In Denial (pt. 3)

15 0 0
                                    




Tristan


Di ako makatulog nung gabing yun. What did I just do?! I better apologize. Its not her fault that I was a big jerk. UGh! pati siya nadadamay sa personal issues ko sa sarili ko. Like I said, just DIE Tristan. Stop breathing.


Kinaumagahan naman dumating sila Bing at Dana na ang aga-aga nambubulabog at nakikikain mga pulubi talaga.


"Hoy ano ba? namumulubi na ba kayo at dito kayo nakikikain? At ikaw Bing ano? ni anino mo sa tv dito ko pa nakikita eh."


Sila naman nakaupo lang sa mesa at kain ng kain, then biglang umimik si Bing. "Aray naman fafa Tristan na-hurts kami ni Dana. Tsaka nag-aaral pa tayo syempre in the process pa ang kasikatan ko, patient ka lang."sabi nito at nagpatuloy sa pagkain.


"Eh ikaw? kelan mo balak wag nang maging In denial?" tanong ni Dana.


Hindi ako in denial, porket yun yung title nito kailangan paulit-ulit?


"Bakit naman ako In denial?" naki-upo na ko at kumain din.


"Alam mo bro, kala mo di namin alam?" sabi ni Bing.


"Ang alin?" tanong ko.


"Yung kay Jelly, Di ba mahal mo siya?" tanong ni Dana.


Nabulunan ako bigla at yung dalawa naman todo ang paghimas ng likod ko.


"You hate the idea na padate-date nila ni Bryan di ba?" sabi ni Bing habang pinapalo-palo yung likod ko.


"Why not stop them?" sabi naman ni Dana.


Tinanggal ko yung mga kamay nila at lumayo sa kanila. "Nasisiraan na ba kayo? nakalunok ba kayo ng bomba? ano bang pinagsasabi niyo? May girlfriend ako ano ba kayo?" kahit alam ko break na kami.


"Kala mo hindi namin alam?" nung sinabi yan ni Dana biglang pumasok sa loob ng bahay si Suzy.


What the?


"Tristan, stop lying to yourself, pati sarili mo niloloko mo na tapos nandamay ka pa ng iba." sambit ni Suzy.


Hindi ko pa pala na-eexplain sa kanya. "Suzy kasi ano eh... si Jelly---" lumapit siya saakin at pinutol ang mga sasabihin ko.


"Kahit mag-explain ka saakin alam ko kung anong nararamdaman mo sa simula pa lang, sabi ko sa sarili ko I'll play along but I was a fool because I actually fell for you." naiiyak na sabi niya.


Niyakap ko naman siya. "Im so sorry Suzy, Im sorry I've hurt you."


"Dont be, Its my fault. Ako ang naglagay sa sarili ko dito." sabay kalas niya sa yakap niya at ngumiti siya saakin.


"Hindi lang si Suzy ang nasaktan mo Tristan." sambit ni Dana


Si Jelly ann...Okay hinga ng malalim.


Humarap naman ako sa kanilang lahat at sinabi na ang lahat ng nasa loob ko na 8 years ko nang kinikimkim.


"Okay you got me, for 8 years wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ang isang babaeng walang class, hindi sexy at nakakainis na babae. Pero sa kabila ng lahat ng yon siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, kahit na siya pa ang dahilan ng pagkatanga ko for the past 8 years at ang dahilan pa rin sa patuloy na pagiging tanga ko. Sinubukan kong makipag-date sa ibat-ibang babae pero none of them was as good as her. Pero ikaw Suzy maniwala ka I liked you, naramdaman ko na nakalimutan ko siya kahit ilang segundo lang, When I was with you even just for a short while I forgot that I was in love with her...pero wala eh sa tuwing makikita ko siya nakakalimutan ko na sinusubukan kong maging masaya habang pinaniniwala ang sarili ko na hindi ko na siya mahal. Lumipas ang ilang buwan pinagpatuloy kong lokohin ang sarili ko pero sa huli hindi ko nakumbinsi sarili ko kasi mahal ko parin siya at alam ko na hindi na magbabago yun kahit kelan." patuloy kong sabi.

In Denial (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon