Beneath the Sheets

262 2 0
                                    

PROLOGUE

"Ano ito ba'ng higit na kailangan mo?!" nagpupuyos na sigaw ng lalaki at saka inihagis sa harap ng nakatulalang babae ang samu't saring alahas na kumikinang sa mga makukulay at mamahaling mga bato.

"Tiyak kong hindi pa sapat yan," inis niyang sinabi. Kumuha naman ito ng isang bundle ng papel sa drawer ng tokador. "Hindi na siguro masama ang sampung milyon," wika niya habang nagsusulat. Pagkatapos pirmahan ay saka kinuha ang palad ng babae at isinalampak dito ang nagiinit pang tseke.

"Umalis ka na bago ko pa makalimutang..."

Hindi niya natapos ang nais sabihin dahil nagulat siya ng sampalin ng babae. Namula at humapdi ang kanyang pisngi dahil sa lakas ng natamo niyang sampal. At bago pa man siya makaangal, ay binasag na ng babae ang kanyang katahimikan at pinakawalan ang hinanakit sa kanyang dibdib.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Ni katiting na tiwala hindi mo man lang maipagkait! Halos ibigay ko na sa iyo ang lahat at wala na akong itira para sa sarili ko tapos ganito lang pala ang mapapala ko? Pinaglingkuran kita ng buong puso tapos ito ang isusukli mo?" sabay dampot ng mga alahas na nagkalat sa sahig. Itinapon niya pabalik sa harapan ng lalaki. "At ito?" tukoy niya sa tseke. "Mas lalong hindi ko ito kailangan!" Pinunit niya ito at isinampal sa dibdib ng hindi makapagsalitang lalaki.

Dire-diretso siyang naglakad palabas ng kuwarto habang pilit na pinipigil ang sarili na hindi umiyak. Ngunit dahil sa labis na sakit na idinulot sa kanya ay unti-unting nagsipatak ang kaniyang mga luha. Hindi niya inakalang sa ganito na lang magwawakas ang mga sandaling naramdaman niya ang tunay na kaligayahan. Natawa siya ng mapait at bumulong sa sarili, "Dahil lang sa isang larawan, nawalan na ako ng karapatan."

Huminga siya ng malalim at sinabing, "Huwag kang mag-alala, kahit kailan man hindi mo na ako makikita." Nangingilid na naman ang kanyang mga luha ngunit bago pa man pumatak ito ay pinahid na niya ng kanyang kamay.

"Isipin mo na lang na hindi tayo nagkakilala. Kalimutan mo na ang taong nagngangalang Briana Mesina." Pagkatapos lumabas ang mga iyon sa kanyang bibig ay binuksan niya ang pinto.

"Paalam na France Alexis Valderama."

Beneath The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon