Valentine Prom

189 2 4
                                    

                Lumipat ng school si Tristan sa school nila Renzo at Erika. Dahil dun, ay naging magbarkada ang tatlo at palaging magkasama sa bawat lakad nila. Naging mas maganda ang pagsasama nina Renzo at Erika sa pagdating ni Tristan. Hindi naglaon, nagkakilala din ang grupo ni Erika at si Tristan. Naging malapit sa isa’t isa sina Tristan at Jessica, isa sa mga kaibigan ni Erika. Hindi naglaon naging magkasintahan ang dalawang kaibigan nina Renzo at Erika, walang iba kundi si Tristan at Jessica.

                Hindi na masyadong nagpapakita ang multo ng babaeng duguan kay Erika. Ipinagtataka niya ito sapagkat mula ng sabihin niya ang magandang balita kay Renzo, halatang mas naging masayahin at palabiro ang kasintahan, hindi kagaya noong nagpapakita pa ang multo na kapag sinasabi niya kay Renzo ay para itong galit at natatakot. Ewan, pero parang may koneksyon ang babae at si Renzo.

                “Guys, who will be your date on our Valentine Prom?” Aira, isang bagong kaibigan nina Erika.

                “Meron na ako, siyempre si Tristan.” Jessica, habang sinusulat ang isang article for the school paper.

                “Ako din. Niyaya na ako ni Renzo.” Erika, while typing on his laptop the forms needed for the prom.

                “Para namang wala na akong makakasama nito, buti pa kayo!” sumimangot ang mukha ni Aira.

                “We will find one for you. Don’t worry!” alok ng dalawa sa kaibigang ubod ng tamis ang ngiti ng marinig ang alok ng dalawa.

                A beautiful and cold Saturday night, everything was set. Isang malaking prom ang magaganap sa school gymnasium. Napapalamutian ng iba’t ibang bagay ang loob ng gym na hango sa tema ng Araw ng mga Puso. Sa bubongan ng gym ay makikita mo ang napakaraming balloon na hugis puso at kulay pula. Sa stage nakasulat ang malaking titulo ng programa, Valentine Prom: Celebration of Prestige and Glamour, na mula sa mga Styrofoam formed into letters painted with red paints glittered with silver stuffs. A big disco ball hangs in the center of the gym illuminating the light feeds from the differently colored spotlights on its side. The dance floor was filled with colors, from aqua blue to dark red.

                The guests and the students are coming in their most prestigious and glamorous attires, gowns and tuxedos. Erika elegantly came in with a silver beaded red gown with a red lace around the hips paired with a beautiful pink ribbon pinned on her hair. Samantalang si Renzo naman ay napakagwapo sa kanyang gray tuxedo paired with a gray pants and a red tie. Others are wearing their most beautiful dresses, shining earrings and necklaces, paired with ribbons and laces.

                “Ang ganda ng baby ko. Daming maiingit nito!” biro ni Renzo kay Erika.

                “Ang gwapo mo rin, uie. Dito ka lang sa tabi ko at baka iba na ang kasayaw mo mamaya.” Ngiti ang isinukli ni Erika.

                “Naku, selosa naman to. Opo dito na po ako sa tabi. Okay na!” sabay pisil sa tagiliran ng kasintahan.

                “Tumigil ka dyan.”saway ni Erika kay Renzo. “CR lang muna ako babe.”

                “Sige.”

Nagpunta ng CR si Erika to freshen up a little bit. Maaga kasi siyang nagbihis para sa kanilang Valentine Prom kaya medyo pinapawisan na siya sa suot niyang masikip na gown. Pagpasok sa banyo, naghanap siya ng cubicle na walang gumagamit. Wala namang ibang tao sa banyo kundi siya lang pagpasok niya. Pumasok siya sa cubicle , pangatlo mula sa pintuan. Sinirado niya ito at umupo sa may bowl. Naisipan niyang mamaya na bumalik sa kasiyahan at itext muna ang mga kaibigan niya. Hindi pa kasi napansin na dumating ang mga ito.

                Habang nagtitext ay napansin niya na bumukas ang pintuan ng CR at may pumasok sa loob. Di niya ito pinansin believing that it was just another girl who find it hard to breath with what she was wearing.

                Lumipas ang ilang minuto, wala pa ring ingay ng paglabas o kaya ay lagaslas ng tubig siyang narinig. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng ito sa loob ng CR? Napagpasiyahan niyang lumabas na at pumunta sa kasiyahan. She can feel already the intense music signalling the arrival of most of the guests and the students.

                Pero napasigaw siya ng pagbukas niya ng pinto ng cubicle at tumambad sa kanya ang babae sa ilalim ng puno. Napaatras siya dahil sa pagkagulat at napapikit mata dahil sa takot. Umatras siya pero napunta siya sa corner ng cubicle. Gusto niyang sumigaw but no sounds came out of her mouth. The girl under the tree was now getting closer, pinning her into the corner of the cubicle. She couldn’t move.The lights went on and off. Filled with fear, she rush outside the cubicle pushing the unknown element aside but with the strong force she did to push, she stumbles into the floor for the girl was gone the minute she pushed her out of the way. Masakit ang ulo ni Erika. Nabagok yata sa tiles na sahig. Hinay-hinay bumangon si Erika at tinungo ang pintuan ng CR. Lock! Impossible sa loob lang pwede ilock ang CR na yon. How come she could not open it from the inside? She turns around and there is the girl closing into her with pale face with eyes bloody red, pale hands outstretched like a zombie, school uniform full with mud and blood mixed like torture, blood also came dripping between he thighs, and body full of wounds. The girl walks like a handicapped man. Swaying side by side. Waters and mud dripping and falling with every steps the girl made. Tears start to fall from Erika’s eyes . What am I gonna do?

                “Tulungan ninyo ako! Tulong! Buksan ninyo itong pinto.” Sigaw ni Erika mula sa loob. Dahil sa lakas ng musika sa labas, walang nakarinig sa sigaw ni Erika.

                She continues on beating the door hoping that somebody would pass by and hear her. The girl is slowly getting on her. Malapit na malapit na ang babae. Exhausted, darkness starts to envelop her eyesight and she falls to the floor.Hinimatay si Erika.

                Kalahating oras na, wala pa ring Erikang lumabas mula sa banyo. Asan na kaya iyon? May puntahan nga. Tumayo si Renzo at nagpaalam sa mga kaibigan na kanina pa dumating.

                Malapit na siya sa banyo ng marinig niya ang malakas na pagpalo sa door ng banyo.

                “Buksan ninyo itong pinto!”

                Si Erika yon. Anong nangyayari? Mabilis na sinunggaban ni Renzo ang pinto at sinubukang buksan. Hindi, nakalock ang pinto. Tinadyakan ni Renzo ang pinto. Ayaw pa rin. Hindi siya tumigil. Tinadyakan niya ng tinadyakan ang pintuan hanggang sa ito ay mabuwal. Napalingon ang mga taong malapit sa CR. Gulat sila ng makitang lumabas si Renzo mula sa banyo karga ang walang malay na katawan ni Erika. Takbo ang lahat at tiningnan kung ano ang nangyari.

                “Tumawag kayo ng ambulance. Bilis!” Agad na tumawag si Jessica na natataranta. Dumating na din ang mga guro na nalaman ang pangyayari. Agad na pinalayo ang mga ibang tao para mabigyan ng hangin si Erika. Tiningnan ni G. Ruiz ang pulso ng dalaga. Mayroon pero mahina. Halatang pagod ang dalaga. Ilang minute pa ay dumating ang ambulance, agad na isinakay sa ambulance ang wala pa ring malay na si Erika. Binantayan ni Renzo si Erika hanggang masigurado na niyang okay na ito sa ospital.

                Ang sabi ng doctor, nawalan lang daw ng mala yang dalaga at okay na ito. Kailangan lang nitong magpahinga ng kaunti. Lumuwag ang pakiramdam ni Renzo at ng mga kaibigan ni Erika sa nabalitaan, agad kasing sumunod ang mga ito sa ospital.

                “Siya nga pala, iho. Nakita naman ito sa kamay ni Erika.” Saboy abot ng doctor ng isang kwintas kay Renzo.

                Nagulat si Renzo at napaupo siya sa sahig. Paanong nangyari ito? Bakit ito napunta sa kamay ni Erika?

Ano nga ba ang kwintas na iyon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon