02: Into the New World

320 17 16
                                    

[THIRD PERSON]


Nakasimangot si Sheena habang hinahatid silang dalawa ni Chylee ng mga Mama nila papunta sa 'dorm' nilang dalawa.


"Mama, pwedeng mag-backout?" yan sana ang sasabihin ni Sheena kaso hindi na niya tinuloy. Ayaw nga kasi niyang ma-disappoint ang Mama niya.


"Good for 10 persons ang dorm niyo anak so it means may dorm mates kayo. Pakabait kayo ha? Wag mag-pasaway. Tandaan mo Sheena, si Tita Ayu mo ang principal ng School. Wag kang lalandi. Maliwanag?" bilin sa kanila ng Mama ni Sheena.


"Roger Mama!"


"Chylee Ira." napalingon si Chylee sa Mama niya. "Yes Ma?"


"Pakabait ka ha? Wag ka munang magboyfriend. Pero kung k-idol yan, aba go lang ng go! De joke lang. Hehehe." nagpeace sign ang Mama ni Chylee. "Basta mag-iingat ka lagi ha? I-improve mo yang vocal cords mo. Aabangan nalang kita sa TV nak. Payting!"


Wala nang masabi si Chylee kaya nginitian niya nalang ang Mama niya at niyakap. Ganun rin ang ginawa ni Sheena.


"Bye Mama! Ingat." sabay na sabi ng dalawa habang tinitingnan ang mga Mama nila na naglalakad palayo sa kanila.


Nagkatinginan si Chylee at Sheena at napagdesisyunan nang kumatok sa pintuan ng dorm nila.


Bumukas ang pinto at inuluwa nun ang isang Haponesang dyosugh na nakangiti ng malapad.


"Hello po! What can I do for you?" nakangiting sambit ni Aya. Ang friendly niya no?


"Uhmm. We are your new dorm mates, Ate." nahihiyang sabi ni Chylee. Tahimik lang si Sheena. Shy type eh.


Napaform ng O ang bibig ni Aya. "Oh, I see. Come in girls. Welcome to our dorm! Sheyn-chan, may bago tayong dorm mates! Yey!" sa sobrang saya, si Aya na mismo ang nagpasok ng maleta nila Sheena at Chylee. Pinapasok niya na rin ang dalawa at pinaupo sa sofa.


Natutuwa si Chylee sa inaasta ni Aya. Halata kasing friendly at mabait. Si Sheena naman, naweweirduhan.


'Mukhang mas matanda pa siya sa amin pero mukhang mas matured pa akong mag-isip sa kanya. Hahaha.' yan ang nasa isip ni Sheena.


Dali-daling lumabas mula sa kwarto niya si Sheyn. Nakita naman siya agad ni Aya kaya pinaupo niya agad ito sa sofa nila.


"Since tayo ang magka-dorm mates for the whole school year, let's get to know each other! Hihi. Let's introduce ourselves, shall we?" nakangiting sambit ni Aya.


"Ikaw muna, Ate! Haha." sabi ni Chylee.


"Oh yeah sure." nag-peke ng ubo si Aya. "Aya Ysabelle Nakajima is my name and bago lang akong nag 18 years old. I'm half Japanese and half Filipino kaya fluent ako both in Japanese ang Tagalog. I'm an SM Trainee kaya nagstay rin ako dun sa Korea for like 4 years but ipinadala ako ni CEO-nim dito sa Pinas para ipagpatuloy ang trainee life ko dito sa Hallyu School of Arts peacefully since walang sasaengs dito or something and tago ang school na 'to in public. By the way, Incoming Grade 12 student na ako this school year. Ikaw little Bomi?" tinuro niya si Sheyn.

Hallyu Academy | a.f [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon