Chapter Fifteen ~ So close, yet so far

509 19 9
                                    


Chapter Fifteen

**********************

Taeyeon's POV

Nasa library ako ngayon. Katatapos lang ng dalawang 3-hours straight na klase ko. Grabe nakakatamad -.- Feeling ko sasabog na ang utak ko dahil sunod sunod yung klase.

Pagka-dismiss sa amin ay dumiretso ako rito sa library. Namiss ko na kasi magbasa ng mga libro. Bukod doon ay gusto ko rin tumambay sa matahimik na lugar. Sobrang lamig na rin kasi sa labas dahil winter na kaya gusto ko rin magpainit sa library. May heater kasi. Hehe.

Umupo ako sa likod at kasulok-sulukan na upuan sa library, gusto ko kasi yung walang nakakakita sa akin kung paano ako magbasa. Hehehe. Mejo weird diba?

Grabe ang payapa ng aking paligid.. Para akong nasa paraiso. Tanging tunog lang ng paglipat ng libro ang naririnig ko. So relaxing.

At dahil bored ako, humiram ako ng tatlong libro. Babasahin ko lahat ito. Ang una kong binabasa ngayon ay isang english novel. Gusto ko kasi maging familiar sa iba pang english terms kaya di ako tinatamad magbasa. Inaamin ko naman na hindi ako kagalingan sa english pero improving naman ako. Hehe.

Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko nang may umagaw ng atensyon ko. Naistorbo at nasira ang mapayapa kong pagbabasa.

"Zzzzzzzzzzzzz ZzzzzzzzzzzZZZZ" (tunog ng pag-hilik.)

Na-curious ako sa ingay na narinig ko. Sinarado ko ang libro na binabasa ko at sinubukan hanapin kung san galing yung tunog ng pag hilik. Don't tell me may natutulog rito na ganoon kalakas humilik?

" Zzzz Zzzzzz "

Aha. Nahuli ko rin kung sino ang walang hiyang natutulog sa library. Nakapwesto siya sa likod ng book shelves malapit sa kinauupuan ko. Tumayo ako para makita kung sino siya.

At nung nilapitan ko siya......

O_______O

"JESSICA?!!!"

Natawa nalang ako sa babaeng nakikita ko ngayon na nakaupo sa semento at may hawak kunwaring libro habang ang sarap sarap ng tulog.

Si Jessica Jung. Hahahaha.
Grabe di ko akalain na aabot siya sa puntong kahit saang lugar tinutulugan niya basta inaantok siya.

Nilapitan ko siya sa kinalulugaran niya.

" Uy Jessica ano ba naman ginagawa mo rito!" sinubukan ko siyang gisingin..

"Hhhmmm zzzzzzzZZZ"

Tulog-mantika ala Tiffany Hwang rin pala ito.

"Uy Jessica! Bangon! Baka mahuli ka pa dito!" ginigising ko siya pero di pa rin siya natitinag

"Jessica!!" tawag ko ulit sa kanya

Di pa rin siya nagigising.

"Uy Jessica!!" this time ay hinawakan ko siya sa balikat at tinapik

"Bumangon ka nga jan Jessica!"

"OO MAHAL PA RIN KITA KAHIT MAY MAHAL KANG IBA!!"

Ang TAENY-tibok Ng Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon