8.1 - TRAPPED

1.4K 36 6
                                    

“Damn! Alam kong and’yan ka sa loob. Buksan mo ‘to!”

DIYOS KO PO.

Sumilip ulit ako sa peephole. Sa hitsura niya ngayon, hindi lang siya galit. Parang gusto niya ring lumamon ng tao. At ang taong iyon ay walang iba. Kundi. AKO.

Napasandal ako sa likod ng pinto. Wah! Bakit ba kasi siya nagwawala dito?! Wala naman akong atraso sa kanya n’ung isang gabi ah! Choice niya kayang iligtas ako! Diyos ko. Nasabunutan ko pa ang buhok ko. Pero kung ano man ‘yun, ‘di ko bubuksan ang pinto! MAGKAMATAYAN NA PERO ‘DI AKO LALABAS DITO!

“I am dead serious. Should I wreck this f*ckin’ door open instead?”

“SANDALI!!!”

Mamawis-mawis pa ang nanginginig kong mga kamay habang pinipihit ang doorknob. Dahan-dahan kong inawang at isinilip ang ulo ko. Pero hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ay bigla na lang niyang tinulak ang pinto at hinatak ang kamay ko palabas. Hindi na ako nakapalag nang halos kaladkarin niya ako at ipasok sa loob ng kotse.

“Walang-hiya ka! Ano ba sa tingin mo’ng ginagawa mo ha?!”

“Shut up, or I’ll be the one to make you silent.”

Pinaharurot niya ang kotse palabas ng subdivision. Nauntog pa nga ako. Ang sakit ah! Kaso tinakpan ko na lang ang bunganga ko. Nakiramdam. Hanggang sa tumigil ang kotse niya sa isang bakanteng lote na walang tao. Creepy!

“Gusto mong sumigaw? Hindi kita pipigilan.”

WAAAAHHHH!!! Joke lang. As if naman magagawa ko ‘yun.

Ipinihit ko ang ulo ko sa kanya. Nakatingin siya sa kawalan habang nakangisi. Kinapa ko ‘yung hawakan ng pinto ng kotse at pilit na binuksan.

“Hayop ka bakit tayo nandito?!” Wah! Bakit ayaw?! “Kidnapper! Molester! Human trafficker! Isusuplong kita sa pulis!”

“Molester? Human trafficker?” Natawa siya. “Nice to meet you again beautiful lady.” Inilapit niya ang mukha niya at in-examine ang mukha ko. Napaurong ako. HOMAYGAS. “I want to surprise you a while ago, pero mukhang ako yata ang na-surprise. So surprised that it made regret saving you last time.” Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. “Tell me, ano’ng ginagawa mo sa bahay ni Derek Lopez? Are you… Cohabiting?”

Mukhang kalmado lang ang hitsura niya pero ramdam ko, balot na balot siya ng masamang aura sa mga oras na ito. Bakit alam niyang nasa bahay ako ni…? Magkakilala sila? Pero sabi ni manong guard…? At ano daw? Kami ni Derek ay ano?!

“Hindi ‘no! At pwede ba! Sino’ng Derek Lopez? Wala akong kilalang gan’un!”

“Pinoprotektahan mo pa rin talaga siya kahit kitang-kita na ang totoo!” Nag-uumpisa na akong mag-convert from solid to liquid state dahil sa mga tingin niya.

Inilayo niya ang katawan sa akin at sumandal sa upuan niya habang nakatakip ang kanang braso sa mga mata.

ANGKININ MO NAMAN AKO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon