MEET TROYE

9 0 0
                                    

Chapter 2

Dumiretso si Troye sa kanyang kaibigan na si Chase, isa sa pinakamayaman na negosyante. Sakay ng kanyang sports car na ikinahiya niyang imaneho dahil sa sira sa bandang likuran. Ipinarada niya lang ito sa tapat ng bahay ng kaibigan, at lumabas si Chase sa kanyang bahay at kinamusta ang kaibigan.

"Woah! Troye, napadalaw ka. What brought you here!? At anong nangyari dyan sa mukha mo?" tanong ni Chase.

"Badtrip!" sagot ni Troye.

"Badtrip? Bakit?"

"Tingnan mo na lang yung kotse ko!"

At lumapit si Chase sa kotse ng kaibigan, iginala ang paningin sa kotse at nakita ang sira nito.

"Anong nangyari dito?"

"May tatanga-tangang babaeng nagmamaneho ng kotse niya at ibinangga sa kotse ko! Kaya ayan."

Napailing na lang si Chase.

"Tsk tsk! Eh bakit di mo pa pinapaayos!? May pera ka naman di ba!?"

"Oo naman. Pero gusto kong siya ang magbayad nun!"

"Ah ok. Eh yang mukha mo, napano yan?"

"Sinuntok ako nung amo niya."

Natawa na lang si Chase sa kanyang narinig.

"Yan ang sinasabi ko sayo, bawasan mo kasi pagiging mayabang mo!" at tumatawa pa rin ito.

"Pati ba naman ikaw, dadagdag pa!?"

Napatigil si Chase.

"So, anong plano mo?"

"Kilala mo naman ako, di ako nawawalan ng plano."

"Ano naman yun?"

"Secret."

"May pasekre-sekreto ka pang nalalaman, sige tara muna sa loob. You want some tea?"

"Yeah! Sure!"

Pagpasok sa mansion niya, tinawag ang isa sa mga katulong at inutusan na ipagtimpla sila ng tsaa. Umakyat sila sa may hagdanan at pumunta sa paborito nilang tambayan at pampalipas ng oras. Billiards. Pagkakita ni Troye sa billiard table ay napalitan ng ngiti ang galit niya sa mukha.

"Namiss ko 'to!" pasigaw na isinabi ni Troye.

"Oo nga! Minsan ka na lang kasi pumupunta dito."

"Sorry! Busy na kasi sa work. Mahirap maging vice-president sa sariling kompanya eh."

"Oo nga naman. Si Tito nga pala kamusta?" habang inaayos ni Chase ang mga bola.

"Si Dad? Ok naman. Palagi siyang wala sa office niya. Laging may mga business meeting at travel."

"Busy sa pagiging president ng kompanya niyo hah. Eh si Lolo?" pangangamusta sa lolo ni Troye.

"Ayon, lagi na lang nasa bahay. Minsan nanghihina siya kaya't dinadala namin sa ospital. Pero patuloy pa rin yung chemotherapy niya."

"Kaya subsob sa trabaho ang Dad mo eh." at nagsimula na si Chase sa paglalaro ng billiards.

At dumating sa kwartong iyon ang katulong ni Chase na may dala-dala ng tsaa para sa kanila. Habang naglalaro sila may biglang naisingit na naman sa usapan si Chase.

"About nga pala sa plano mo. Ano nga yun?" pangungulit nito.

"Ano ka ba! Sa'kin na lang yun."

"Kahit kelan talaga di ka mapilit, maliban lang pagnalalasing ka."

The Sweet PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon