In Denial (pt. 1)

38 1 0
                                    


Tristan

Gaya ng korning pinagsasabi ko kanina, ayoko mang-ulitin pero uulitin ko kasi wala lang.

"Hoy panday! Lika na nga! Ang arte-arte mo! Para kang babae kung mag-ayos ang bagal! Baka matuyo yung kadate mo nyan eh!" yan sigaw yan ng babaeng baliw na itago na lang nating sa pangalang Jelly ann Rodriguez.

Sa dinami-rami ng babae sa buong mundo bakit dito pa ko nagkagusto? bakit siya pa minahal ko? Gwapo naman ako, mayaman, matipuno, magandang lalaki kung baga sa mga fictional characters dinaig ko pa si Augustus Waters at si Jack Dawson eh, pero ba't ganun kahit anong gawin ko siya at siya parin?

Babaeng walang class, maliliit ang mata? wala ring korte hindi sexy, Dalawa likod kasi walang dibdib, medyo bansot, asal lalaki, sabog ang buhok tapos nakakairita ang boses?

"Oo alam ko kumalma ka nga babaeng gulaman!" sabi ko habang nag-aayos ng buhok ko.

Bakit ba Lord? ang daming choices? ang daming mas sexy, mas maganda, mas may class yung bang mas deserving na mahalin ko at deserve nila ang isang perfect guy na gaya ko pero ano? siya ang gusto. siya pa rin ang gusto ko.

Wala eh, mahal ko.

Pero tama na, ang tagal ko nang umaasa sa wala. Kung baga sa puno hindi ko na kaya kasi wala namang nagbibigay buhay saakin eh, hindi na nga ako naarawan hindi pa dinidiligan. Dahil alam ko kailanman hindi niya ko nakikita, never niya kong nakita bilang isang lalaking kaya siyang mahalin. Kasi para sa kanya ako lang yung katawa tawa niyang bestfriend na laging nandyan para sakanya.

Pumasok siya sa kwarto ko habang inaayos ko pa ang buhok ko. "Ikaw papogi ka pa, ayos-ayos pa ng buhok eh wala namang magbabago, Panget ka pa rin kaya tanggapin mo na." sabay tapik-tapik pa sa balikat ko

Tinanggal ko naman yung paghawak-hawak niya sa balikat ko tsaka nagsalita. "Alam mo ikaw, masama ang magsinunggaling bahala ka maaga kang kukunin ng diyos." pagbabanta ko sa kanya.

"Di niya ko makukuha bespren kasi nagsasabi ako ng totoo, the truth hurts nga di ba? kaya tanggapin mo na." Leche talaga 'to, ano bang nakita ko dito? Love is blind na ba talaga?

"May the the truth hurts- the truth hurts ka pa dyan?" natatawang sabi ko sa kanya.

Hinimas-himas pa niya yung likod ko."Oo di ba the truth will set you free? kaya bilang kaibigan mo obligasyon kong magsabi sayo ng totoo. Panget ka, malaya ka na." Love is blind, p*ta.

"Dahil dyan sa sinabi mo wag kang sasabay saakin ah? mag-commute ka." sabay alis ko bwahaha kala niya ah.

May date kasi ako ngayon, actually ilang linggo na rin ako nakikipagdate sa iba't-ibang babae para lang makalimutan ko 'tong babaeng gulaman na 'to, pero wala eh.

Sa dami ng dinate kong babaeng nakadate na sa totoo lang type ko silang lahat di naman sila nagtetext saakin, di rin naman tumatawag. O di kaya nakipagdate saken kasi pinagseselos nila mga boyfriend nila kaya ang ending ako pa dehado, T*ngnang buhay 'to oh.

Sana Lord iba na itong date ko na 'to! Sana siya na si 'The One'! Sana siya na ang sagot saaking mga dasal! Ang makakasolve sa problema ko!

"Tristan! isabay mo na ko!!!!" sana makalimutan ko na si Jelly! Nakakainis na eh!

Pasakay na ko ng motor ko at pupunta na sa date ko pero itong babaeng 'to may trabaho pa sa Jollibee kaya syempre kailangan kong ihatid.

"Oo na! Sakay na dali!" sinuotan ko pa siya ng helmet tsaka tuluyan nang umalis.

Since medyo matagal pa ang byahe dahil traffic sa Pilipinas, gusto niyo bang ikwento ko sainyo kung paano ko nakilala 'tong babaeng 'to? Kung pano siya napadpad sa buhay ko? kung bakit ko siya nagustuhan? Kung anong sumpa ang nilagay niya saken kaya baliw na baliw ako sa kanya? pwes mabalik tayo 8 years ago.

In Denial (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon