Chapter 2

9 1 0
                                    

Elliana POV

Hindi maalis sa aking isipan ang panaginip ko ng gabing iyon ang puting kalapati na lumipad ng malaya at ang bughaw na kalangitan ay biglang binalot ng napakaitim ng ulap at naglabasan ang mga uwak at sa isang iglap ay walang awang pinagtulungang patayin ang puting kalapati at kumidlat ng malakas saka tumalsik ang ulo ng kalapati at nagsimulang mahulog mula sa kalangitan---

"Elliana! Elliana okey ka lang?!"

"O-opo prinsesa"

Third person POV

Sa isang tagong lugar sa Fershia nagtipon tipon ang apat na pinuno ng apat na malalaking kontinente ng Fershia

"Pero kailangan ng malaman ito ng prinsesa"

"at kailangan na rin natin ang prinsesa at nanganganib na ang ating mamamayan pati na rin ang Fershia"

"pinatay na nila ang reyna ! At pati ngayon ang hari! Kailangan na nating kumilos!"

"NAG IISIP BA KAYO HA?! ANG PRINSESA ANG PINAKA MALAKAS SA LAHAT NG MANIPULATOR DAHIL SYA ANG HULI! INIISIP NYO BA ANG PWEDENG MANGYARI PAGNALAMAN NYANG PATI ANG KANYANG AMA AY PINATAY NG MGA DIMONYONG IYON?! HA?!"

Lahat ay di makaimik. Dahil alam nila ang kayang gawin ng isang Manipulator sapat na ang galit ng reyna nilang manipulator noon ng lumikha ng malaking sira sa buong mundo na kahit sa mundo na tao ay nadama ito. Ano pa kaya at ang huling lahi ang magalit at walo syam o sampung beses ang pangkaraniwang lakas nito kesa sa mga nagdaang manipulators

" KAYANG KAYA TAYONG-O LAHAT NG NABUBUHAY SA MUNDONG ITO NA PATAYIN NG MANIPULATOR NA YON!"

"YOU GODDAMN PYROMANIAN SHOW SOME RESPECT ! SYA NA ANG REYNA AT WALA TAYONG MAGAGAWA AT ISA PA ANG SABI NG NAGBABANTAY SA PRINSESA KAYA NA NITONG KONTROLIN ANG KAPANGYARIHAN NITO"

"AYUN NA NGA!' KAYA NA NYANG KONTROLIN IBIG SABIHIN KAYA NA RIN NYANG PUMATAY KAHIT MATA O ISIP LANG ANG GAMIT!"

"Wala ba kayong tiwala sa bagong reyna na tin?"

"Mahal nya ang mga Fershianians hindi nya tayo kayang saktan"

"NABABALIW NA KAYO!" sigaw ng pinuno ng Pyromanians na tila nababalutan ng apoy na awra sa sobrang ng galit nito at saka iwigayway ng isang ang kanyang kapa at naglaho

Di nila malaman ang dapat gawin dahil sa takot na baka magkamali sila ng disesyon na makakapahamak sa mamamayan nila

"Ihanda ang palasyo sa susunod na buwan"

"sa susunod na buwan sa unang araw na buwan ng pebrero ihaharap ang bagong reyna" tumango ang lahat

"Ihanda ang mga keepers at mga mandirigma ang magbabantay sa paligid ng Fershia at ipatawag ang bawat alpha para sa pagpupulong bukas sa felestine"

"masusunod pinuno" ani ng kawal at yumuko ng bahagya at saka umalis

The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon