Siyempre hindi naman lahat nagkakasundo-sundo sa lahat ng bagay kay't iba't ibang grupo ang nabuo.
•BATCH 5 (as a whole kung meron man/ wala daw unity eh)
•MONTENEGRO FAMILY
•TEAM-ANG
•BH
•TGIW
•MAGULO FAMILY
•TTGSN
•TRESMA
•RAK/RAK NA ITU
Kabilang ka man o hindi sa mga grupong iyan, nasisiguradon kong saksi ka sa pagbuo, pagiging matatag, pag-aayaw o pag-aalitan sa loob man ng isang grupo o sa pagitan ng dalawa. (Ngingiti ka nalang at masasabi mong, "Oo, nga kabilang pala ako dito, marami kaming napagdaan saya man o gulo, hindi ko malilimutan lahat ng mga iyon, nakatutuwa o nakalulungkot mang isipin tila maiiwan ko ang mga alaalang ito sa buhay "high school" ko pero mananatili ito sa puso't isipan ko") (oh, di'ba andrama) –parang line lang sa isang pelikula.
Pero sana kahit magwakas man o mawasak ang mga grupong iyan lagi mong tatandaan na kung hindi dahil sa pagsali mo sa kahit isa man diyan, mayroon kang natutunan at mayroon kang mga alaalang pwede mong ikuwento sa mga anak mo pagdating ng panahon (anak, ganito kasi yan............)(ang swerte niya may nanay o tatay siyang mag-e-story tell about sa high school experiences niya) "Ayos ba?"
