Si Kyle at ang pagiging busted

49 0 0
                                    

Ako ang first kiss ng weird girl na yun??

Aish. NVM. Hindi ko naman siya masisisi. Alam ko naman simula nang makita kong magksama si L at Garnette may something na talaga pero hindi lang nila binibigyang pansin. Pinaasa ko ang sarili ko na maaagaw ko pa siya kay L. Well, I guess I need to move on. Balik ulit sa pagiging babaero. Mas mabuti na rin yung hindi kami naging mag boyfriend-girlfriend ni Garnette. At least hindi ganung kasakit pag nagkataon. Pinanood ko na lang si WG na naglakad palayo sakin. Maya-maya nag ring na ulit yung bell. 

Tatayo na sana ako ng makita ko ang cellphone niya sa tabi ko. Ulyanin din pala tong isang to. Dinampot ko yung cellphone niya at ibinulsa. Mamaya ko na lang ibabalik sa kanya to. Titingnan ko muna ang mga laman ^_^

[f.n.a/n: nagpapatunay na MAS tsismoso ang mga lalaki kesa sa mga babae. tss]

TSS.

Bawat madaanan ko sa corridor na babae ay nagtitilian. Bakit sila,inlove na inlove sakin samantalang si Garnette,hindi nagawa yun? (_ _") Si Garnette na naman nasa isip ko -_____- Mukhang wala akong matututunan sa lecture namin ngayon.

Dumiretso ako sa tambayan namin. Nadun yung tatlo nagpapalamig.

Balita ko pare, busted ka?- Vaughn

Maganda ba yung chiq na nambusted sayo?- Matt

Meron din palang hindi tinatablan ng charisma mo tol.-Kris

Binalingan ko sila at sinabi, Hindi ko siya niligawan. Kaya hindi ako busted.

Akala namin nililigawan mo?- Vaughn

I'm about to. Pero nung gagawa na ako ng move, sila na ni Maine. Hindi ko naman masisisi si Garnette. Una ko pa lang silang makita,alam kong si Maine na talaga ang gusto niya.

Tumango tango na lang yung tatlo. Ano'ng plano mo ngayon?

Ganu'n pa din. Darating naman yung para saken na babae.

Bakit ayaw mong i-enjoy ang pagiging bachelor,Kyle?-Matt

Kase, hangga't maari ayokong makasakit ng babae. Kahit pa lokohin ko sila,para namang napakawalang kwenta kong tao. Oo,mayaman ako, gwapo. Pero hindi yun passes para manakit ng babae. Kahit naman walan gpakielam sakin ang parents ko,at least may natututunan ako sa maton kong ate. Isa pa, may nanay ako, may ate ako. Para ko na ring sinaktan ang ate ko. Oh di ba?

Ouch!

Aray! Aray! Dahan dahan naman Kyle tinatamaan kami. - chorus nung tatlo.

Tinatamaan pala kayo, bakit di kayo umilag? Tanga eh!sabi ko at nagtawanan kaming apat.

Punta tayong Jeju Island bukas? Tutal wala namang pasok. Nakakamiss ang sariwang hangin.- aya ni Vaughn.

Oo ba. Basta may chicks na kasama, go ako dyan.- Kris

Aish. Bakit ba puro kayo chicks? Hindi na ba lumaki yang chicks niyong yan nang maging manok naman! Nagugutom ako sa mga pinag-uusapan niyo eh!-sabiko.

Inggit ka lang dahil maulan ang lablayp mo ngayon!sabay tawanan na naman yung tatlo.

Basta Kyle, wag ka ng sumama kung wala kang chicks na isasama. Kung wala ka talagang chicks na maisasama, tawagan mo ko pahihiramin kita ng isa sa collection ko.sabay wink ni Vaughn.

Siraulo ka.Ayoko sa babae mo! Magkatulo pa ko sayo eh!

Eh kasi ma-oop ka dun wala ka man lang kalampungan kami meron.-Matt

Manghatak ka na lang dito sa ground. Siguradong maraming magvovolunteer.-Kris

Oo nga tol.- Vaughn

May isasama na ako! sabi ko na lang. pero ang totoo wala pa. Gustong gusto ko talaga magbakasyon muna pansamantala para makalimot. Maya-maya may nagriring na cp.

Kaninong cp yung nagriring?-Vaughn.

Sayo ata Matt.-Kris

Hindi ganan ang ringtone ko. Kadiri. Baka kay Vaughn.-Matt

Lalo namang hindi akin yun. Pambabae ang tugtog eh! Isa pa, kelan ko pa naging idol si Lee Min Ho?-Vaughn

Nagsitayuan pa sila at hinanap kung san nanggagaling ang tunog.Napatingin sila sakin. WHat??takang tanong ko. Parang sayo galing yung cp na tumutunog.Clueless akong tumayo at tiningnan yung phone ko.Hindi naman eh! Patuloy pa rin ang pagtugtog nung ringtone at Sayo talaga Kyle nanggagaling yung tunog.Kinapa ko ang bulsa ko at may nahawakan ako. Agad kong nilabas ito. Sabi na. Teka. Extra phone mo,Kyle? Favorite mo pala si Sunako Nakahara? Akala ko ba ayaw mo dun?sabay tawanan nung tatlo. Pano kasi, yung case nung iphone 5 na to eh si Sunako Nakahara. 

Ayaw ko kay Sunako Nakahara. Kasi nakakatakot siya. As in! Napaka weird niyang tao. Ang horror movie para sa kanya ay comedy. Ni wala nga atang kaemo emosyon si Sunako eh. Ah basta. Bigla kong naisip si WG. Siya na lang ang isasama ko sa Jeju. Magkasundo kaya kami ng weird na yun?

---------------------

tingin sa side.

seating arrangement :

Kyle - Kris - Vaughn - Matt

Si Mr. Sunget at Si Weird Girl (Side Story ng ABKT- Kyle & Yana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon