Chapter 1

743 11 2
                                    

Someone's POV

Ramdam ng aking katawan ang panghihina na dulot ng kawalan ng dugong dumadaloy sa akin. nakapikit ang mga mata, hindi makagalaw at lalong lalo na ang nanghihinang pakiramdam.. Ito na yata ang katapusan ng buhay ko. Kahit nanghihina na at hindi makagalaw ay may naririnig parin akong mga yabag na naglalakad papalapit sa akin.

"Silly beings! Sumusugod kayo sa gyera ng hindi handa ang inyo depensa. Tila nagpapakamatay kayo." rinig kong wika ng isang boses. Boses na tila pakiramdam ko pamilyar sa akin.

"Ano boss tuluyan na naten ito?" wika naman ng isa pang boses

"Wag!! Malaki ang utang na loob naten rito, ng dahil sa kanya nahanap naten ang pack na matagal na nateng hinahanap." sabi ulet nung nauna.

"Oo nga naman.. Kawawa rin din itong isang to. Mauubusan na ng dugo. Mas lalo mo pa itong papahirapan." boses naman ng Isa pang babae na animoy naawa ito.

"So boss. Ano ang gusto mong gawin dito sa isang ito?" puno ng pagtatakang tanong ng lalake.

"Bigyan niyo ito ng Lunas at tulungan niyo siyang palakasin. Magiging malaki ang pakinabang ng isang to sa atin." ani nito na bakas sa boses nito na may binabalak nito.

"Talaga boss? Eh baka pagtraydoran tayo nito?"

"Hindi yan. Dahil tayo ang tumulong sa kanya na mabuhay ulet."

~~~~~~~~~~~

Alondra Mae Sy POV

"Okay class that's all for today! See You tomorrow! And please do your homework!" pagpaalala sa amin ng professor naming si Mrs. Sebastian sa Biology. Hindi ko akalain na matutuloy ang paglipat ko sa kursong Medicine, na dati ay plano pa lang ngayon ay nagka-totoo na.

Naalala ko pa nung panahon na binanggit ko pa ito kay papa na gusto kong lumipat ng ibang course lalo sa medical services para may magawa man lang akong tulong para sa mga kasamahan nito at sa pack din nina Hiro. Kaya napagdesisyonan ko nang pumasok sa Medical course para kahit papano malaman ko ang tamang gagawin pagdating sa panggagamot at kapag nagkaroon man nang labanan ay may magawa man lang din akong tulong sa mga ito. Hindi man sa pakikipaglaban kait man lang sa larangan ng medisina.

Thank goodness! Natapos na din ang unang araw ng pasokan! Wika ko sa sarili habang inaayos ang mga gamit bago ipasok sa bag..

"Sabay na tayong umuwi Alondra." narinig kong wika ni Kim ng makalabas na ako ng classrom. Nilingon ko ito saka nginitian bilang tugon sa pa-Anyaya nito. Masaya talaga akong malaman na bumalik na ito sa Tagaytay at napilit namin itong magstay sa pack house nina Hiro as a member of the pack, kahit hindi ito isang lobo. At dahil din dun, ay bumalik na sa pagiging 3rd in command ni Fred sa grupo nila.

"Ok Let's go!" wika ko rito saka naglakad na palabas ng school building.

Masayang nagkwe-kwentohan kami papunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ni papa. Ng biglang may narinig kaming bumusina sa likuran namin. Agad napalingon para makita kung sino ang may gawa nun, nakita kong Si Hiro ang may gawa sakay ng McLaren niya. Napansin ko ding may katabi ito sa passengers sit.

"Hi Girls! San ang punta niyo?" nakangiting tanong nito. Nang binaba ang bintana nito. Agad napatingin ang atensyon ko sa katabi nito. At nakita ko ang nakangiting si Matt ang nakaupo doon.

"Akala mo kung sino ang kasama niya noh?" pangaasar na wika nito sa akin. Natawa din naman si Kim sa sinabi nito.

"Hindi ah!" inis kunwaring sagot ko dito.

"Pauwi na. Kayo? San kayo galing?" Tanong naman ni Kim sa mga ito.

"Galing kami sa Meeting ng Pack nina Brenda. Alam niyo naman malapit nang iturn over ni Alpha Brian ang pack kay Hiro at mag re-retire na ang matanda. Since madadaanan naman itong school dun sa pack house ay naisipan na nitong si Hiro na dumaan muna dito." Nakangiting sagot ni Matt at napansin kong nakatitig lang si Hiro sa akin at hindi maialis ang magandang ngiti nito sa kanyang mga labi.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" natatawa wika ko at tinignan si ito. .

"Nothing! I'm just happy to see you. Sumabay ka na sa akin sweetheart." pag-anyaya nito. Saka sinenyasan ni Matt na bumaba. Nakita ko ang ginawang pagsensyan nito. Agad ko itong pinigilan saka nagsalita.

"Wag na. Sabay na kami ni Kim pauwi. At saka dala ko kasi din yung sasakyan ni papa. Baka magalit pa yun pagnalaman niya na iiwan ko sa school itong sasakyan niya.

"No! Alondra I insist. Sumabay ka nay kay Hiro at baka sa akin pa ito maggalit at maglabas ng tantrums niyan pag-hindi ka niya maihatid sa bahay niyo. And with regards of Kuya Seth's car ako na bahalang maghatid niyan sa bahay niyo. Ihatid ko nalang muna si Kim sa pack house saka ko ihatid yung sasakyan ni kuya Seth." singit na wika ni Matt saka nagtanggal ng seatbelt at bumaba ng kotse. Pipigilan ko na sana ito, ngunit sumenyan na din si Kim na sumang-ayon ako sa sinabi ni Matt. Bumuntong-hininga saka nagsalita.

"Fine."

Naglakad nako papunta sa pasengers sit saka inabot kay Matt yung susi ng sasakyan ni papa. Binuksan ang pinto saka umupo at nagseatbelt. Ipinaandar na nito ang kotse saka nagpa-alam na kami sa dalawa.

"How's your day sweetheart?" tanong nito habang ang mga tingin ay nasa daan.

"Ayun! Naninibago. New classmates, New Teachers, new subjects and new Environment. Well not totally new talaga dahil its in the same school parin naman but feeling ko bago pa din lahat. but I think I can adjust naman agad. So ayun." wika ko dito. Saka sinubukang buksan ang stereo ng kotse nito.

"Well that's good to hear. Alam ko naman na makakapag-adjust ka kaagad. Anito saka inabot ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Sa ginawa nito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig kaya nagpaubaya ako sa paghahawak ng kamay nito.

I miss this feeling. Kasi naman ang busy na kasi palagi nito eh !Hindi ko rin naman pwedeng I-blame kahit kanino ang mga responsibilities nito lalo at naghahanda na ito bilang tagapag-mana ng pack nila.

Haiist!

Buntong-hininga ko sa naisip. Natatawang napalingon ito.

"Ang lalim nun ah!" Natatawang wika nito. Saka binalik na ulet sa daan ang tingin.

"Yeah! Namimiss ko lang kasi yung ganito. Alam mo na Yung bonding nateng dalawa." wika ko rito. Saka napabuntong hininga ulet.

"Me too. Sweetheart. Pero alam mo naman kung bakit palagi akong nabubusy ngayon right?"

"Yup, I know and I understand it's just that I really miss it. Sobrang nami-miss ko lang talaga yung mga bonding naten dati nung hindi ka pa sinabihan ni Tito Brian na itu-turnover na niya sayo ang buong pack." malungkot na wika ko rito. Napansin kong dahan-dahan itong nagdrive sa slow lane hanggang sa, ipinark na niya ito sa tabi. Napatingin ako dito sa ginawa. Nakita kong bumahid sa mga mata nito ang lungkot saka hinawakan ng dalawang kamay nito ang mukha ko.

"Wag ka ng malungkot sweetheart. Because You just don't know how much I miss our bondings. Your sweet voice everytime you call me, your kiss, your giggles and laughs. All of it. Lalo at bihira lang din talaga tayo nagkikita dahil nabu-busy ka sa preparation mo sa school at ako naman nasa mga pack meeting and business meetings. Kaya tiis-tiis muna tayo sweetheart. Because after all of this things babawi ako sayo. I promise." anito with a sincere voice. Tumango ako dito bilang tugon na naintindihan ko ang sinabi nito.

"Good. And since I miss your kiss. Pahalik muna at baka masayang na naman ang moment." anito saka ipinikit ang mga mata at dahan-dahang inilapit ang mukha nito sa akin saka hinalikan ang aking mga Labi.

"I Love you."

"I love you too."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yehey !! matutuloy ko na ang book 2 dahil after ilang years nak-isp na ulet ako ng plot twist para sa kwento na to!

"To be a champion, I think you have to see the big picture. It's not about winning and losing; it's about every day hard work and about thriving on a challenge. It's about embracing the pain that you'll experience at the end of a race and not being afraid. I think people think too hard and get afraid of a certain challenge."


 – Summer Sanders

Peace ✌ ✌...

(Sorry for any misspelled words or grammar)

The Alpha Mate And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon