C9 RUMOR

1 0 0
                                    


"Good morning beautiful people of my life. Entrada ko pagbaba ng hagdanan kaya naman napatingin silang lahat sa akin habang kumakain.

"Good morning Mi, good morning Di, morning mga panget. Isa isa ko silang hinalikan sa pisngi.

"End of the world na ba? Sabi ng kuya ko.

"Ang sabihin mo may kailangan kaya sumisipsip. Gatong pa ng ate ko sabay apir ng dalawa, hmmmf lagi nalang akong pinagtutulungan ng dalawang ito.

"Di o si ate at kuya. Pinagtutulungan nanaman ako. Sumbong ko kay Daddy habang nagbabasa siya ng dyaryo.

"Stop it Charles, Cherry finish your breakfast. Sabi ni Daddy sabay belat sa dalawa kong kapatid.

"Chandy stop it nasa harapan kayo ng pagkain. Saway naman ni Mommy sa akin.

"Anyway sweetie anong meron at ganyan ka kasaya ngayon, dati hindi ka naman nakikisabay sa amin mag breakfast because it's too early why a change. Tanong ni Mommy.

"Nothing Mi I'm just happy today, unless you don't want me to join you in your breakfast? Balik tanong ko.

"Of course not sweetie it's just unusual thing you do.

Hindi ko naman masisi kung naninibago sila dahil hindi talaga ako sumasabay sa breakfast, masyado kasing maaga the fact na 8:00 or 9:00 am lagi ang pasok ko ngayon lang talaga ako sumabay excited lang akong pumasok.

"Mi kaya masaya iyan may boyfriend na kasi, hindi ba Chandy hinatid ka pa nga kagabi. Balita ng kuya ko sa kanila.

"Talaga kalian pa bakit hindi siya nanligaw dito sa bahay? Si ate.

"May boyfriend kana sweetie you should invite him for a dinner para makilala naman naming. Pati ba naman si Mommy.

"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang mag boyfriend Chandy, pinapaalala ko lang sa iyo kailangan makapag tapos ka muna, hindi ba usapan natin iyon. Pero kung nandiyan na iyan abay dapat makilala namin siya at makilatis. Sabi naman ni Daddy na akala mo nabuntis ako at kailangan panindigan.

Habang nakikinig ako sa mga reaksiyon nila dahil sa sinabi ng kuya ko, heto ako nakanganga at hindi makapaniwala sa lahat ng mga sinabi nila ngayon dahil kung tutuusin dapat pinaulanan na nila ako ng sermon pero hindi masaya pa ata sila sa narinig iyon nga lang!

"Di wala naman akong boyfriend itong si kuya kasi maling balita ang nakalap. Sabay irap sa kuya ko.

"Schoolmate ko po iyong naghatid sa akin kagabi nagkita lang kami sa bookstore then nag insist siyang ihatid na lang po ako dahil gabi na at delikado na sa daan.

Paliwanag ko sa kanilang lahat at nakita ko sa mga mata nila ang hinayang na wala pa akong boyfriend na ipapakilala sa kanila lalo na ang Mommy well except si Daddy.

"Maganda kung ganoon but always remember!

"STUDY FIRST BEFORE BOYFRIEND"

Tuloy namin sa sinasabi ni Daddy at nagtawanan kami pati si Mommy.

"Take it seriously sweetie and not a piece of joke. Seryosong sabi ni Daddy.

"Don't worry Di I will. Paninigurado ko sa kanya.

Sumabay na ako kay Daddy na pumasok tutal on the way naman ang DU sa pupuntan niyang meeting, hay bakit hindi pa kasi ako ibilhan ng sarili kong kotse buti pa ang dalawa kong kapatid.

Ibinaba na ako ni Daddy sa tapat ng school gate.

"Bye Di. Paalam ko sa kanya.

Pagpasok ko pa lang ng gate ng school ay napansin na ng peripheral vision ko na parang may matatalim na mata ang nakatingin sa akin, lumingon lingon ako pero wala naman baka guni- guni ko lang kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit halos lahat ng nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin at nagbubulungan.

Once Upon a VoyageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon