04: Angel

181 15 8
                                    

[EUNHEE]


Napanga-nga ako dun sa nangyari kanina. I somehow understand Sheena. Halata naman na hindi siya Kpop fan eh kasi hindi niya kilala sila Kuya. Sinabihan niya kasi ng mukhang bakla sila Kuya kanina. HAHAHA.


Nagbubulong-bulungan na yung mga tao dito sa corridor. Nagulat nalang kami nang bigla kaming hinila ni Aya unnie palapit sa kanya.


"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo na tayo. Okay?" sabi ni Aya unnie. Tumango kami.


"1, 2, 3!" at nagtakbuhan na nga kami. 


Nangunguna si Aya unnie kaya siya ang sinundan namin. Saka ko lang napansin na nasa school garden na pala kami napadpad. Doon na kami tumigil sa pagtakbo.


"Sh-sheena-chan! Ba't mo yun ginawa?" hinihingal na tanong ni Aya unnie kay Sheena.


Napasimangot si Sheena. "Nakakainis kasi siya Ate!" 


"Hindi mo talaga alam kung sino yung sinigawan mo kanina, Sheena?" gulat na tanong ni Sheyn kay Sheena. Umiling lang si Sheena.


"Huh? Sino pala yun?"


"Si Chanyeol yun ng EXO, Kaylee bb! Marami pa namang immature EXO-Ls. Baka ma-bash ka!" nag-aalalang sambit ni Stacey.


Oo nga. Maraming immature EXO-Ls. Baka mabash si Sheena kapag nalaman yun nila. Anak ng. Wag naman sana.


"Oh tapos? Ibash nila ako eh. Wala akong pake kung hindi nila ako magugustuhan bilang ako." 


"Seryoso?" tumango lang si Sheena. Abuh, matapang! Hahaha.


"Basta, Sheena. Kahit anong mangyari, wag kang magpapaapekto sa mga bashers, okay? Payting lang. Huehue." pang-eencourage ni Stacey.


"Pffft. Ako pa? Tadyakan ko sila isa-isa eh. Tss."


Matapang talaga. XD


---


Pagkatapos ng recess namin ay pina-freetime kami ni sonsaengnim para makipagkaibigan sa ibang trainees. At dahil nga sa tinopak ako, mas pinili ko nalang na pumunta sa dance room para magpractice.

Hallyu Academy | a.f [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon