Kabanata 14

15 9 1
                                    

Muling paghaharap at pag-uusap

Mabilis ang oras dito sa america, Lalo na kapag may ginagawa ka. Hindi mo mamalayan ung oras. Tapos na ang work time. Nagsi-uwian na ang mga tao sa opisna. At pinauna ko na din si James para maglakas loob akong kausapin si Carla. Dahil gusto ko malaman niya na naghintay ako. 

"Oh, Why you still here?" Tanong niya sakin at nagtataka bakit di pa ako umuuwi.

"Carla, Please mag-usap tayo. Hinintay ko lang sila na umalis para makapag usap tayong dalawa carla." Pasigaw kong sinabi kase tinalikuran nya ako.

"Joshua please, Maayos na ang buhay ko. Maayos na ako. Wag mo na akong guluhin!" Pasigaw din niyang sinabi na paran bang pinapamukha niya sakin na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya.

"Baket carla? Guilty kaba? Iniwan moko ng mag-isa! Umalis ka ng hindi mo sinasabi saken. Sinaktan mo ako ng sobra carla, Sinaktan mo ako! Diba may promise tayo sa isa't-isa na ipaglalaban naten ang pagsasama nateng dalawa kahit na mga bata palang tayo? Carla pinaglaban kita! Minahal kita! Pero ano ginawa mo? Sinaktan mo ang puso ko. Sinaktan, Pinaiyak at iba pa carla. Sabihin mo? Mahal mo pa ba ako?!" Halos maiyak-iyak ako habang sinasabi ko sakanya yan. 

"HINDI! HINDI KITA MAHAL! Kaya please Joshua lubayan mona ako." Pagkasabi niya ng mga linyang yan. Tumalikod siya at naiyak na din.

"Carla, Alam ko hindi totoo yang sinasabi mo. Alam kong mahal mo parin ako. Alam ko un at nararamdaman ko un carla. Siguro sinasabi mo lang yan para lubayan kita. Pero hindi carla! Ipaglalaban ko ito. Saktan mo man ako o hindi. Mahal na mahal kita carlaaaaaa." Halos lumuhod ako para mag makaawa sakanya.

"Tumayo ka nga diyan! Hindi na kita mahal. Hindi na!!" Pagalit at umiiyak niyang sinabi sakin.

Lumapit ako sakanya, Hinawakan ko ang mga kamay niya, Hinawakan ko ang dalawang malalambot na pisnge niya at hinalikan ko siya. Sinampal niya ako ng malakas at baliwala lang sakin yun! Hindi ako nasaktan, dahil manhid na ako. Manhid na manhid!

"Hindi mo ba naaalala na minessage kita na hindi na kita mahal. Tanga kaba para hindi mo maintindihan yun?!" Umiiyak parin siya at pilit na nilalabana ang luha nya!

"Oo tanga ako! Pero alam ko carla na mahal mo pa ako, Hindi ako magsasawa na mahalin ka. Ilang taon kita hinintay at di ako naghanap ng iba para lang sayo. Mahal na mahal kita." Hindi masama sa lalake ang umiyak! Umiiyak ako dahil mahal ko siya, Hindi ko na hahayang mawala pa siya sakin! Hindi ko na hahayaan na iwan nya ulit ako. Hahawakan at mamahalin ko siya ng mas higit pa sa pagmamahal ko sakanya nuon.

Matapos ang lahat ng masasakit na pag-uusap namen ni carla, Umalis na siya umuwi na siya ng umiiyak. Hindi ko na siya sinundan dahil baka magalet pa siyang lalo. Hindi ko alam pano ko mapapa amin si carla na mahal nya parin ako. Alam ko un at nararamdaman ko sakanya un. Siguro kailangan lang nya gawin un para hindi siya mag mukhang mahina. Pero lahat ng mga sinabi ko sakanya ay totoo. Mahal na mahal ko parin siya kahit na nasaktan nya ako dati. Pero Past is past diba? 

Umuwi na ako, Para magpahinga! Pagod na pagod ako ngayong araw. Halos wala akong gana sa lahat ng bagay, Di ako makakaen. Basta ang alam ko lang gusto ko magpahinga at mag-isip kung ano ba dapat kong gawin para mahalin nya ulit ako. Hinding-hindi ako susuko. Wala sakin ang salitang 'AYOKO NA' Basta ako, Kung sino ang mga taong mahal ko ay mahal ko. 


Mahal na mahal ko parin siya, kahit na anong nagyari samen dati. Past is past!



Someone like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon