A/N: ZafinaTherese101 !! SOO Obviously na Fan ka ni L so ayan😂 thanks for commenting 😊
-Rows💕🙊💋
------
Chapter 2: Althea -__-
(Nung Probinsyano pa si sebastian. 3 years ago before chapter 1)
Sebastian Pov
Magandang Umaga!
Ako nga pala si Sebastian Miguel Dela Torre
Ako ay 16 years old na.
"Kuya Miggy! Kuya Miggy!" Tawag sakin ng bunso komg kapatid.
"Uy! Ano na? Nakahuli ka ba ng palakang bukid?" Naka ngiti kong tanong sakanya.
"Oo naman kuya miggy! May ulam na tayo!" Wag kayong mandiri kasi masarap naman talaga ang Palakang bukid.
Lalo na kung gagawing adobo.
Excited kaming umuwi ni miguelito sa kubo para ipaluto kay nanay yung nahuli ni miguelito na palakang bukid.
"Nay! Nakahuli po akong palakang bukid! Gawin niyo pong adobo! Sige na nay! Pleasee!" Haha natatawa ako kay miguelito.
"Sige na sige na. Miggy, bumili ka ng toyo at suka sa tindahan." Kinuha ko yung inaabot saking pera ni nanay
"Sige po."
Naglalakad ako papuntang tindahan.
Malayo kasi yung tindahan mula dito sa kubo namin eh.
"Mang kanor! Kamusta?" Bati ko dun sa magsasaka kong kaibigan.
"Uy miggy! Eto, nagtatanim ng mga palay. Sakit na nga ng balakang ko eh." Natawa ako
tutal may sobrang sais pesos ililibre ko nalang ng biscuit si mang kanor.Kawawa naman. Minsan naman binibigyan niya kami ng bigas kapag may ani.
Dumiretso na ko agad sa tindahan at bumili ng suka at toyo.
"Isa din pong Sky Flakes."
May sukli pa akong sais pesos.
"Mang kanor! Meryenda muna!" Napatingin siya sakin at napahinto sa ginagawa niya.
"Nako, nag abala ka pa miggy! Salamat ah?" Lumapit siya sakin at kinuha yung sky flakes na binili ko para sakanya. Ng makapag merienda muna siya.
"Walang anuman po! Kasi kapag kayo naman ang may sobrang ani ng bigas binibigyan niyo kami ng libre lang." Ganito dito. Simple lang ang buhay.
Walang kuryente.
Pero masaya dahil tahimik lang dito sa probinsiya.
Dito sa probinsiya, nagbibigayan. Walang krimen na nagaganap.
Di tulad sa maynila, sobrang gulo. Sobrang dumi.
*beep beep!*
Napatingin kami ni mang kanor sa magarang sasakyan na dumating.
Nagsibabaan ang mga sakay.
O_O
A-ang Ganda niya...
"Magandang Tanghali po! May hinahanap po ba kayo?" Tanong ko dun sa babaeng sosyal pero tingin ko nanay siya nung kaninang babaeng sobrang ganda.
"Yes, were looking for the Gamboa Residence?" Nagkatinginan kami ni mang kanor.
BINABASA MO ANG
She gave me a Reason
Teen FictionAng Probinsyano. Hindi yung palabas ni Coco Martin kundi yan ang descriprition sa lalaking si Sebastian Miguel Romero. Isang masayahing mabait at masipag na binata. Laking Probinsiyano. isang babae ang nag patibok ng puso niya na dumalaw sa kanilang...