Broken Promises.

113 3 1
                                    

He's Jon Rey Barretto. Nakilala ko sya through JFB :) Well, it was June 12, 2013. Wala kaming pasok, kasi nga Independence Day duuh! So I got bored and decided to open the Facebook page of JFB. It was a confession page of one of the biggest universities in Cebu :)

There was a post na may cellphone number na nakalagay. So kinopya ko yung number mehehehe and theeeeeen I texted it. Unfortunately, babae pa lang ang may ari ng number. Toink! May unfortunately talaga noh? So natawa si Ate Gwen (number's owner) kaya binigay nya yung number ng boy bestfriend nya saken. And that's the time I met him, Jon Rey.

Feeling close kasi ako eeeh kaya madali lang akong mag-adjust kapag di ko kilala yung tao. Mehehehe tinanong ko si Jon kung magku-kuya pa ako sa kanya kasi nga high school na ako sya naman eh graduating na sa kurso nyang political science. But he insisted, ayaw nyang mag kuya ako sa kanya. So ayun, I called him Jon.

From that day on, text kami ng text ni Jon. There are times na tinatawagan nya ako. Syempre nakakakaba yun noh! First time ko kaya yun! And to think na comfortable lang kami sa isa't isa through text. He called me on our second night as friends... kinantahan ko sya kasi inutusan nya ako =_____________= Teardrops on my guitar pa nga yung kinanta ko sa kanya eeh. And after that he sang to me the chorus of Buko and Let Me Be The One. Theeeen akala nyo yun lang? Well heck no! Kinantahan nya rin ako ng Out of My League.

Although I was certain na friends lang ang tingin nya saken though he was sweet. Minsan tinutukso nya ako at tinatawag na "babe." At syempre go with the flow lang ang lola nyo! Hahaha kasi nga para saken, no feelings eeeh. No strings attached.

Minsan din, nagkakatampuhan kami. Inamin nya saken na moody sya, and syempre ako rin moody. Sinasabi ko nga sa kanya na, "Wag kang masyadong sweet, ma mimiss kita pag nawala ka." I was certain about what I said that time. Kahit na alam kong no feelings kami para sa isa't isa. Imposible naman kung di ko sya mamiss diba?

What he said? "Hindi naman ako mawawala eeh. Promise."

Pero nasan na sya ngayon? Wala na, hindi na nagpaparamdam. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya eeh. He began cold without telling me the main reason kung bakit naging cold sya. And what hurts the most? He promised me he won't leave. Tsaka kapag tinatawagan ko sya, hindi sya sumasagot. Minemessage ko sya sa facebook, ang sakit kasi binabasa nya lang pero hindi sya nagrereply. I tried many times, I texted him. Nag message ako sa kanya. Pero anong nakuha ko? Wala.

I don't have any love churvabells on him hah. To make that clear, walang love na more than friends. But maybe, nasasaktan ako kasi sa 2 weeks naming naguusap, na attach na ako sa kanya. Nasanay na ako sa presence nya. Ang sakit kasi wala syang pakialam.

Naiintindihan ko naman eh kung heartbroken sya, o kung marami syang problema. Pero sana man lang din, isipin nya na naghihintay ako sa kanya. Kasi kaibigan ko sya eeh, nangako sya.

Alam naman nya na kahit ano pa ang pagdaanan nya, nandito ako parati para sa kanya. Kahit inaamin ko sa sarili ko na galit ako ng kaunti, mas nananaig pa rin saken ang sakit.

Ang sakit kasi nangiwan sya. Ano ba ang ginawa ko sa kanya? Kelangan ba na kapag nasaktan sya eh masasaktan din ako? Sasaktan nya rin ako dahil kaibigan nya ako?

Jon, alam kong masyado na akong OA makapag react. Yung feeling girlfriend kumbaga ba! Pero sana maintindihan mo na kahit sa konting panahon lang na magkaibigan tayo eh espesyal ka na para saken.

Ang tanong ko lang, espesyal din ba ako para sa'yo? Kung oo, nasan ka na ngayon? What happened to your promise? What happened to the promise we both made?

"Pain is inevitable. It proves that we are just human. To feel pain is not a sin, what we do and what we do not do because of pain is the sin."  - Victoria:)

The Girl With A Broken Smile [My Watty Journal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon