Chapter 7

2 0 0
                                    

Hey guys its good to be back, miss yah guys i hope you miss me too(key payn umaasa nanaman ako)

--*

Hale POV

Mula dito sa silid ko na nasa loob mismo ng Palasyo dito sa Felestine ay naka masid ako sa labas. Naalala ko yung sirang sira na gubat at mga posteng bumagsak at sira sira na gusali mula sa malakas na lindol. Naayos na ito ngayon bumalik na sa dating ayos, ang mga Earth venders ang mga nanguna na ayusin ito tutal madali Lang naman para sa kanila na pasunudin ang mga bato at lupa kaya rin nilang palaguin ng mas mabilis kesa sa natural na pagpapalago ng mga halaman at puno. Huminga ako ng malalim saka humarap kay Ginoong Arturo na kanina pa nakaupo at umiinom na kape

Dalawang linggo na ang nagdaan dalawang linggo na ring walang malay ang prinsesa. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit sya wala dito sa Fershia tinago sya ng hari sa mundo ng mga tao ngunit hanggang doon Lang ang paliwanag sa akin ni Ginoong Arturo pero kahit na ganon Hindi ko parin maikubli ang galit ko dahil noong oras na makuha ako ng hari ay noon ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang ama hindi ko alam kung paano ako napunta sa Fershia pero labis ang pasasapamat ko sa hari dahil Hindi nya lang ako pinakain, pinag aral at binigyan ng matutuluyan bagkus tinuring pa ako nitong parang tunay nyang anak kaya anong karapatan kong tanggihan ang utos ni Ginoong Arturo para sa anak nya

"Sa oras na magising sya at nakapagpahinga simulan mo na"

"Teka Ginoong Arturo hindi pa nga ako pumapayag"

"Wala ka namang choice"

"Alam kong alam mong hindi kami magkakasundo ng babaeng yon Ginoo kaya pasensyahan na lang"

"Hale" malumanay na sabi nito ngunit may halong pagbabanta pinaikot ko lang ang mata ko 'Ha! Hindi mo ko madaan sa pagbabanta mo'

"What? I don't do special treatment so fuck off ginoo" tumalikod na ko sa kanya at nagsimulang maglakad paalis habang iniwan syang umiiling iling

"Training is training" naiinis ako! Aba mapapaaga ng syam na buwan ang pasok don't get me wrong people pero hindi ko na kailangang pasukan ang buong taon sa paaralan dahil lahat yon natutunan ko na sa palasyo pa lang araw araw libro ang kaharap ko at pagdating ng hapon pupunta na kami ng gubat ni Ginoong Arturo kasama ang hari kaya kadalasan isang buwan o siguro ay dalawang linggo na lang bago matapos ang huling buwan ng pasukan ako pumapasok pero hindi ngayon magdadalawang buwan pa lang mula ng magpasukan heto ako at pinapasok na ng gurang na yon dahil sa babaeng yon.

Bahagya akong napabalik sa paglalakad ng mapansin kong ang isang pinto ng kwarto na nababalutan ng itim na usok, basta may itim sa gilid ng pinto. Dala ng kuryosidad binalikan ko to akmang hahawakan ko ito pagtitinitignan ang itim na bumabalot sa pinto at parang may buhay to ng may biglang may sumigaw likuran ko

"DON'T!" Napatingin ako sa likudan bigla akong nainis hindi lang dahil sa tinis ng boses nito kundi sa lakas ng boses nya na paulit ulit na umalingawngaw sa buong palasyo.

"S-sorry po alpha hale" sabi nito at biglang yumuko ng siguro ay makita nya kung gano nanlisik ang mata ko sa kanya

"Anong problema mo?! At anong ginagawa mo dito"

"Napadaan Lang po alpha pasensya na po kung napagtaasan ko kayo ng boses"

Sinimaan ko lang ito ng tingin saka kuling humarap sa pintuan na ngayon ay nababalutan na ng makapal na itim

"A-alph--" hindi na nito natuloy ang isisigaw nya pati na rin ang paghawak ko sa pinto ng may biglang humampas na tubig sa buong katawan ko na syang dahilan ng pagtalsik ko

"Ikaw na bata ka makinig ka naman sa sinasabi ng iba Hindi yung puro sarili mo lang yung iniisip mo! For f*cksake hale you almost put your life in danger!" galit na sigaw sa akin ni ginoong arturo

"W-what?"

Hindi ako sinagot ni ginoong Arturo at bigla na lang itong tumalikod at naglakad palayo kasama yung babae

The ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon