Chapter 2
Ako nga pala si LULU PARIS ZAMORA, LURIS for short. Pinangalan sa'kin ni Papa yung Paris kasi daw gustong-gusto daw niya pumunta dun kasama daw kaming lahat. Kaso ayun puro pangarap na lang. Dalawa kaming magkapatid, ako yung bunso. Wala na akong mama, kaya si Papa at Kuya na lang yung kasama ko simula nung 3 years old ako. Ngayon eighteen years old na ako, at Senior high sa Sunbless High school.
Nag-aaral naman ako, pero mas madalas yung gala e.
Aalis kung kelan gusto. Uuwi kung kelan gusto.
Sa school, madalas din akong ma-guidance, ewan ko ba siguro mahal na mahal lang talaga ako ng guidance councilor naman gusto lagi akong nakikita.
Madami na din akong nakilala at nakasamang iba't-ibang tao. Kaya pati pakikipag-boyfriend, normal na sa'kin. Masyado ko lang ini-enjoy ang buhay, who knows baka bukas wala na ako 'di ba?
Ang motto ko kasi sa buhay, "Live like today is your last day and learn like your gonna live forever." Narinig ko yan sa isang teacher ko nung elementary, simula nun pag pinapasagot ako sa mga slumbook 'yan na lagi yung sinusulat ko.
Hindi naman ako bad, I just break the rules para exciting.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
First day. Senior high school.
"Luris, anak umayos ka naman na this time ha?" sabi ni papa na nasa kusina.
"Opo!"
"Susunduin ka pala ng kuya mo mamaya, itetext ka na lang daw nya. Wag ka ng magpasaway ha."
Kinuha ko na yung bag ko na nakapatong sa may upuan sa dining table, "Sige na pa, aalis na ako!", At lumabas agad ng pintuan.
Hindi ko na narinig yung sinabi ni papa, kung meron man wala din akong paki-alam. Love ko naman papa ko, kaso naririndi kasi ako araw-araw na lang niya akong pinagsasabihan.
Sinimulan ko ng maglakad at nag-abang ng tricycle. Pinara ko naman 'yung unang tricycle na nakita kong dumaan.
Binaba naman ako nito sa terminal, pagkatapos nun nag-abang naman ako uli ng jeep.
Habang nakatayo, may nakita akong familiar na mukha. Pero hindi ko sigurado kung siya nga yun. Naglakad ako papalapit. May kasama siyang babae, karga-karga niya pa yung bag sa kaliwang balikat niya.
Siya nga ba yun? Lumapit pa ako ng kaunti. Konte pa, konte na lang. Yan! Sakto! Siya nga!
"NIKO?!!!!!" hindi ko napigilan yung sarili kong sumigaw.
Halos lahat ng tao sa terminal tumingin sa direksiyon ko. Pati si Nico at yung babae.
"Oh Hi Luris!" binati niya ako tapos ngumiti siya.
"Anong nginingiti-ngiti mo ah?" sagot ko naman habang naka-pamaywang.
"Ha? Bakit?" nagtatakang sagot niya.
Naglakad ako papalapit sa kanila. Lakad pa, lakad.
*paaaaak*
Walang pag-aalinlangan ko siyang sinampal.
Humarap siya sa'kin hawak-hawak yung pisngi niya, for sure sobrang sakit nun. Tumingin naman sa'kin yung babae na nagtataka, at gusto pa atang maki-alam.
"Huy Miss! Wag mo ng subukang ipagtanggol ang lalaking 'to, kung ayaw mo pati ikaw masampal ko!" napa-atras naman agad siya.
"Ohhhh wag ka munang magsasalita!" para akong boss na inuutusan sila.
BINABASA MO ANG
Not your ordinary girl
Teen FictionSabi nila lahat tayo may nakalaan para sa isang tao, paano kung natagpuan mo eh "NOT YOUR ORDINARY GIRL?". Will you take the risk in love? Meet Luris. :)