ISANG buwan ang lumipas at ito na nga ang pinaka aabangan ng lahat ang pagdating ng prinsesa. Abala ang lahat ng katulong sa palasyo dahil mamamayang gabi na ang dating nito
"Ginoo naipadala na po sa mundo ng mga Tao ang ibong nagdadala ng liham sa prinsesa" sabi ng kawal
"Sige salamat. Nakita mo ba ang binatang si hale?"
"Opo pinuno si alpha Hale po ay nasa underground headquarters mayroon po syang nabihag na rogue mula sa kanlurang bahagi ng Fershia"
Tumango ako. Ako nga pala si Arturo o mas sanay na tawaging ginoong Arturo isa ako sa matalik na kaibigan ng pumanaw na hari ako rin ang hinabilinan nito ng huli nyang testamento bagamat walang kaalam alam ang binatang si hale na sya ang inatasang maging kabiyak ng prinsesa at susunod na hari ng Fershia. Saksi ako sa mga panahon mula ng makita sa kagubatan ang batang iyon hanggang sa turuan ito ng tamang paggamit ng kapangyarihan at sa pakikipag laban
'kahit na napakaseryoso, masungit at napakadamot ngumiti ng binatang iyon' Di maipagkakailang mahal nya ang buong mamamayan ng Fershia. Naalala ko pa noong nagsasanay Kami
Flashback
"Sige hale subukan mong gawing tipak ng yelo yung hawak ni Arturo na tubig" mula sa kapangyarihan ko bilang isang water vender gumawa ako ng bilog na tubig at pinalutang ito sa ere sinimulan ni hale na gawing yelo ang tubig na nasa ere nagawa nya ito ngunit habang tumatagal hindi nya ito makontrol at ang mga ulap sa langit ay kumilimlim na pawang nagbabadyang umulan ng malakas pati ang ilog sa tabi namin ay magsisimula ng maging yelo maging ang klima ay bumigat na din
"M-mahal na hari h-hindi ko na po makontrol!"
"Jusko ko po rudi!" bulalas ng hari at maagap na gumawa ng spell na shield
Napayuko kaming dalawa sa lakas ng impak ng pagsabog nag aalalang sinilip namin ang bata akala namin makikita namin ang bata na sira sira ang damit at sugatan ngunit hindi nakatulala ito habang sinasapo sa kanyang kamay ang mga nyebeng bumabagsak mula langit
"N-nagawa ko? H-haha"
Napalunok ang hari "H-hale ang sabi ko gawin mong yelo yung tubig na nilikha ni Arturo Hindi yung gawing mong yelo ang buong Lugar jusko--" hindi na natuloy ng hari ang kanyang sasabihin ng dumating batalyong kawal ng Fershia
"Mahal na hari narinig namin ang pagsab--"
"Wag kayong mag alala si hale lamang iyon" nakangiting sabi ng hari at saka inakbayan ang bata
"Diba napakalakas ng kapangyarihan nitong si hale Arturo"
Kinabahan akong tumawa at saka tumango tango "O-opo n-napakalas nga" lingid sa aking kaalaman Hindi pangkaraniwan ang lakas ni hale lalo na murang edad nito at ang mga kawal ay nagulat din
"Mukhang hindi lang pagiging pinuno ang nababagay sayo ah hale"
"Salamat po" yumuko ang bata at saka ginulo ang buhok nya
"Sige na mga kawal bumalik na kayo pagpasensyahan nyo na at pinag alala namin kayo naglalaro lamang si hale" natatawang sabi ng hari
" Masusunod mahal na hari at Paumanhin rin po at naabala namin kayo" sabi ng pinuno ng mga kawal at tumango ang hari saka sila umalis
End of flashback
---*
Short UD lang muna guys :)
Thanks sa vote :)
Still next sat ! Ciao ~@Jeongina_Ugh
BINABASA MO ANG
The Manipulator
RandomYou may be know the whole me but not the real me -crytal I fall, i love, i care, and i will protect this she-devil no matter what -hale Welcome to our own world that full of mystery. Once you enter the world you will never know the way out. Some sce...