In Denial (pt.2)

19 0 0
                                    




Tristan


The next fews days was a total blur ang bilis ng pahanon, nililigawan ko na si Suzy which is a shock sa barkada kasi finally daw may nililigawan na ko, pero kahit na nanliligaw na ko di parin ako nawalan ng oras sa pag-aaral at sa barkada, lalo na kay Jelly ann ganun pa rin kami. Pero ang kaibahan ngayon hindi ko na siya mahal.

Hindi na.

Pero kasabay ng panliligaw ko kay Suzy sa kalagitnaan naman ng mga dates namin minsan biglang sumisingit si Jelly at kung anu-ano ang kailangan saakin at di ko naman mapigilan ang hindi siya puntahan resulta ng lagi kong pag-iwan kay Suzy. Pero hindi ko maintindihan si Suzy, alam ko naman na may nararamdaman siya para saakin pero bakit sa tuwing kailangan ako ni Jelly lagi niya kong pinapaalis, kagaya ngayon pinapapunta ako ni Jelly ann sa kanya kasi kailangan niya ng tulong sa thesis niya.

Pero this time ayokong paalisin niya ko. Gusto ko pigilan niya ko.

Nasa linya parin ng telepono si Jelly at hinihintay ko ang sagot ni Suzy. "Suzy please, this time please tell me not to go, sabihin mo saakin na gusto mo dito lang ako and when you do I promise na kahit kelan pagmay date tayo hindi na ko pupunta sa kanya, please."

Tinignan lang ako ni Suzy at nag-isip pero nginitian niya ko. "Tristan wag kang umalis, dito ka lang. Wag mo na siyang puntahan."

Napangiti naman ako sa narinig ko, salamat Suzy. Sinagot ko naman sa kabilang linya si Jelly. "Gulaman wag ngayon may date kami, tawagan mo na lang sila Bryan. Sorry." tsaka ko binaba.

At pinagpatuloy ang date namin. Tama 'to Tristan. Stop thinking about her. You dont love her anymore. You dont.

Pagkatapos nun hindi na kami masyadong nagkakasama ni Jelly, hindi ko alam kung anong dahilan, di ko alam kung bakit. Naging kami ni Suzy at masaya ako. Masaya ako.

Madalas kong nakikitang magkasama sila Jelly ann at Bryan, maski sila Bing at Dana napansin yun.

At nung isang beses dumaan si Jelly ng bahay ko.

"Panday! Tristan! Monggi! May Date ako! Anong susuotin ko???" nambubulabog 'to?

"Bakit kailangan ipagmalaki? porket may date ka lang eh--- Teka Date?!" hinawakan ko siya sa dalawang braso niya at niyugyog siya.

Date?! May Date siya!?! Kelan pa siya nagkainters makipag-date?! Sino kadate niya?! Saan sila magdedate?! Pero di ko yan lahat natanong.

Bakit naman ako di mapakali? Ano naman kung may Date siya? may girlfriend na ko. Teka ano connect?

"Aguy! bitawan mo naman ako, naaalog ulo ko eh, baka mawala kilig ko wag ka nga." binitawan ko naman siya.

"T-talaga? May date ka? S-sino naman?" tanong ko.

"Si ano, si Bryan." nahihiya niya pang sagot.

Si Bryan. si Bryan kadate niya. May gusto si Bryan kay Jelly ann? Kelan pa? Bakit hindi ko alam? At ano etong si Jelly ann may gusto din ba siya kay Bryan? Kaya ba siya nandito?

Napatakbo naman ako sa labas at iniwan ko siya sa loob.

"Hoy! Di ka ba masaya para saaken?! Panday?!" sigaw niya pero hindi ko siya nilingon at sumakay sa motor ko at umalis.

Bakit ganun? Lagi nga silang magkasama ni Bryan, pero di ko naman alam na may gusto na pala sila sa isa't-isa.

Tapos ngayon magdedate sila?! tapos ano? magkakaligawan na! then magiging sila!? P*ta.

Eh bakit nga ba? Bakit ako nagkakaganto?! Nasasaktan ba ko? Nasasaktan pa rin ba ko?! Pero hindi may Girlfriend na ko! Si Suzy! At masaya kami! masaya ako!

In Denial (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon