C7 UNEXPECTED

1 0 0
                                    

“Nandito kami ngayon  ni Paolo sa gym at nakaupo sa may stage habang hinihintay sila Liu sa volleyball praktis nila pati si Madie at Liana ay kasama na rin sa team.

Ewan ko ba kay Liu kung paano niya nakumbinse ang dalawa pero sabagay may talent naman sila. Kaya prente kaming nakaupo ni Pao at nagchichikahan ng mapunta ang usapan namin sa!!

“Chandy may napili ka na bang pag o- OJT han mo. Tanong ni Paolo sa akin habang iniiscan niya ang list ng mga agencies and establishment na binigay sa amin.

“Yes may napili na ako and already signed and approved by my Parents. Pagmamayabang ko sa kanya.

“Wow buti ka pa alam mo kung saan ang gusto mo. Si Pao

“Don’t tell me hindi ka pa nakapili. Tanong ko sa kanya.

“Hindi pa. Sagot niya.

“Seryoso girl pero ipapas na natin ito mamaya, sinong pipirma niyan.

“Girl parang hindi ka naman na sanay, I always decide for myself. Ako ang pumipirma sa mga wavers and school letters na binibigay sa atin, iyon nga lang nahihirapan akong mag decide talaga kung saan ako mag o-ojt.  Can you help me decide please, please, please bestfriend mo rin naman ako diba Chandy. Pagmamakaawa niya sa akin.

“Girl saan mo ba talaga kasi gustong mag work soon pagka- graduate natin. Tanong ko.
“Sa hotel o kaya sa restaurant. Sagot niya.

“O iyon naman pala di mamili kana sa mga restaurant at hotel diyan tapos.

“Sawa na akong mag OJT sa mga iyan noong 2nd year tayo at iyon ang routine natin the whole month. Reklamo niya.

“Eh iyon rin naman bagsak natin after graduation, kaya nga ito ang napili nating course hindi ba. Paliwanag ko sa kanya.

“Ganoon na nga girl iyon din bagsak natin kaya I want something new, I want something far away from here para maiba naman.

“Di piliin mo yung offer sa Malaysia or Amerika.

“Duh girl gusto kong lumayo pero hindi mangibang bansa, baka paguwi ko may Anemia na ako.

“Girl hindi naman nakaka Anemia ang lamig doon.

“Hindi naman iyon eh nakaka- nosebleed kayang mag English baka maubusan pa ako ng dugo. Biro niya.

“Baliw.

“Ikaw Chandy ano ba pinili mo oh baka ang parents mo ang pumil?

“Secret tiyaka ako ang pumili no, pumayag naman sila at alam naman nila na matagal ko nang pangarap ito.

“Saan nga OMG don’t tell me itutuloy mo talaga iyang pangarap mong iyan. Ang bakla mukhang alam na niya kaya tumango nalang ako. “Naku girl gusto ko iyan sige sama ako sa pangarap mong iyan.

“Sure ka girl baka hindi mo kayanin.

“Try me baka nga doon pa natin mahanap ang soul mate natin. Excited niyang sabi.

“Ikaw ang bahala tandaan mo hindi kita pinilit ikaw ang nagprisinta, remember wala nang atrasan pag nandoon na tayo. Pananakot ko sa kanya ng dumating na ang tatlo.

“Anong ganap? Tanong ni Madie sa amin.

“Pinagusapan lang namin about sa OJT natin. Sagot ni Paolo.

“Speaking of may napili na ba kayo. Si Liana.

“YES SIGNED AND APPROVED. Sabay naming sabi ni Paolo sabay apir na ikina- curious ng tatlo.

“Saan? Tanong naman nila.

SECRET HINDI NAMIN SASABIHIN. Sabay naming sabi ulit.

PAK” “PAK”

Once Upon a VoyageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon