[THIRD PERSON]
"Anaaak! Halika dito dali! Natanggap ka Anak! Ang saya-saya ko!"
Muntik nang mabitawan ni Stacey ang hawak niyang cellphone sa sigaw ng Mama niya. Nagtataka siya kung bakit biglang sumigaw yung Mama niya, pero lumabas parin siya ng kwarto at pinuntahan ang Nanay niyang nagtatalon sa tuwa.
"Ano pala yan Ma?" takang tanong ni Stacey at sumilip sa papel na hawak ng Mama niya.
Nanlaki ang mata niya sa nabasa niya. Hindi siya makapaniwala.
"N-natanggap ako? Totoo ba yan Ma? Totoo yan?" paninigurado niya pa. Dahan-dahang tumango ang Mama niya.
Kagaya ng Mama niya ay nagtatalon na rin si Stacey sa tuwa. Tumili-tili pa siya at naiimagine na niya ang sarili niyang magsuot ng uniform ng HSOA at makita ang pinakamamahal niya.
Sino? Walang iba kundi si Mark Tuan ng Got7.
"Kyaaaaaaaa! Maghintay ka lang Mark BB, makikilala mo na rin ang future wifey mo na walang iba kundi ako! Mama, matutupad na talaga ang dreams ko! Ang sayaaaa!" wika niya pa.
Nagtataka kayo kung bakit ang saya niya? Nakapasok lang naman siya sa isang tago na Kpop school sa Pinas, ang Hallyu School of Arts. Konti lang ang nakakaalam niyan dahil mas private pa yan sa mga private schools. At isa pa, makakapasok ka lang diyan through connections.
Bakit napakaspecial ng HSOA? Simple lang. Yung mga trainees sa iba't ibang entertainment sa Korea, diyan nag-aaral. Kadalasan, bumibisita pa ang mga Kpop idols diyan ng palihim at kung suswertehin ka, magiging adviser o trainor mo pa. Ang swerte lang diba?Kaya ang nakakapasok lang diyan ay mga trainees at kapag natanggap ka, automatically, trainee ka na.
Sa Pinas ipanatayo ng school dahil walang sasaeng fans na umaaligid at isa pa, nasa tago na parte ng Pinas yung school.
On the other hand...
"Mamaaa! Ano 'to? Saan ako natanggap?! Ba't hindi ko 'to alam?!" sunod-sunod na tanong ni Sheena sa Mama niya.
Lumapit sa kanya ang Nanay niyang galing sa kusina at tiningnan ang hawak na papel ni Sheena.
BINABASA MO ANG
Hallyu Academy | a.f [on-hold]
FanfictionA dream turned into reality. Anong gagawin mo kung one day, ipinadala ka sa isang Korean school at magiging isang trainee? At ang mas maganda pa... makikita mo ang mga idols mo? + closed Date started | 12/07/16