Chapter 2

325 9 2
                                    

Alondra Mae Sy POV

Tahimik na nakamasahid sa labas ng bintana ng isang coffee shop. Habang nababagot na pinapa-ikot ikot ang straw ng ini-inom na tiramissu. Napabuntong-hininga saka nag-sip doon. Isang linggo na. Isang panibagong linggo na naman ang lumipas ng huli kami nag kita ni Hiro at nagkaroon nang sarili naming oras. Oras na kaming dalawa lang ang magkasama at hindi ang mga papeles niya.

Alam ko sa sarili ko na importante para dito ang mga gawain para sa pack. Alam ko din na importante din ako para dito. At naiintindihan ko iyon. Pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagka-inis dahil kahit papano hindi na ito masyadong gumagawa ng paraan para lang makaroon kami ng oras na kaming dalawa lang

Puno ng inis na ipinatong ko ulet ang iniinom sa mesa. Dahil sa ginawa ay napalingon ng wala sa oras ang dalawa kong kasama. At napabalik ang mga ito sa realidad.

"Oh!? Anong problema?" pagtatakang tanong ni Nikki sa akin.

"Ay, Alondra andyan ka pa pala!?" gulat kunyaring tanong ni Nick sa akin. Nakita kong hinampas ito ni Nikki sa balikat saka Napa-igting ito.

"Tumigil ka." sabi ni Nikki dito. Naiiritang tinignan ko ang mga ito.

"Alam niyo, kayong dalawa. Kung lalakbay man kayong dalawa sa sarili ninyong mundo. Wag niyo na akong isama ha! Mahirap maging third wheel ninyong dalawa. Nagmumukha akong chaperone sa inyo." wika ko saka tumayo at naiinis na dinala ang inorder na tiramissu. Saktong papalabas na ako ng coffee shop ng makita kong papasok naman ang dalawang magkasama na sina Kim at Fred.

"Oh! Alondra. Nandito ka pala." nakangiting wika ni Kim ng makapasok na ito sa loob. Kasunod nito si Fred.

"Oo,, ginawa na naman akong third wheel ng dalawang to." puno ng inis na wika ko saka tinuro ang dalawang nakaupo na sina Nikki at Nick. Nakangiting Kumuway si Kim sa mga ito bago ibinalik ang attention sa akin.

"Third wheel? Bakit!? nasan si Hiro?" tanong nito sa akin na puno ng pagtataka.

"Nasa opisina niya naka-kulong na naman." sagot ni Fred sa tanong nito. Hindi ko na magawang sagotin ang tanong ni Kim dahil naunahan na ako ni Fred.

"Ahh! Kaya.. Edi sumama ka nalang sa amin." paanyaya nito.

Sasama sa kanila? Edi magiging third wheel na naman ulet ako!? Sa dalawang ito nga lang. Akmang tatanggihan ko na sana ito ng inunahan na ako nitong magsalita.

"Wag kang mag-alala hindi ka magiging third wheel sa amin. Magiging pang-forth lang. Kasama namin ang pinsan ni Fred na kakarating lang dito sa pinas." aniya saka itinuro ang animo'y manikang kagandahan ng babaeng na naka-upo sa backseat ng BMW.

"Kakasundo lang namin sa kanya galing airport at gusto na niyang magpatour dito matagal na kasi itong hindi naka-uwi ng pinas. At doon siya muna ngayon magsta-stay sa Bahay So, ano na sasama ka?" nakangiting anyaya sa akin ni Fred.

"Oo.. Basta ba't hindi ako magiging third wheel o di Kaya magmumukhang chaperone, okay lang." wika ko sa mga ito saka tinignan ulet ang dalawa upang kahit papano eh makapagpa-alam ako sa mga ito. Dahil ang alam ni Hiro ay sina Nikki at Nick ang kasama ko.. Ngunit mukhang hindi ko na magagawa iyon dahil balik na naman ang mga ito sa sarili nilang mundo.

"Naku wag na nga! Hayaan na naten mag-explore nila ang mundo nila. Tara na." anyaya ko sa mga ito.

"Okay Tara, doon nalang naten hintayin si Fred sa kotse niya." wika ni Kim. Tumango ako bilang tugon saka naglakad na kami papunta sa nakaparadang BMW. Nang makarating ay agad sumakay na kami sa kotse. Nakangiting binuksan ko ang backseat ng kotse kung saan hindi iyon ukopado ng pinsan ni Fred.

The Alpha Mate And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon