Oh. POV ko yan. Kaya wag ka na maghanap ng iba :D
Kasal na kami ni Sunget. Pero dahil sa may mga echuserang froglet na nanggagalaiti kung bakit DAW nahumaling sa aking byuti si Sunget, napakiusapan ko ang friend ni Otor na ilathala ang aming lab stori. Ibalik natin ang nakaraan....
Teka.. One-shot din ba to, friend ni otor tulad nang kina Maine at bff?
[f.n.a/n: parang hindi. kasi pahard to get kayong dalawa.]
Wow ha? Kami pa talaga? Parang hindi yung dalawa,anu?
[atleast sila, the feeling is mutual. Kayo, ikaw lang nagdedaydream,si Sunget hindi.]
Aba't!! Isusumbong kita kay otor inaapi mo ko!
[geh gawin mo hindi ko na toh itutuloy. wala na pati yun nakalayas na. wala ka na pagsusumbungan :p]
Oo nga pala. TT____TT otor,balik ka na TT^TT inaapi na ko dito ng friend mo. namimiss na kita :(( ayoko sa kanya talay talay niya TT___TT
REWIND..
Officially mag-on na ang sina L at bff. I'm really happy for them! YYIIIEEE. Kinikilig ako. HAHAHA. Kung noon,sweet na sila sa isa't isa, ngayon super cheesy na nila!!! Gosh, nakakainggit :3
Lunchbreak na namin ng makita ko si Kyle na papasok sa cafeteria.
O_O
Nakalimutan ko yung sinabi ko sa kanya na tutulungan ko siya. =____=
Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya sina bff at L na magkaholding hands at sinusubuan pa ni L si bff ng yogurt. Kasi naman tong dalawang to super PDA eh! -_________- Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Naaawa ako sa kanya. Nakakakonsensya tuloy yung ginawa ko. Alam ko naman kasing wala talaga siyang pag-asa. Ginawa ko lang yun para malaman namin pareho ni bff kung ano si bff sa buhay ni L. Effective naman di ba? Tsaka partida na rin,crush na crush din kaya ni bff si Sunget. Nang palabas na sana siya sa cafeteria,napatayo ako,bagay na kinagulat nitong dalawang PDA sa harapan ko.
Oh bff,bakit?
Fre dito muna kayo saglit ah? May naiwan lang ako sa room. Babalik ako agad.
Okay.
malayo layo na rin ako sa kanilang dalawa nang maisipan kong bumalik sa table namin.
Oh fre, nakuha mo na yung naiwan mo?Bilis ah. Lumipad ka? ^____^ panlokong bungad ni L.
Loko ka! Bumalik ako para sabihin sa inyo WAG KAYONG PDA ANDAMENG TAONG NAIINGGIT SA INYO!!! MAAWA NA PATI KAYO SA MGA ESTUDYANTE DITO INUULAN NA NG ANTIK SA KATAMISAN NIYONG DALAWA!!!
Sabay naman napalingon ang dalawa at mukhang nun lang din nila napansin na pinapanuod sila ng mga schoolmates namin. Oh yun lang. Alis na ulit ako. May gad talaga tong dalawang to dapat sa inyo kinakabitan ng SPG sa likod eh!
Anong SPG bff? Sosyal na Patay Gutom? Samahan ng mga Patay Gutom?
(_ _")
>_> ^___^
bff- L
BFF ko ba talaga tong babaeng to? Kala ko ba matalino to? Sarap umpog sa pader eh. Ganito ba talaga epekto ng inlove, nakakabobo? Bakit ako, hindi naman ako inlove pero bobo ako?
[f.n.a/n : aba tapat na bata. aminado.gusto ko yan ^_^]
tse! manahimik ka friend ni otor! inlab ka lang kay tut eh!
[f.n.a/n : sino yun o_o?]
si ano. nagsisimula kay letter G.
[f.n.a/n: behave na nga -_-]
SPG bff. SPaGhetti yun bff. SPaGhetti! Mygad bff! Lakas ng epekto ni L sayo,nabobo kang bigla! Ay naku! Dyan na nga kayo!
