Chapter 4

10 1 0
                                    

Ang lambot talaga ng kama ko, at this time sigurado na akong nasa kwarto na ako. Hindi na ako nanaginip. Sobrang sarap ng tulog ko, at parang ayaw ko na munang tumayo.

Time check: 5:00 am

Nagpagulong-gulong muna ako sa higaan ko, maaga pa naman. Hindi naman siguro ako malalate nito.

Time check: 6:00 am

Waaaaaaaah! Nananaginip nanaman ba ako?? Tama ba 'tong nakikita ko???

"WAAAAAAAAAAAAAAH!", sobrang lakas ng sigaw ko. Dinig ata hanggang kabilang kanto. Kaya naman bigla kong narinig yung pag-akyat nila sa kwarto ko!

*toktok toktok*

"Luris!! Anong nangyari sa'yo? Buksan mo nga 'tong pinto!", si papa natataranta na.

Pero tulala pa din ako! Waaaaaah!!

"Luris!!!!", naku si kuya ginagamitan na ng pwersa yung pagbukas ng pinto.

Tumayo naman ako, at lumapit sa pinto at binuksan 'to. Nakatayo lang ako sa harap nila at parang zombie. Yung tingin nilang dalawa sa'kin pagkabukas ng pinto sobrang nag-aalala, at humahangos pa.

"Waaaaaaaaaaah!", sigaw ko nanaman.

"Ano bang nangyari sa'yo ha? Pinapakaba mo kami!", naging seryoso naman bigla yung itsura ni papa.

"Waaaaaah!"

"Ano baaaaa! Paano ka namin maiintindihan, panay sigaw ka dyan! Eh kung magsalita ka kaya!", sabay batok sa'kin ni kuya.

Doon naman ako biglang natauhan.

"Kuya anong oras na?"

"6;15?", pagtatakang sagot ni kuya.

"Eh ba't hindi niyo ako ginising!! 'diba may pasok ako!! Second day palang, naku pangit nanaman record ko sa mga teacher ko nito e!", pagmamaktol ko at gusto kong magwala. 'Yung feeling mo nung bata ka pag hindi nakapasok, ganun yung feeling ko. Sobrang big deal!

"Jusko naman anak! Yun lang ba kung bakit nagsusumigaw ha?", hindi ko alam kung seryoso si papa, pero pinipigil nya lang talaga yung tawa niya e.

Nakasimangot lang ako na nakatingin sa kanila. Nakaka-inis sila! Ba't hindi nila ako sineseryoso? Mukha ba ako laging nag-jojoke? Nakaka-pikon na!

"Hay naku! Kung wala kayong masasabing matino, umalis na nga kayo dito sa kwarto!"

Tinalikuran ko na sila at huimga ulit sa kama. Pero ewan ko ba, may mga sapi ata 'tong mga 'to at biglang tumawa ng malakas!

"Hahahahahahahaha!"

"Ano baaaaa?", nakaka-asar na talaga sila!

Pero hindi pa din sila tumitigil sa kakatawa. Seriously nawala na ata sila sa katinuan. Baka nananaginip nanaman ako? Tutulog na lang uli ako. *pikit ng mata*

"Ano matutulog ka nanaman? Akala ko ba late ka na? HAHA", pang-aasar ni kuya.

Pero hindi ko sila pinapansin. Tapos lumapit si papa at naupo sa kama ko.

"Luris, sa susunod icheck mo muna kung may baterya pa 'yung orasan mo ha.", habang tinatapik ako sa likod dahil nakatalikod ako sa kanya.

Inabot ko naman 'yung orasan na nakapatong sa may sidetable ko sa bandang kaliwa ng kama ko. Chineck ko, tapos ...

"Waaaaaaaah!", napasigaw nanaman ako.

At nagtawanan na kaming tatlo. Ayy ang tanga-tanga ko! Medyo praning pa! Grabe! Nakaka-inis! Naistorbo ko pa tuloy pati sila papa at kuya.

"Kuya naman kasi e.."

"Hahaha. Nakakatawa ka talaga!"

"Ewan ko sa'yo!!!", ang tanga ko talaga. Haha.

Tumayo naman si papa, na kanina naka-upo sa kama ko. Lumabas na siya ng kwarto, pati si kuya kaso nang-aasar ata at binato pa ako ng unan!

"Ohh gumalaw-galaw ka na! Talagang malalate ka na nyan!", at sinara na yung pintuan ng kwarto ko.

Pagkalabas nila, kinuha ko na agad yung towel ko at pumasok na ng banyo at naligo na agad. Nagbihis naman agad ako, at nung matapos ako kinuha ko na yung bag ko at bumaba na.

"Kumain ka muna ha bago umalis? Tapos sumabay ka na din sa kuya mo.", bilin ni papa na nakaupo sa may sala habang nagbabasa ng dyaryo at humihigop ng kape.

"Opo."

Nung naka-ayos na ako, lumapit na ako kay papa at niyakap siya.

"Pa alis na ako.". hindi ako ganito, yung sweet kaya nga nakita kong nagulat siya pero ngumiti na lang siya.

At dahil sabay nga kami ni kuya, dinaan niya muna ako sa school at siniguradong sa school nga ako pupunta. Baliw talaga.

"Luris 'yung lagi naming binibilin ni papa ha?"

"Oo na! Sige na, umalis ka na!", nakakahiya naman kasi pag nakita pa akong hinahatid, hindi naman na ako bata e.

Pumara na siya ng jeep at ako naman naglakad na papasok ng gate. Parang first day, at nanibago naman ako sa school ngayon ko lang uli 'to natitigan e.

Pagpasok ng gate, makikita mo yung guardhouse pati na rin si "Lady guard" yung terror na tagabantay namin! Katabi naman nun e 'yung clinic, kung saan ako dinala kahapon. Doon din nakikisiksik yung Mapeh department.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, sa bandang kanan ko naman 'yung office ng mga head teachers at ng mga SSG Officers. Sa taas naman nun 'yung office ng Principal at 'yung AVR. At may apat na building para sa mga classroom. At ngayon nasa ground ako, at nasa tapat ng basketball court...

Pero nagulat ako pagharap ko may bolaaaaaa, oo! Bola nga!

"Aaaaaaah!", napasigaw ako at napapikit na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not your ordinary girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon