(Oh, game na ulit, anong laro?) *joke*
Seryoso na nga '-'
Nakapasa ka, swerte mo kasi kadami ninyong nag-exam pero nasama ka sa pasok, ang hirap kaya ng exam.Kahahaba ng mga tanong tapos pagpipilian, pustahan tayo hinulaan mo lang yung karamihan dun (huwag ng magmagaling,totoo diba?)
Hindi ko na iisa-isahin yung mga nangyari nung examination day wala ako masyadong memories dun eh, hindi kasi ako masyadong observant kaya hindi ko alam ang mga pangyayari nun saka isa lang naman yung kakilala ko noon tas katabi ko pa si #15 ,saka kinakabahan kaya ako, baka masyado pa akong kabahan pag lumingon-lingon ako.
Bago kop ala simulang ibunyag yung mga kalokohan natin also called MEMORIES/ALAALA, may ginawa akong bunutan (sikat ako sa paggawa ng ganyan , di ba), dahil bawal magbanggit ng pangalan dito nilista ko lahat ng mga pangalan nating STAB 5, para may thrill pag kinuwento ko na lahat, kahit alam na natin kung sino yung binabanggit mas maganda pa ding hidden yung pangalan, numbers lang babanggitin ko,huwag magreklamo pag ayaw mo ng number na napunta sa'yo (ikaw gumawa ng bunutan para mapili mo no. mo, sige nga!)
40 pala lahat tayo,kadami (huwag ng tanungin kung bakit, isipin mo nalang),sa dulo ko nalang ire-reveal yung mga numbers with the names that correspond to it (tama ba grammar mali ata, pa-sen-sya).