A GRANDFATHER'S REQUEST

6 1 1
                                    

Chapter 3

Napaigkas bigla si Samantha sa kanyang pagkakahiga sa sofa. Naaninag niya agad ang liwanag na nanggagaling sa kanyang bintana. Di niya inakalang sa sofa na siya natulog. Gutom siyang pumunta sa refrigerator niya't naghanap ng pwedeng makain para sa breakfast niya. Pagkatapos niyang kumain, naghanda na ulit siya para sa pagpasok sa trabaho. Kitang-kita pa rin sa kanyang mukha ang tamlay at pamomroblema. Bago siya umalis ay chineck na niya ang gripo sa banyo at di na pinabayaang nakabukas. Pababa na siya sa hagdanan buhat sa apartment niya ng sumalubong sa kanya ang ilan sa mga alagang pusa ni Ms. Elizabeth, nasa labas ito ng apartment ng matanda. Ang iba'y lumapit sa kanya't tila naglalambing. Nakapagpagaan kahit papano sa kanyang nararamdaman ang mga ito. Bago siya umalis ay nagpaalam siya sa mga pusa. Dahil maaga pa naman, napagdesisyonan na lang ni Sam na maglakad patungong coffee shop, nakatungo siya habang naglalakad. Malalim pa rin ang iniisip. Hanggang sa nakarating na siya sa shop at binuksan niya ito. Halos kapapatong pa lang ni Sam ng kanyang gamit sa isang table ay biglang bumukas ang pintuan. Napalingon agad si Sam.

"Samantha!? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mr. McGuire.

"Ah Mr. McGuire, pumapasok po sa trabaho. Bakit po? Sinisante niyo na po ba ako dahil sa ginawa ko kahapon!?!" medyo naluluha niyang sinabi.

"Hindi! Di ba sinabi ko sayo na magpahinga ka muna."

"Nakapagpahinga na po ako at kaya k..."

"Samantha! Kami na muna bahala dito, magleave ka muna kahit dalawa o tatlong araw." pag-aalalang sabi sa dalaga.

Wala ng nagawa si Sam. Hindi siya pwedeng makipagtalo sa amo niya.

"Ok po. Salamat Mr. McGuire." paalis na siya ng biglang may naalala siya. "Sir, pano po pala yung lalaki? Kelangang makapagsorry ako sa kanya at humingi ng pasensya dahil wala akong ganung halaga ng pera para sa pagpapaayos ng kotse niya."

"Ako na lang bahala. At saka kelangan ko ring magsorry sa kanya dahil sa panununtok ko sa kanya. Ako na lang ang kakausap. Basta umuwi ka na."

Nalungkot sa narinig si Samantha. Pero alam niyang di siya pababayaan ni Mr. McGuire. Kaya't nagpasalamat na lang siya dito't humingi rin ng paumanhin, saka siya umalis. Naglakad pa rin siya pauwi at hinayaan pa rin ang sirang Volkswagen niya sa tapat ng shop. Sa paglalakad niya'y di pa rin siya matigil sa pag-aalala, nakatungo't di pinapansin ang nasa paligid. Hanggang sa di niya namalayang naabot na niya ang apartment niya. Pagbukas niya ng pintuan ay sumalubong naman sa kanya si Ms. Elizabeth na may hawak na pusa.

"Naiwan mo na naman bang nakabukas ang gripo mo?" tanong ng matanda.

"Hindi 'ho! Gusto ko lang pong magpahinga." at patuloy na naglakad paakyat sa hagdanan at pagsarado na lang ng pintuan ang narinig ni Ms. Elizabeth.

Samantalang...

Sa coffee shop...

Nagpark ulit ng kanyang kotse si Troye malapit sa shop, kasama niyang lumabas ng kotse si Chase. At agad silang pumasok sa coffee shop. Tumunog ang chimes sa pintuan at nabigla si Cindy na nasa counter. Umalis siya at tinawag si Mr. McGuire na nasa paboritong pwesto at lumapit ito sa dalawa.

"Nasan siya?" tanong ni Troye.

"Wala siya dito, di ko muna siya pinapasok sa trabaho." pangatwiran ni Mr. McGuire. "...At nagsosorry ako Sir sa nagawa ko kahapon sa inyo at sana maintindihan niyo na wala siyang pambayad sa inyo. Kung pupwede ako na lang magbabayad sayo pero hindi pa sapat yung perang naitago ko, nasa 70,000 ang..."

"Saan siya nakatira?"

"Sir???" pagkaklaro ni Mr. McGuire sa narinig niya.

"Ang sabi ko saan siya nakatira!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sweet PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon