Ang Puno

511 1 2
                                    

Sa mundo natin, maraming mga pangyayari na hindi maipaliwanag ng kahit sino, kahit ng mga dalubhasa at mga siyentipiko. Mga kababalaghan na tanging takot at pagtataka ang naibibigay sa kung sino man ang nakaranas ng ganito. Isa sa mga pangyayaring ito ay siyang gagawan ko ng kwento. Sana inyong magustuhan.

­­­­­______________________________________________________________________________________

Malawak ang populasyon ng mga taong naniniwala sa mga multo na naghihiganti o bumabalik mula sa kabilang buhay dahil may mga kailangan pa silang tapusin dito sa mundong ibabaw.

June 2006

                Maaga palang ay marami ng mga mag-aaral sa Nerbiosa National High School. Excited kasi ang lahat sa kung ano ang bago ngayong taon na ito sa kanilang paaralan. You all know the feeling of excitement whenever you meet a new friend or become acquainted to a transferee. Taon-taon yan ang pinakamagandang event na mangyayari para kay Erika.

                Erika Rodriguez, 15 years old, sweet, active, and the student government President. Kaya nga excited siya tuwing pasukan dahil marami naman siyang matuturuan at mahihikayat na mga bagong lider ng bayan. Ganyan ka active si Erika sa school. Lahat ng activities ay siya ang nag-organisa at lahat ng kanyang inorganisa ay tagumpay. Tatlong taon na siya bilang Presidente ng SG dahil na rin sa kanyang mga nagawa sa school nila.

                “Erika, bhe ko. Huie.” Tawag sa kanya ng kanyang boyfriend na si Renzo.

                Renzo Villar,18 years old, tatlong taong umulit ng 2nd year at ngayon ay nasa 3rd year na dahil na rin kay Erika. Matagal na silang magka-ibigan ni Erika. Mga isang taon na sila. Si Renzo ang crush ng campus. Marami na siyang naging girlfriend. Hindi na nga niya mabilang pero si Erika lang ang tumagal ng isang taon.

                “Uie, bakit?”

                “Anong bakit? Tara na sa room. Ano pa bang ginagawa mo diyan sa gate? May hinihintay ka? Gwapo ba?”

                “Anong pinagsasabi mo? Wala. Tinitignan ko lang kung sino ang mga bago sa school para naman hindi ako mashock. Alam mo na President ang gf mo! Wag mong sabihing wala kang tiwala sa akin?”

                “Hindi naman. Naninigurado lang. Baka iba na ang nakaakbay sa iyo mamaya jan.” Sabay akbay sa girlfriend.

                “Tara na nga. Seloso. Sus!” :P

                Tinungo ng dalawa ang kanilang classroom na nasa ikalawang building sa likod ng court. Habang patungo sila sa kanilang classroom ay nahagip ng tingin ni Erika ang puno sa likod ng kanilang classroom. Para kasing may nakita siyang tao dun. Tiningnan niya ulit. Tama! Mayroon ngang isang babaeng estudyante na nakatayo at nakasandal sa puno. Sino kaya yon?

                Natigilan si Erika ng biglang lumingon ang babae at nakita niyang tumutulo ang mga dugo mula sa mata nito at putlang putla ang mukha.

                AHHHHHHHHHHHHHHH!!!

                “Hoy anong nangyari sayo?!” Niyakap ni Renzo si Erika.

                “May babae dun sa puno sa likod ng building. May dugo ang mga mata at parang patay.” Putol-putol na turan ni Erika habang isinusobsob sa ang ulo sa dibdib ni Renzo. Tiningnan ni Renzo ang puno.

                “Wala naman ah. Guni-guni mo lang yon.” Namutla si Renzo.

                “Nakita ko talaga. Promise.”

                “Tara na nga. Baka mapagalitan pa tayo.”

                Umiiyak pa rin si Erika hanggang makarating sila sa room. Buti naman at may faculty meeting ang mga teachers kaya kinomfort muna ni Renzo si Erika hanggang sa ito ay tumahan na sa kaiiyak.

Ano nga kaya ang nakita ni Erika? At bakit namutla si Renzo ng malaman ang nakita ni Erika? Abangan! :D

Ang PunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon