!" bigla namang sumigaw si Danica sa tabi ko.
"Nakakagulat ha!" hinampas ko tuloy siya sa braso niya pero mahina lang.
"Napagod ka kasi, kaya nawalan ka ng malay. Diba sinabihan ka na ni Papa na'wag magpapakapagod. Makulit ka din eh 'no?" mahinahong pagpapaliwanag ni kuya sa'kin.
"Sorry." yun lang nasabi ko.
Bigla namang pumasok yung nurse, at sinabihan akong pwede na daw akong lumabas pero wag na daw ako bumalik ng klase, umuwi na lang daw ako at magpahinga.
Kaya lumabas na kami agad ng kwartong 'yun at pumirma dun sa log book. At umuwi na kami ni kuya, si Danica naman kailangang bumalik sa klase niya.
Nagpara na kami ng taxi, ayos lang 'yun si kuya naman magbabayad e. Bumaba kami sa kanto, at maglalakad pa ng kaunti bago makarating ng bahay.
"Kuya, okay na ako! 'Wag ng OA!" pano ba naman inaalalayan ako sa paglakad.
"Pasaway ka talaga! Kung ayaw mo, edi 'wag bahala ka na dyan!" tapos bigla siyang tumakbo.
Loko talaga 'tong si Kuya! Ewan ko ba kung concern e, pero iniwan naman ako.
At dahil iniwan ako ni kuya, mag-isa na akong naglalakad ngayon.
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo."
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo."
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo."
Waaah! Ano ba 'tong naiisp ko. Paulit-ulit 'yung sinabi ni kuya sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit. Baka siguro, "kung paano niya ako nabuhat?". Mula third floor hanggang first floor at hanggang sa clinic. Malayo yun. Napaka-lakas naman niya. Baka nga si Papa hindi na ako kaya e.
Baka 'yung mga janitor na naglilinis ng campus 'yung nakakita sa'kin? POSIBLE!
Pero sana hindi! Waaaah! Itatanong ko na lang siguro kay Danica bukas.
Sa sobrang pag-iisip ko, nasa harap na pala ako ng gate ng bahay namin.
"PAPA! Nandito na po ako!" sumigaw na ako para kung nasan man siya rinig na ako para hindi paulit-ulit.
Dumiretso naman na ako agad sa kwarto, nagpalit ng damit at inayos yung mga kalat na naiwan ko kaninang umaga bago pumasok dahil sa nagmamadali ako.
Kinuha ko naman 'yung cellphone ko sa may bag.
2 MESSAGE RECEIVED
Danica bessy:
Bes, naka-uwi na ba kayo? Pagaling ka ah.
Reply:
Oo kanina pa. Tsaka wala akong sakit kaya okay na ako. *send*
Yung isa naman galing kay?
NICO TUKO:
Luris, anong nangyari sa'yo? Nawalan ka daw ng malay? Okay ka na ba?
Ayos ah! Concern pala 'tong pangit na 'to sa'kin. Rereplayan ko ba? Hmm, anong sasabihin ko?
"Hindi ako okay. Kaya nga kelangan kita eh."
Ganun kaya? Baka maawa siya sa'kin tapos bumalik na siya sa'kin. Pero ang pangit. 'Wag na nga. Hindi ko na rereplayan para kunwari wala na akong paki sa kanya.
Ang bilis lumipas ng oras, gabi na agad.
*hikab*
Masyadon naging mahaba 'tong first day ko sa school, nakaka-pagod masyado. Pero sino nga ba siya?
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo."
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo."
"Nawalan ka ng malay kanina sa may third floor, bute na lang may nakakita sa'yo."
Iniisip pa din kita.. Sino ka?
BINABASA MO ANG
Not your ordinary girl
Teen FictionSabi nila lahat tayo may nakalaan para sa isang tao, paano kung natagpuan mo eh "NOT YOUR ORDINARY GIRL?". Will you take the risk in love? Meet Luris. :)