Narinig kong nagtawanan yung dalawa. Duet pa! Talaga naman =____=
Paglabas ko ng cafeteria hindi ko na makita si Kyle. Ibig sabihin ba nito maglilibot ako sa buong campus mahanap ko lang siya? OMO >_< katanghaliang tapat gala ako ng gala!! Nakakaitim pa man din tong ganitong oras! Aish.
Bakit ba minumulto mo ko,ha kunsensya?
MALAMANG, KUNG HINDI DAHIL SAYO HINDI SANA MALULUNGKOT NG GANUN SI KYLE. ALAM MO NAMAN NA MAY GUSTO SI KYLE KAY GARNETTE TAPOS BINIGYAN MO PA NG PAG-ASA!
Tama yan,Kunsensya. Capslock pa talaga ha.
OO PARA FEEL NA FEEL MO!
Aish. Takbo ako ng takbo. Wala pa akong payong. -______-
Nasan na ba yun??
Lingon..
Lingon..
Takbo..
Takbo..
Lingon ulit..
Lingon ulit.
Hinihingal na ko >_<
Nakakita ako ng malaking puno at naupo pansamantala para magpahinga. Ang laki naman kasi ng school na to, pinantayan ang laki ng Hogwarts. Pinikit ko sandali ang aking mga mata at inisip kong mabuti kung san madalas nagpupupunta si Kyle. Hindi ko namalayan na may katabi na pala ako sa ilalim ng puno. Automatic na napatingin ako kasi bumuntung hininga siya.
KYLE!!
Tumingin lang siya sa akin at tumingala. Tapos ay pumikit. Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. May kung anong tumutulak sa akin para yakapin siya. Pero nahihiya ako.
AKO YUNG TUMUTULAK SAYO! BALIW LANG?? KONSENSYA NGA DI BA? KUNWARE KA PA PANGARAP MO NGA ANG MAYAKAP YAN!
Alam ko at di mo kelangang pamukha konsensya! Me pagka suplado kaya to. Mamaya niya mapahiya pa ko wag na lang!
HINDI, AKO NG BAHALA SAYO.
S-sorry Kyle. Nang dahil sa ginawa ko,nalungkot ka. Nasasaktan ka.
Hindi niya ako nililingon. Patay. Galit siya sakin >_<
SINO BA NAMAN KASI MATUTUWA SA GINAWA MO?! PINAGLARUAN MO SIYA, PINAGLARUAN MO!
Isa pa konsensya, hinding hindi ka na lilitaw sa katawan ko bukas!
BAKIT PAPATAYIN MO KO??
Oo! Kayang kaya kitang patayin kapag hindi ka tumigil! Mawawalan ka ng role dito ng wala sa oras!
OK SABI KO NGA TATAHIMIK NA KO!
(_ _")
Niyugyog ko siya. Pero hindi siya natitinag.
Naiintindihan ko kung kamuhian mo ako, pero kung gusto mo ng kausap,nadito lang ako. sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko,dahilan upang ma-out of balance ako at bumagsak sa kanya.
>///////<
Pagtingin ko kasi sa kanya,nakatitig siya sa akin tapos napakalapit ng labi niya sa labi ko. Eto na ba kagad yun?? Ang bilis naman!!
[f.n.a/n: nagrereklamo ka?fine. babaguhin ko.]
wag! di na mabiro eh!
Nabigla ako sa sumunod na pangyayari. Bigla niya akong hinalikan!
*SLAP*
What was that for?! asik niya matapos ko siyang sampalin. Lakas ata ng pagkakasampal ko bumakat yung mga daliri ko sa mukha niyang makinis ahehe
Magnanakaw!
Huh?? Magnanakaw? Sino? Ako?
Hindi, yung puno! Yung puno yung humalik sakin eh!Agad akong tumayo at pinagpagan ang suot ko. Dyan ka na nga! Bwisit! asik ko sa kanya. Iniwan ko siyang nakatulala sa ilalim ng puno.
----------------------
Yana sa side habang nag-iisip sa ilalim ng puno ^__^
Yung gusto pong magpadedicate message lang po ako ^__^
Pa VOTE at COMMENT na rin po. Salamat po ng marami :D