Chapter 3

325 15 1
                                    

Alondra Mae Sy POV

"I'm back my mon amour! ."

Shock,, gulat,, windang o kahit ano pa mang pwedeng matawag sa expression at emosyon na nararamdaman ko nang makita ko ang nakangiti nang labi nito ay kanila lang hinalikan ang boyfriend ko.

Nagkita kong ang gulat na mukha ni Hiro dahil sa biglaang paghalik ng pinsan ni Fred ay unti-unti ng bumalik sa normal.

"A-Amira.Y-You're back" nauutal na tono ng boses at tangin lumabas na salita mula dito.

"tskk!! Sorry Alondra,, hindi ko nagawang pigilan ang pinsan ko. Nahuli na ako ng dating." rinig kong paumanhin ni Fred ngunit hindi ko magawang sumagot dito dahil parin sa pagkabigla. Nakita kong agad napalingon sa gawi ko si Hiro at mabilis na inalis nito ang mga braso ni Amira na nakapulupot sa leeg nito.

"Sweetheart?!" mahina ngunit may halong pangamba ang boses ni Hiro. Na nilapitan ako.

"Sweetheart,, ano.. A-ahm. Hindi ko alam na gagawin ni Amira iyon sa akin.. Actually Kung-" pinigilan ang bibig saka bumuntong-hininga at kumalma.

"Wag kang mag-alala,, not a simple smack can make me jealous. Dahil Alam kong napaka-imature at mababaw na rason lang iyon. Nagulat lang talaga ako. Hindi ko akalain na marunong palang kumilos at umasta na parang BITCH ang isang manika." wika ko na pinapangibabawan ang salitang bitch sabay tinignan ang babae. Nakata-as ang kilay na animo'y namamaliit ang tingin nito sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Hiro saka nginitian ito ng napakatamis.

"Let's go?"

"Y-yeah? Bye guys mamaya nalang ulet." anito saka hinawakan na ako nito sa bewang. Nang-aasar na tinignan ko muna sa si Amira bago kami naglakad palabas ng bahay.

Tahimik kaming bumabye sakay ng kotse nito. Hindi namin alam kung saan ang destinasyon basta ang alam ko lang,, gusto ko munang umalis at mapalayo sa bruhilda na iyon.

"Sweetheart,, what's wrong?" basag nito sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Sinilip ako nito Sandali saka ibinalik ulet sa daan ng tingin.

"Wala. Naiinis lang talaga ako. Itong buong Umaga na akong bina-badtrip niyang pinsan ni Fred. At Isa pa Tinawag ka niyang Love ka daw niya. Hah!! As if naman totoo yun. Ako lang naman ang mahal mo di ba?" Galit na wika ko rito.

"Bakit ano bang ginagawa sa iyo ni Amira?" tanong nito na puno ng pagtataka.

"Tinawag akong dukha at mangmang. Bakit daw kasi isang dukha at mangmang ang mate mo." pagsusumbong ko dito. Imbes na mainis ito sa sinabi ko. Naramdaman kong tumatawa ito.

"Dukha at mangmang? Ay naku ang babaeng iyon talaga kahit kailan hindi parin nagbabago. Hindi parin wise ang choices ng mga words na sinasabi nito." inis na tinignan ko ito.

"At talagang may gana ka pang tumawa. Ininsulto na ang girlfriend mo. Parang wala parin sayo." Galit na wika ko dito.

Wala man lang sympathy.

"No, no, Sweetheart it's not like that. Si Amira kasi ganun lang talaga magsalita iyon pero kapag once na mas makilala mo pa siya ng mabuti. Malalaman mong mabait din pala siya. We've been friends since gradeschool. Kaya kilala ko na ang babaeng iyon. Nakakatawa nga dati dahil ang nangyari pinalo siya ni Tita Gladys sa puwet gawa ng sinabihan niya ang Kuya niya ng mongoloid" nakangiting wika nito na animo'y nagre-reminisce pa. Dahil sa sinabi nito ay hindi ko mapigilang hindi ng selos at inis, Selos dahil mas matagal-tagal din pala ang pinagsamahan nito at ni Amira.

Kakainis!!

Agad nawalan ng gana at napatingin na lamang sa labas ng bintana. Naramdaman naman nito ang pagiiba ko ng mood. Pasilip-silip na tinignan ako nito.

"Hiro pakihatid nalang ako sa Bahay namin." walang ano-anong wika ko rito.

"Sweetheart,, nagagalit ka ba?" nag-alalang wika nito.

"No."

"P-pero, ngayon lang ulet tayo magkasama ngayon lang ulet tayo-"

"Hiro please,, , I'm just not in the mood anymore, just send me back to my father's place."

"Fine." Hindi na ulet ito nagsalita pa. At unti-unti na nitong iniba ang direksyon.

~~~~~~~~~~~~~~

Hiro Dela Peña

Malalim na Napabuntong-hininga na lumabas ng kotse at naglakad na ulet pabalik ng bahay. Hindi ko akalain na hindi na naman natuloy ang plano naming date ni Alondra. Ano ba naman kasing pumasok sa kukote ni Amira at ginawa niya iyon. Ang halikan ako.

"Hiro!!" tawag sa akin ni Fred na kasunod din nitong si George na mabilis na naglakad ang mga ito papalapit sakin.

"Si Alondra!?" tanong naman ni George

"Umuwi na. Hindi na naman tuloy date namin." malungkot na wika ko sa mga ito.

"Ha!? Naku. Kasalanan ito ni Amira. Sorry talaga Hiro, nasira pa ng pinsan namin ang moment ninyong dalawa." pahingeng paumanhin ni Fred.

Haiiisst!! minsan na nga lang kaming magkita naudlot pa.

"Okay lang. Ganun kilala ko na din naman pinsan niyo mahilig lang talaga yun mang-asar parang kayong dalawa lang din." Ani ko sa mga ito at nagsimula na uling maglakad pabalik ng bahay.

"Ay!! Hiro mahilig nga kaming mang-asar pero hindi naman kami nanghahalik, at ni minsan hindi ka naman namin hinalikan ." wika naman ni George na animo'y may kasama pang pandidiri. Bigla naiba ang mood ko nang makita ang ginawang itsura nito.

"G*gi!" natatawang wika ko rito.

"Tara nalang pare, magisip nalang tayo kung paano naten susuyoin , ang Girlfriend mo." Ani naman ni Fred saka inakbayan ako nito papasok ng bahay.

Haaiiisst!! sana nga madala ulet sa pagsusuyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"I hated every minute of training, but I said, 'Don't quit. Suffer now and live the rest of your life as a champion." 

– Muhammad Ali

Vote...Follow...comment...

The Alpha Mate And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon