Kwarentang estudyante (kadami ane?)
Marami mang nabawas at may mga nadagdag nandyan parin naman natitira yung mga matatatag (Stay Strong tayo!).
Sa apat na taon nating pagsasama, haha 40 months lang pala, pero accepted na yung 4 years (mantakin niyo yun napagtiisan natin ang isa't isa) . Napatunayan mong iba sa inaakala mo noong una ang lahat.
Ang klaseng mapayapa at maganda ay iba pala, kundi kabaliktaran, pero kung nalaman mo ito noong una tutuloy ka pa ba?
Narito ang ilan sa mga kasagutan mula sa dalawang kaklase nating aking na-interview.
Ayon kay #15 at #31, siyempre hindi na daw sila tutuloy sino ba naman ang may gusto ng magulong buhay, di'ba?, iyan ang isasagot umano nila kung kailangan ng magandang sagot (sino ba naman ang pupunta sa gitna ng riles kung nandyan na paparating yung tren, siguro yung mga wala lang sa sarili) pero kung totohanan, oo, tutuloy sila siyempre experienced din yun (experienced is the best teacher, ika nga)
Oh ikaw, ano naman sagot mo (mag-isip kana).
Sa hinaba-haba ng panahon na magkakasama tayo, ano ba ang nasa isip mo?
*gusto mo sa section na ito dahil:
-masaya naman ako dito
-nagtitiis lang ako
-may mga kaibigan na kasi ako dito
-para ito sa parents ko
-kung may choice, aalis o lilipat na ako,kaso wala eh
-ayos lang (neutral ako)
-wala akong pakialam kasi pag-aaral lang ang purpose ko
-may natututunan naman ako eh, kaya ayos lang dito
-gusto pa sanang manatili pero hindi na ako pinagbibgyan ng pagkakataon eh (no choice ako)
Iba't iba man an gating dahilan sa pananatili o paglisan, yung mga naiwan, wala nang magagawa kundi magpatuloy nalang, ilang buwan nalang naman.