Pangungumbinsi ni Sunget kay WG

71 3 0
                                    

SI YANA'NG ULYANIN

>_<

<_<

>_>

<_<

>_>

Ano ba Fre, kanina pa ko nahihilo sayo. Ano bang hinahanap mo at di ka mapakali dyan?komento ni bff saken. Bwisit na cellphone na yun nasan ka na ba kasi?? May itetext ako nakakainis! Kanina lang nasa bulsa kita eh!

Yung cellphone ko Fre nawawala eh. Nakita mo ba?

Ha? Hindi ah. Hawak mo lang kanina sa cafeteria. San ka ba ngapunta pagkagaling sa cafeteria?

Napaisip ako sa sinabi ni bff. San nga ba ako nagpunta pagkagaling sa cafeteria?

isip..

isip..

isip..

Hinanap ko nga pala si Kyle. Tapos naupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Hindi kaya..??

Tara bff samahan mo ko!sabay kaladkad kay bff.

Sandali naman bff wag mo ko kaladkarin!

Agad naming narating yung puno pero walang cellphone na naiwan dun.

Wala na akong cellphone bff huhuhu nawala na!! TT___TT

Teka bff, pa-ring natin baka may nakapulot.

Calling YANA

Ayan bff nagriring! Wait lang natin kung may sasagot!

Para naman akong tanga na hindi humihinga sa pagkakatayo habang inaantay ang reaksyon ni bff. Anu na bff? May sumagot na ba?? Nagriring pa ba?Magsalita ka naman dyan!Sinamaan lang ako ng tingin ng bruhang to.

Pwede mag-antay? OA ka ha. Nagriring pa. Tahimik ka lang dyan. Tsaka niya ibinalik ang atensyon sa cp. Maya-maya, wala na bff. Patay na. Pagkasabi niyang yun eh napabunghalit na ko ng iyak. Agad naman akong niyakap ni bff.

Tahan na bff. Kayang kaya mo naman bumili ng isang dosenang ganun eh,di ba?pang-aalo niya sakin habang hinihimas niya ang likod ko para pakalmahin ako.

Kasi naman bff, hindi lang memories natin nadun. Nadun din yung mga pinapantasya kong boylets,nadun yung mga pictures ni Kyle,mga pictures natin na hindi ko pa nauupload. In short bff,may sentimental value na siya saken. Higit sa lahat, bigay ni Mama yun. Yun yung kahuli hulihang regalo sakin ni Mommy bago siya namatay!sabay bumanghalit ko ulit ng iyak.

Hahanapin natin bff. Wag kang mag-alala. Panalangin na lang natin na sa mabuting kamay mapunta yung cellphone mo at ibalik sayo.inalalayan ako ni bff tumayo at naglakad na kami pabalik ng room.

Oh anung nangyare sayo,fre?bungad ni L sakin. Binulungan siya ni bff. Wag kang mag-alala fre,hahanapin namin ni bff mo yung cellphone.Tinataguan ka lang nun kasi lagi mo daw siya binabalibag pag nagagalit ka. Nagpapamiss lang yun say-Aray!! nakita kong napahawak sa ulo si L. Binatukan kasi ni Garnette. Nakita mo ng problemado si bff dumadale ka pa ng paganyan ganyan mo.

Eh kasi naman GF,pinapatawa ko lang si Fre. Kita mong pagang paga na ang mata kakaiyak.

Pinapatawa eh mga sinabi mo puro pang pahirap ng kalooban. Magsorry ka! Magsorry ka!

Napakamot sa ulo si L. Sorry na Fre. Tara sa Ice Cream parlor libre kita.

Ice cream ba kamo?tanong ko sa kanila. Umoo silang dalawa. Napangiti na ako. Tiningnan ko sa salamin ang mukha ko. Grabe mugtong mugto ang mata ko TT____TT

Si Mr. Sunget at Si Weird Girl (Side Story ng ABKT- Kyle & Yana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon