February 18, 2005
Isang taon na ang nakalipas, sa tulay na ito nagsimula ang isang pag-ibig na nagsimula sa masamang eksena. Naglalakad noon ang isang dalaga ng bigla siyang sabayan ng isang lalaki. Kilala niya ang lalaki dahil matagal na siyang may gusto rito. Kung hindi nga lang sa reputasyon ng lalaki bilang chickboy ay matagal na niya itong sinagot sa panliligaw nito. Oo, alam niya kung bakit sumabay sa kanya ang lalaki. Manliligaw na naman to. Matagal na itong nanliligaw sa kanya. Mga tatlong linggo na. Sinabi niya rito na hindi pwede pero sige parin ito.
“Erika, please. Gagawin ko ang lahat. Magbabago na ako. Magpapakabait na ako. Hindi na ako iinom, maninigarilyo, magtatambay. Mahal na mahal kita!”
“Gawin mo muna bago mo ako pangakuan ng mga bagay na walang katuturan.” Yon lang ang nasabi ni Erika. Ayaw niyang ipahalata na may gusto din siya sa lalaki pero kung sino mang tao ay maiintindihan na she is giving him a chance.
“Kung yan ang gusto mo! Pero hayaan mo naman akong ihatid ka hanggan sa inyo. Malapit ng magdilim oh. Mahirap na.”
“Ikaw, mas okey sana kung ako lang mag-isa.”
“Basta, ihahatid kita.”
July 12, 2005
Makalipas ang ilang buwan, namangha ang lahat sa pinagbago ng chickboy at siga ng campus na si Renzo. Naging subsob na ito sa pag-aaral. Palaging nakikita sa library at nagbabasa ng libro. Hindi na pumapasok ng campus na lasing. Wala ng kahit anumang liban sa klase mula ng magsimula ang klase. Malaki ang ipinagbago ng binata. Napansin ito ni Erika at naglakas-loob na siyang tuparin ang pangako sa manliligaw at ipagtapat rito ang tunay na nararamdaman.
Tot! Tot! Tot!
“Uie may nagtext. Teka sino to? Walang pangalan ah.” Binasa niya ang text message.
Meet me after class this afternoon. I’ll be at the park.
Iyon ang laman ng text. Sino kaya ito? Baka prank na naman ito ng mga kaklase ko. Talagang mga taong to. Iyon ang nasa isip ni Renzo pero ng tanungin niya ang mga ito kinahapunan habang nagkaklase sila ng kanilang last class wala daw nagtext sa kanya ng ganun. Sino kaya ito?
Nagdesisyon si Renzo na puntahan nalang ang lugar at wala namang mawawala kung pupuntahan niya. Pagkalabas niya ng school ay agad siyang nagtungo sa lugar na binanggit sa text. Ang Park! Wala masyadong tao sa park dahil maaga pa naman at mamayang gabi pa ang mga magagandang tanawin dito sa park. Habang naglalakad ay napansin niya ang isang babaeng nakatalikod. Alam na alam niya ang bultong ito! Ano kaya ang ginagawa ni Erika dito.
Sa kabilang dako, alam na ni Erika na paparating na si Renzo. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang manliligaw.
“Erika, hi! Anong ginagawa mo rito?” Lumingon si Erika.
“OO.”
“Anong oo?”
“Ano ba naman yan? Oo sinasagot nakita.”
“TALAGA! I LOVE YOU ERIKA! SINAGOT NA NIYA AKO! SINAGOT NA NIYA AKO!” Patalon-talon na nagsisigaw si Renzo.
“Hoy, tumigil ka jan. Nakakahiya.”
“Bakit naman? Mahal kita. Hindi ko iyon ikakahiya kanino man. Ikaw lang ang nagpadama sa akin ng ganito. Ikaw lang!” Niyakap niya si Erika.
Niyakap naman ni Erika si Renzo. Masayang-masaya ang dalawa ng araw na iyon. Sabay silang kumain ng hapunan sa isang restaurant at nagtungo sa carnival malapit sa park. Hinatid ni Renzo si Erika matapos ang kanilang masayang pagliliwaliw.
“Salamat.” Akmang papasok na si Erika sa loob.
“Hindi ikaw dapat ang magpasalamat. Ako dapat! Ginawa mong Masaya ang araw ko. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko. Walang pagsidlan talaga. I love you bhe.” Hinalikan ni Renzo si Erika sa pisngi.
Ngumiti nalang si Erika.
“Uwi ka na. Gabi na. Sige, ingat.” Binalikan niya ng halik sa Renzo sa pisngi.
Niyakap siya uli ni Renzo. Matapos ang ilang minute ay bumitaw na si Erika at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Si Renzo naman ay pumara ng traysikel at nagpahatid sa kanilang bahay.
Sa magkaibang kwarto, nakatulala ang dalawa. Nakatingala sa langit at nakangiti. Ang simula ng bagong yugto sa kanilang buhay!
Lingid sa kanilang kaalaman. Isang bulto ng katawan ang kanina pa sumusunod sa kanila hanggang sa paghatid ni Renzo kay Erika sa kanilang bahay. Galit na galit ang taong iyon. Nakakuyom ang mga palad at parang papatay ng tao.
“May araw din. Ako naman ang magiging Masaya. Tandaan niyo yan.” At biglang naglaho sa dilim ang bulto ng katawan. Parang bulang nawala ng walang nakakaalam.
Sino kaya ang taong iyon? At ano ang kaugnayan niya sa bagong magkasintahan?