C8 L.O.F

2 0 0
                                    

LOVE OF FRIEND
Liu-Pov

I'm on my way now sa school ng may na receive akong text message.

UNKNOWN: Hi Liu I miss you and I love you.

Kahit walang pangalang nakalagay ay kilala ko kung sino siya.

LIU: Stop texting me it won't change anything.

UNKNOWN: I know you still love me Liu, I'm just waiting for you to come back to me.

Liu: Then you're just waiting for nothing.

Nang maisend ko na ang message na iyon inoff ko na ang cellphone ko.

Pagkapark ko ng kotse sa parking lot ay napansin ko sila Paolo sa may coverdwalk papasok, at mukhang napansin din nila ako.

"Morning girls. Bati ko sa kanila.

"Morning Liu, si Chandy hindi mo kasama? Tanong ni Paolo sa akin.

"Nope ni hindi nga niya ako tinext kagabi kung nakauwi ba siya o hindi, sa inyo ba nagtext siya?

Pero umiling lang sila.

"I told you malelate nanaman iyon. Si Liana sa tama niyang hinala.

"E di itext mo kung nasaan na siya. Si Pao.

"Hmmm hayaan niyo na iyon malamang busy nanaman sa bago niyang book baka nga na sa room na iyon.

Hanggang makarating na kami sa Room ng magsalita si Paolo ulit.

"What now Liu she's not here, hindi mo pa rin ba tatawagan si Chandy malapit nang magstart ang klase.

"Fine.
At dinial ko ang number ni Chandy ngunit ring lang siya nang ring at walang sumasagot at inulit ko pa ito ng tatlong beses pero wala parin.

"Anong sabi nasaan na daw siya.

"Ewan hindi niya sinasagot sabi, sa inyo e busy nanaman sa book niya hayaan nalang natin darating din naman iyon.

"Ikaw bahala.

Habang hinihintay ang Professor namin na dumating hindi ko naman maiwasang maisip ang kaibigan ko ng mabaling ang attention namin sa mga kaklase namin sa usapan nila.

"Alam niyo naba ang bali-balita may binully nanaman daw ang grupo nila Trixie kaninang umaga. Sabi ni Max ang chubby naming seatmate.

"Oo narinig ko na iyan kaninang pagpasok ko kawawa nga daw ginawa nila sa babae, kung hindi pa nga dumating si President baka napuruhan na siya. Banggit naman ni Kurt.

"Eh sino daw iyong girl? Paniningit ni Madie na kahit kailan ayaw pahuli sa chismis.

Hindi ko alam eh basta sabi sabi girlfriend daw ni Andrew.

"So totoo ang chismiss sa bar na may girlfriend na siya. Singit din ni Pao.

Makasigaw naman itong baklang ito akala mo end of the world na.

"Oo kay Andrew pa nga nanggaling, at hindi na ako magtataka kung isang araw wala na sila Trixie dito sa school.

"Bakit mo naman nasabi iyan Max. Curious na rin ako.

"Eh girlfriend ba naman ng isang Andrew Hale ang saktan nila malamang hindi na sisikatan ng araw ang mga iyon.

"Eh ano nang nangyari sa girlfriend ni Andrew.

"Ewan bigla na lang daw silang umalis na dalawa.

Paliwanag niya at hindi na namin namalayan na dumating na pala ang professor namin.

Once Upon a VoyageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon