Karl Madrigal. Isang mayaman na mayabang at bagong lipat sa school namin. Unfortunately, he's my seatmate at lahat ng mga cells ko sa katawan ay nabulabog dahil sa presensiya niya.
Hindi ko siya gusto. Malinaw yan.
Ayaw ko sa kanya. Klaro yan.
Things I hate about him? MARAMI! Pero magbibigay lang ako ng apat na pinaka-ayaw ko sa kanya.
First, masydong PA CUTE!
Kung makapag-pose sa picture daig pa niya ang isang babae; peace sign, duck face, nagwi-wink pa sabay labas ng dila. Napaka-feeling cute talaga. Nakaka-bwesit ng araw!
Second, GWAPONG-GWAPO sa sarili niya.
Halos lahat ng mga picture niya sa facebook eh may caption na "Ang gwapo ko no!" or "Ang gwapo ko talaga". Urggh. Nakakapang-init ng dugo. Feeling!
Third, OVERCONFIDENT sa sarili.
Palaging nag-gigitara at kumakanta sa room kahit hindi naman maganda boses niya. Nag-aala Rico Blanco ang peg, hindi naman bagay. Sumasakit na nga 'yung tenga ko sa boses niya. Kainis!
Fourth, he's a FLIRT.
Laging lapit ng lapit sa mga babae at dahil gwapong-gwapo siya sa sarili niya, tingin niya lahat ng mga babae ay nakukuha niya sa ngiti. Urrgh. Nakakapang-init ng ulo!
Bweni-bwesit niya ang buong araw ko at naiinis ako sa buong pagkatao niya. PERIOD!!
"Gem! Paki-suyo." Tapik sa akin ng isang kaklase ko sa balikat.
Hayyy. Ito na naman. Alam ko na anong kasunod nito. Di pa ako nasanay! Dalawang buwan ko nang ginagawa to since dumating siya dito sa school. Gusto kong ipa-alam sa kanilang lahat na seatmate lang ako, hindi nagtatrabaho sa post office. Kaya wag nila akong gawing taga-bigay ng sulat. TSS.
"Ano na naman?" Sinungitan ko siya. "Sulat na naman? Ilang love letter na ba ang nabigay mo sa kanya? May nakukuha ka bang reply?" Nakakainis kasi palagi nalang. Bakit kasi hindi nalang sila ang magbigay nitong loveletter nila sa unggoy na Karl na 'yon.
"Wag ka namang bitter Gem. Sige na, please. Magkatabi kasi kayo kaya madali lang sayo na ibigay 'toh." Sabi nitong nakakainis na babaeng 'to sabay puppy eyes pa. Tusukin ko yang mata mo eh.
"Sige na nga! Akin na." Tinanggap ko nalang kahit ayaw ko. "At sa susunod, kung hindi pa rin siya mag reply sa mga sulat niyo, suko na kayo teh. Masasayang lang efforts niyo." Dagdag ko pang sabi.
"Thank you! Sa susunod ulit!" Tuwang-tuwa niyang sabi sabay alis.
Ganyan ba kalupit ang mga fighting spirits nila? O sadyang mga tanga lang talaga sila? At may susunod pa ha. Nakinig ba siya sa sinabi ko? Aissh. Hayaan na nga lang. Bahala silang umasa, ginusto naman nila eh.
What bothered me is that anong nakita nila sa unggoy na Karl na 'yun? Puro lang naman yabang 'yun eh.
"Hi Gem!" Nandito na ang asungot na katabi ko. "Goodmorning."
Inabot ko na sa kanya ang mga love letters pero hindi ko siya tiningnan.
"Mahal na mahal mo talaga ako ha. Palagi kang may letters para sa akin." Pang-aasar niyang sabi.
"Tumigil ka, hindi akin yan. Asa ka pang bibigyan kita." Tumingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. At napansin kong hindi siya naka uniform. Naka black polo siya at jeans. Kaya pala bigla nalang naghiyawan ang mga babae dito. Hayy. Papogi talaga tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Allergic Ako Sayo! [One-Shot]
Teen FictionLove? Minsan nagsisimula yan sa awayan, lokohan at asaran. Di mo talaga masabi kung kailan magsisimula. Minsan magugulat ka nalang na mahal mo na pala siya. Alam niyo ba anong grabeng nagagawa ng love? LOVE erases HATE. Kaya minsan kung sino pa 'yun...