BAD DAY

17 0 0
                                    

Chapter 1

Sakay ng kanyang Volkswagen, maagang pumasok si Samantha sa coffee shop na kanyang pinagtatrabahuhan. Sa kanya pinagkakatiwala ng may-ari ang susi nito dahil siya ang pinakamaagap sa lahat nang empleyado. Binuksan niya ang pintuan at dagling inangat isa-isa ang mga kurtinang nakaharang sa mga bintana. Pinunasan niya ang lahat nang mesa pati na rin ang sahig, kanyang nilinis. Kanya ring inayos ang mga lalagyan at pinalitan ang karatulang nakalagay sa pintuan ng OPEN.

Tumunog ang chimes na nakasabit sa pintuan, pahiwatig na may tumulak dito. Napatingin si Sam at nakita niyang pumasok si Mr. McGuire, ang may-ari ng coffee shop.

"Good Morning Mr. McGuire!" sambit niya.

"Magandang umaga rin sayo!" pagbati nito.

Si Mr. Anthony McGuire, 52, isang Canadian, 23 years old siya ng magbakasyon sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. Dito na siya nag-aral ng kolehiyo at natutong mag-Tagalog. Nang magtapos siya, dahil sa may-kaya ang pamilya, nagpatulong siya para mabuksan ang gusto niyang negosyo, ang coffee shop at pinangalanan niya itong Mr. McGuire's Mug.

"Di pa ba dumarating sina Cindy at Will?" tanong nito kay Sam. Nang biglang bumukas ang pintuan at sabay na pumasok ang dalawa.

"Good Morning Mr. McGuire!" sabay na pagbati nito.

"Magandang umaga rin sa inyo!"

Pumasok sa kitchen si Will na siyang nagluluto. Si Cindy naman ay ang katulong ni Samantha sa pagkuha ng mga order nang customers at sila rin ang gumagawa ng beverages.
Habang si Mr. McGuire ay umupo sa kanyang paboritong pwesto, sa sulok, may dalang dyaryo na binubuklat lang sa pahina kung saan naroon ang mga crossword puzzles, gustong-gusto niya itong sinasagutan. At inabutan siya ni Sam ng mainit na kape at lapis panagot.

Sunod-sunod na nag-ingay ang chimes sa pintuan, nagsidatingan na ang mga customers nila. Nariyan ang ilang suki nila sa shop, si Billy, kaibigan ni Mr. McGuire, umuupo rin ito sa tabi ng may-ari at sabay silang sumasagot sa mga puzzles. Ang mag-asawang Wendy at Albert na doon na kumakain ng breakfast nila at sabay na pumapasok sa trabaho at ang pinakacute na bata, si Steven, 10 years old, matalino at crush na crush niya si Samantha, lagi siyang umoorder ng hot chocolate at pancakes para sa almusal niya.

Habang nagseserve ng orders si Samantha, ay biglang nag-ring ang cellphone niya na nakalagay sa bulsa ng apron. Pumunta muna siya sa kitchen at doon sinagot ang tawag.

"Hello!?"

"Si Samantha ba ito?" tanong ng matandang boses.

"Opo! Sino po sila?"

"Si Ms. Elizabeth ito, yung nakatira sa ibaba ng apartment mo." sabi nito.

Gusto niyang Ms. Elizabeth, ang tawag sa kanya ng mga tao, dahil siya ay matandang dalaga, wala sa kanyang isip ang pag-aasawa kaya tinuon na lang niya ang kanyang pagmamahal sa 20 alagang pusa.

"Ah ok po! Bakit po kayo napatawag?"

"Napatawag ako kasi may tumutulo sa may kisame ko, baka nakalimutan mong isarado ang gripo mo!"

At biglang napaisip si Samantha, talaga ngang nakalimutan niyang isarado ang gripo sa may lababo sa loob ng banyo. Nagpaalam siya sa katawagan at lumapit kay Mr. McGuire, sinabi ang dahilan kung bakit siya aalis saglit at pinayagan siya nito. Dagli siyang lumabas at sumakay sa kotse niya, na ilang beses niya pang sinubukan iistart bago pa siya makaalis.

Biglang preno siya ng nasa tapat na ng apartment na kanyang tinitirahan. Nakasilip sa bintana si Ms. Elizabeth na may kargang pusa, tumungo siya ng kanyang ulo dito at pumasok sa pintuan. Umakyat siya sa itaas, tumatakbo, pagbukas niya tumambad sa kanya ang mala-Pacific Ocean na sahig ng apartment niya. Baha. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa banyo at sinarado ang gripo. Wala na siyang oras para linisin yun, kaya agad din siyang umalis dahil sinabi niya kay Mr. McGuire na sandali lang siya mawawala.

The Sweet PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon