Kabanata 12

21 10 3
                                    

First day

Unang araw ko sa trabaho, Nagising ako ng maaga at kinuha ko ung cellphone ko, Para ibalita sakanila na nandito na ako at magsisimula na ako sa trabaho. 

5 undread messages from facebook messenger. 

"Anak nandiyan kana ba ha?"

"Anak, Kamusta kana? Kamusta byahe mo?"

"Anak, Bat di ka sumasagot?"

"Kumaen kana. anak"

"Message mo kame kapag nandiyan kana."

Bigla kong namiss 'tong nanay ko. At agad-agad akong nagreply sakanya para di na sila mag-alala sakin nila papa. 

"Nay okay naman ako, Oo kahapon pa ako nandito. nagpahinga lang ako kase napagod ako sa byahe ko nay. Nakakaen na din ako. Nay alam moba ung kasama ko sa tinitiran namen ay pilipino din siya kaya wag na kayo mag-alala sakin. Maayos ako dito. Nga pala unang araw ko ngayon goodluck nyoko." Binilisan at iniklian ko lang ang message ko sakanya. Kailangan ko maghanda para sa unang araw kong pagpasok sa trabaho, Sana mabaet ung boss namen at sana mababaet ung mga nagta-trabaho duon. 

"Ang aga mo naman nagising brad?" Tinanong ako ng ganyan

"Syempre kailangan, Para naman di ako mahuli, nga pala sasabay nga pala tayo papunta duon ha?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman tol. Sabay tayo araw-araw." 

Pinaghandaan ko ang unang araw ko sa kumpanya na papasukan ko, At kailangan ko mag mukang fresh at hindi babuhin para di sila ma turn off sakin, Nagpabango ako at kung ano-ano ang ginawa para mag mukhang fresh, Syempre sabay kame ng kasama ko, kailangan nyako ipasyal at ipakita ang buong opisina. Nagsimula na kameng umalis para di kame abutan ng traffic. 'Oo nga pala walang ganito dito kaya masarap dine tumira.' Nakarating na kame at sinimulan nya ako ipasyal sa loob ng opisina. Ang dami nagta-trabaho sakanila, Karamihan ay mga american at ung iba naman ay pilipino. Nagulat ako dahil ang dami din nagta-trabahong pilipino dine sa kompanya na ito. 

"Baket ang daming pinoy dito?" Tanong ko sakanya.

"Eh kase mabaet ung boss naten. Isa syang babae na pilipina din." Halos nagulat ako sa nalaman ko na pilipina pala ang boss namen. Kaya pala natanggap ako agad malapit sa puso nya ang mga pilipinong tulad namen. Mabaet tong boss namen for sure. 

Makatapos ang pagikot sakin dine sa loob ng opisina. Ang huling pinuntahan namen ay opisina ng boss namen. Sa pintuan palang naririnig kona ang boses nya at sounds familiar sakin. Syempre hindi ko na inisip un at bakit naman magiging pamilyar ang boses nun e ngayon palang kameng magkikita at magkaka kilala. 'Sana mabait siya.'

"Tol. Wag ka mag-alala mabaet naman yang boss naten. Ayaw nya lang ng sinungaling." Aniya. Nakita nya kase na parang kinakabahan ako na ewan. 

"Talaga ha? O sige papasok na ako sa loob." Kumatok ako ng pintuan na may halong kaba pa. Baka kase alam nyo na terror na di malaman. 

At ng mismong pag bukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko. Halos nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ung magiging boss ko/namen. Hindi ko alam kung ano ung mararamdaman ko nung nakita ko ung boss namen. Gulat na di malaman. Kinabahan ako, Lumakas ang tibok ng puso ko, Halos parang gustong tumalon na ewan. Dahil ang boss ko/namen ay si... C-C-Carlaaaaaaaaa!





Someone like youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon