Chapter Ten ~ The Ice Princess

1.1K 24 29
                                    

Chapter Ten

*****************

Taeyeon's POV

Ito na ang huling practice namin. Sana ma-furnished na namin para maging successful bukas. Nalaman kong marami palang administrators galing sa ibang universities ang manonood kaya mas lalo akong kinabahan.

Kinakabahan, hindi dahil nahihiya ako magperform sa harap ng maraming tao, kundi mas napressure ako sa purpose ng pagnood nila.

Iba't ibang administrators mula sa iba't ibang sikat na universities ang manonood para makita kung sino ba sa amin ang deserving para sa scholarship na ibibigay nila. Nangangailangan sila ng mga estudyante na may talento pagdating sa pagtatanghal sa entablado, at kung sino man ang mapili nila ay bibigyan ng offer para pumasok sa university nila.

Natuwa ako nung inexplain samin ng dean namin ang tungkol doon. Pangarap kong makapasok at makapag aral sa sikat na university, kagaya nalang ng pinapasukan ni Tiffany....

Ang SNSD University,, ang isa sa mga sikat na universities dito, nag-entrance exam ako dun pero di ako nakapasa, at bukod dun, hindi kaya ng mama ko at papa ko na pag-aralin ako dun dahil pang mayayaman lang iyon. :(

Actually pangarap naming dalawa ni Fany ang makapasok dun dahil kilala ang university na yun na pinagmulan ng mga sikat na artists.

Pero si Tiffany lang ang nakapasa....kaya nagtitiis ako sa hindi sikat na campus na to. Bilang hindi katalinuhan na estudyante,, ang talento ko nalang sa pagkanta ang pangbawi ko para makapasok ako.

Sayang din yun. Haaays. Pagbubutihan ko talaga dahil ito ang dream ko. Kaso nakakatamad lang mag-practice dahil sa babaeng kasama ko.

Oo, si Jessica. >.<

Sinubukan kong maging mabuti sa kanya kaso kahit anong kabutihan ang pinapakita ko, puro ka-tarayan at kasungitan ang pinapakita niya.

Ilang beses kaming nagpa-ulit-ulit ng practice kahapon dahil sa hindi kami nagkakasundo at hindi maganda ang pag-deliver ng dialogues namin

Ehh pano ba naman aayos kung cold aura siya lagi. >.<

Kaya naman lagi nalang sermon ang nakukuha ko at hindi na puro papuri di gaya dati nung wala pang Jessica sa buhay ko -.-

FLASHBACK:

"Ulit!" sigaw ni Maam Amber, ang director namin.

Galit na galit siyang umalis sa kinauupuan niya at lumapit sa amin sa stage.

"Ano ba naman yang ginagawa niyo? Nakakairita panuorin! Hindi ba kayo marunong mag-timing?" sigaw niya sa amin.

"Sorry maam, ulitin nalang po namin" nakayuko kong sinabi.

"Talagang uulitin niyo!! Ikaw Taeyeon, alam mo dapat kung pano sabayan ang lines ni Jessica, wag kayo maghintayan. Aish >.< "

Napapikit nalang ako sa sobrang kahihiyan. Pinapanuod kami ng mga kasamahan namin na pinapagalitan. Hindi naman kasi mangyayari to kung magpapakita naman sana ng gana tong Jessica na to na mag-practice.

"Ikaw naman Jessica, para kang kumakanta na hangin lang ang nanonood. Ayusin mo naman ang facial expressions mo! Nakakatamad ang emosyon na pinapakita mo. "

Patuloy sa pagsermon ang director namin. Tiningnan ko ang mukha ni Jessica....aba parang hindi man lang siya nahihiya at nagawa pa niyang magtaas taas ng kilay with matching cold aura habang pinapagalitan kami.

Ang TAENY-tibok Ng Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon