Boys are really difficult to understand.
This is what I told Jj, the person I loved before but now my extremely great friend.
Ang hirap ng magtiwala. Ang hirap na.
Ayoko ng magmahal ulit, ayoko ng masaktan.
Nakakapagod kaya! Even though I tried my best to laugh, and smile. Nakakaiyak pa rin eh.
Cielo, she's like a friend, sister, mother to me. All in one! The best sya pagdating sa advices pero nakikinig din sya sa advice ko sa kanya about her ex. Break na sila ng ex nya na walang modo. Sa fb pa sila nag break kasi ayaw makipag usap ng lalaki sa kanya. How great is that diba?
Tanong ko nga sa sarili ko, "Bakit si Cielo, mabait sya, magada, matalino pero sya palagi ang nasasaktan?"
Mas gugustuhin ko pang masaktan ako kesa sya ang masaktan. Kasi di nya deserve masaktan eh, pero ako? Sa tingin ko I deserve it.
Tama bang magpaka martyr na lang sya palagi? Diba hindi? Kaya naman palagi akong nagaadvice sa kanya eh.
Pero akalain nyo naman? Kung sino pa ang magaling mag advice, sya pa yung walang lovelife at napakabobo pag "love" life nya yung pinag uusapan.
Ako! Bobo ako, biruin nyo. Natutunan kong mahalin si Jon Barretto, isang lalaking nakilala ko through text. Magka chat din kami palagi and our communication lasted for one week kasi bigla syang nawala eh. Ewan ko kung bakit, siguro pinoproblema ko ang taong hindi dapat problemahin. Pero masisisi nyo ba ako? After my ex, hindi ko na naramdaman ang pagaalaga at "pagmamahal" na binibigay ni Jon saken.
Masaya naman talaga ako sa buhay eh. Naghahanap lang ako ng makakatext nung mga panahon na 'yon kasi nga naghahanap ako ng libangan. For fun lang yung lahat na 'yon.
Pero sino ang mag aakala na ang for fun, sineryoso ko na pala?
Tas ngayon? Anyare? Nasaktan ako sa maling akala.
Matapos ang one week, nawala sya. Ewan ko kung ano ang nangyari, kung ba't napako ang pangakong hindi nya ako iiwan.
Sabi nga ni Cielo, wala akong karapatang magdrama ngayon kasi nga sa text lang kami nagkakilala. Sa chat lang lumalim ang pagkakaibigan namin. Sa tawag lang kami nagkakausap.
Siguro mababa na ang tingin nya sa akin ngayon kasi pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Kahit na wala naman talaga kaming commitment.
Paulit ulit na lang 'to eh. Sinasabi nila na mas blooming na daw ako this school year, na mas smiling na daw ako at hindi na ako nagda drama. Neknek! Ang daling tumawa, ang daling magpanggap na okay ka lang kahit hindi naman talaga.
Ang daling sabihin na si Enchong na lang forever ang love ko. Pero syempre, babae lang din ako eh. Hopeless romantic. Naghahangad ng true love kahit na imperfect ako. Naghahangad na makita ang totoong magmamahal saken kahit na maldita ako, kahit na marami akong pagkakamali.
Pero ngayon? Takot na ako. Takot na akong magmahal at masaktan ulit. Kasi naman diba? Nasasaktan na lang ako palagi. Syempre sinong di matatakot dun?
Takot na akong magmahal, kaya naman pipilitin kong ipadlock ang puso ko at tanging si Enchong lang ang may susi dito.
Victoria's heart belongs to Enchong and to Enchong only.
BINABASA MO ANG
The Girl With A Broken Smile [My Watty Journal]
Non-FictionAll rights reserved. No part of these pages, either text or image may be used for any purpose other than personal use. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval system or retransmission, in any form or by any means, electronic, m...