Chapter 1

9 2 0
                                    


"Tyrell anak Bumangon ka na tulungan mo ako sa mga paninda ko at nang makarating tayo sa bayan ng maaga, Alam mo naman Ang mga suki ko alas syete dumarating at pupuntahan pa natin Ang ibang suki ko sa bahay nila". Panggigising in nanay.

"Opo nay". Inaantok Kong tugon.

"Hala sige bangon na at pinaghanda na kita ng umagahan mo sa lamesa". Nakangiting sabi in nanay.

Sabado ngayon at maglalako kame ni nanay ng mga gulay na pananim namin sa aming bakuran, gayun narin Ang mangilan ngilang prutas na namumunga sa silkod ng aming bakuran.

Ako si tyrell , timothy Ariel Ang aking pangalan labing limang taong gulang at ipinanganak dito sa napaka ganda naming probinsyang batanes.

Ako ay kasalukuyang high school parin dahil may mga taon ding talagang hikaos Ang pamumuhay namin at kaylangang tumigil. Si nanay lang kasi Ang mag isang nagtaguyod sa akin. Hindi ko narin nakilala Ang ama.

Ang sabe nila ay nagtrabaho noon si nanay sa maynila bilang waitress sa isang sikat na restaurant ,at doon nya nakilala Ang syang nakapagpatibok ng puso nya at syang magiging ama ng magiging anak nya. Sabi ni nanay amerikano daw Ang naging nobyo nya.. Ang tatay ko kaso sa kasawiang palad naaksidente ito habang pinagbubuntis palang ako.

Napagpasyahan ni nanay na bumalik at dito na ako isilang sa batanes.

"Tisoy, magkano nga yang sibuyas mo?". Nakangiting tanong sakin ni aling Felly ng magdaan kame sa napakalaking bahay nila.

"Limang piso po Ang isang tumpok nay". Tugon ko naman.

"Sige iho pagbilhan mo ako ng sampung tumpok kasi gagamitin namin sa handaan dumating kasi Ang aking nagiisang apo galing sa amerika at gusto Kong matikman nya Ang mga masasarap na pagkain dito satin". Natutuwang kwento ni aling felly.

"Ah sige po". Nakangiti Kong tugon habang inaayos Ang sampung tumpok ng sibuyas.

"Alam mo Silvia bakit Hindi kayo pumunta ng anak mong so tyrell dito mamaya nang makilala nyo naman Ang napakaganda Kong apong si Cindy" pag iimbita ni aling Felly.

"Naku aling Felly wag na kayong magabala pa at ska Hindi naman kame importanteng panauhin sa okasyon ninyo" nahihiyang sambit ni nanay.

"Anu ka ba Silvia , Bata ka pa ay sayo na ako bumibili ng mga sangkap, gulay at prutas.. para narin kayong pamilya sakin at isa pa.. Hindi ako tatanggap ng hindi, kaya mamaya aasahan ko kayo". Nakangiting sabi ni aling Felly habang iniaabot Ang bayad nya sa binili nyang sibuyas.

Nang makarating sa bahay ay agad namang nagtungo si nanay sa kanyang kabinet at naghanap ng maisosoot namin para sa pupuntahang okasyon mamaya.

Bihira lang kasi kaming maimbita sa mga magagarbong okasyon.

"Anak bagay ba sakin ito?". Seryosong tanong in inay..

"Opo nay napakaganda". Sagot ko naman habang tinitignan Ang asul na bistidang hawak ni nanay na tila ngayon ko lang nakita.

"Bigay pa sakin ito ng ama mong si Billy bago sya pumanaw. At Ito Ang suot ko nung niyaya nya akong magpakasal, kung hindi lang sana sya naaksidente Edi sana maganda Ang buhay mo anak." Maluha luhang sambit ni nanay.

Ngayon ko lang narinig Ang kwentong iyon sakanya , ayaw nya kasing pinaguusapan namin Ang tungkol sa nakaraan nya.gayun pa man at niyakap ko sya at sinabing.

"Wag kang magalala makakaahon din tayo nay".

Lumipas Ang oras at nakarating narin Kami sa bahay ni ali ng Felly.

"Magandang gabi sainyong lahat! nais Kong ipakilala Ang nag iisa Kong apo na si Cindy Montenegro!."

Nagsipalakpakan ang mga tao habang bumubukas ang napakalaking pinto ng kanilang mansion.

Para akong napako sa kinatatayuan ko ng iniluwal iyon ang napakagandang dalagitang mala anghel ang muka. Parang nansikip ang dibdib ko ng dumapo ang tingin nya saakin. Ang mga mata nyang napakasaya ang bilugang labi nya at ang kanyang mamula mulang pisngi na parang isang kerubin na gusto kong yakapin.

"Tyrell,Silvia eto ang apo kong si Cindy napakaganda nya no manang mana sa lola? Tyrell iho, Magkakasundo kayo ng apo kong ito mahilig din syang umakyat ng puno". Masayang Pakilala ni aling felly kay cindy.

"Nice meeting you". Bati ni cindy habang inilalahad ang kanyang mamula mulang palad. Agad ko namang inabot iyon.

"Nice meeting you din". Tugon ko na para bang puputok na ang aking pisngi sa pula.

Lumipas din ang ilang oras at natapos na ang handaan nila cindy at napagpasyahan ni nanay na tumulong sa pagliligpit.

Paumaga na nang matapos ako sa aking gawain, umupo ako habang umiinom ng mainit na chokolate na tinimpla ni aling felly. Napakaganda ng tanawin. Napakagandang Mundo, sayang at hindi kame nabiyayaan ng swerte ni nanay. Wag kang mag alala nanay gagawa ako ng paraan pangako.

"Mukang malayo ang iniisip mo?." Nagulat ako ng marinig ko ang tinig na iyon.

"C-cindy bakit gising ka pa? Hindi ka paba napagod sa dami mong bisita kanina?".

"Di gaano, you know my dad used to have a lot of filipino gatherings back in the states, kaya sanay na ako sa lahat ng ito, pinalaki akong pinoy really. Nakangiting sagot nya.

"Ganun ba?". Tanging naisagot ko.

"How come hindi ka mukang filipino, i mean may lahi ka ba? Ilang taon ka na? Nagaaral ka pa ba?". Sunod sunod na tanong nya.

Natawa tuloy ako. Hindi ko akalain na napakadal dal at matanong nya pala.

Alam nyo ba yung love at first sight. Tingin ko mapapa-paniwala na ako sa kasabihang iyon ngayong gabi..




________

Gosh. Sorry for the late post i'll try to update as soon as i can. This book is on going palang po and i'm open for suggestions. So please like, comment and vote.. Thanks!

(This chapter is un edited and not yet reviewed ,so there might be some typographical errors you might encounter so please readers kindly adjust po muna love you all!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lovers In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon