Chapter two

78 9 2
                                    

Nakahiga ako sa maliit na sofa katabi si Christian, nakatulog na pala kami ng bukas pa ang TV. Dahan-dahan akong tumayo baka magising ang anak ko. Pinatay ko muna ang TV at nabalot ng katahimikan ang buong silid. Kinalong ko ang anak ko patungong kwarto nito, inilapag ko ito sa higaan, at binalutan ng kumot. Sandali akong napatitig sa maamong mukha ni Christian. Paanu ko nga ba makakalimutan ang lalaking nanakit sa akin at iniwan ako. Paanu ko ba matututunang mag-move on kung may natitira pang alala nito sa akin. Kahit sunugin ko lahat ng alaala niya sa akin, araw-araw ko namang nakikita si Christian na nagpapaalala sa tatay nito.

Hindi ko na naman namalayan ang luhang tumulo sa aking pisngi. Pero agad ko rin iyong pinunas at lumabas ng silid. Hindi ko parin matanggap ang pag-iwan niya sa akin, ang sakit. Ang dami kong pangarap sa buhay pero sinira niya lahat yun.

Kinabukasan, nagising ako sa pagkalumpag ni Christian sa kama ko. Naglulundag ito sa taas ng kama ko.

"Gising na mama! Mama!" Patuloy parin ito sa paglundag. Napangiti na lang ako sa kakulitan ni Christian. Sabado noon at alam kong excited itong mamasyal. Nangako kasi ako na mamamasyal sa araw na iyon kung palaging good boy at behave sa school. Sabi niya behave daw siya at nakita ko ang report card niya maganda naman ang grades. So walang dahilan para hindi ko tuparin yun.

"Maligo ka na, ang baho mo na eh,bilis!" Sabi ko habang yakap-yakap ko siya. Inaamoy-amoy ko pa ang leeg niya.

Tatawa-tawa lang ito . "ikaw kaya mama, fi ka pa nagtoothbrush,"

Kiniliti ko siya sa tagiliran at panay lang ang tawa. Gumulobg-gulong ito sa ibabaw ng higaan ko.

"Dali maligo kana dun, magluluto pa ako ng almusal natin," pinababa ko na siya at inutusang maligo.

Lumabas naman siya at bumangon narin. Pagkatapos ligpitin ang higaan, nagpunta ako sa kwarto ni Christian para ayusin ang hinigaan nito. Pero nagtaka ako dahil maayos na ang kwarto at malinis. Galing naman ng anak ko.

Pagpasok namin ng anak ko sa pasyalan na gustong puntahan nito ay hindi nito maitatago ang pagkamangha sa nakikita. Sa maraming tao, sa mga batang naglalaro sa mga rides. Nagpunta kami sa ticket Booth at bumili ng tickets. Una naming sinubukan ang carousel at enjoy naman ito sa pagsakay sa kabayo na paikot-ikot lang. Masaya ko lang na pinagmamasdan ang masayang mukha ng anak ko. Kopyang kopya ang tawa nito sa ama nito. Pagkatapos sa carousel, sa roller coaster na hindi ko pa nasubukang sakyan dahil nakakahilo daw sa bilis. Pero dahil gustong-gusto ng anak ko na sumakay, sumakay na rin ako. Pagkatapos, akala ko masusuka na ako dahil sa hila. Pakiramdam ko gumagalaw ang buong paligid. Si Christian naman wala lang at tinatawanan pa ako.

Naupo muna kami sa isang bench sa ilalim ng malaking puno para magpahinga. Naiihi na rin ako kaya pinaupo ko muna si Christian dun at sinabihang wag umalis. Umuo lang ito habang sip-sip ang binili naming soft drink kanina.

Malapit lang naman ang banyo at ilang hakbang lang nandun na ako...

Pagkatapos kong umihi, pagkalabas ko ng banyo nagulat ako ng makita ko si Aileen. Nakilala niya naman ako dahil ito ang unang ngumiti. Ang ganda niya sa suot nitong tank top, talagang may masasabi ito sa buhay kung titingnan ang pananamit nito. Pero halata namang down to earth ang dalaga dahil mabait ito.

"June? It's nice meeting you again!" Niyakap niya ako sa tuwa. Ang saya niya kung pagmamasdan ang mukha niya di katulad kahapon ng huli ko siya makita parang end of the world na sa problema niya. Mabuti pa siya ganun lang kadali mag-move on.

"Ako din naman, sinong kasama mo?"usisa ko.

"I'm with my kuya, nasa labas siya may binibili, kung gusto mo ipakilala kita, halika!" Anyaya niya sa akin, pero naisip ko ang anak ko baka naghihintay yun sa akin.

"Pero kasama ko ang anak ko, nasa labas din,"

"May anak ka na pala?"gulat na tanong nito.

"Oo, pero walang tatay, inanakan lang ako ng g@g©!"

Natawa lang si Aileen sa sinabi ko.

"Oh sige kunin mo ang anak mo at tatawagan ko lang ang kuya ko,"

Pagkalabas ko ng banyo, agad kong binalikan ang anak ko pero agad akong kinabahan ng makitang wala na roon sa upuan si Christian, yung baso na lang ang naroon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Tiningnan ko ang paligid baka naglalaro lang. Pero wala si Christian. Nilibot ko pa ang pinuntahan namin kanina baka bumalik, pero wala ito doon.

Papunta sana ako sa administrator ng parke ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang bata sa di kalayuan.

"Mama..."

"Christian? Anak?" Agad ko itong nilapitanat niyakap ito ng mahigpit at doon lang ako nakahinga ng malalim ng makita si Christian na may hawak na ice cream. "Sa'n ka ba galing??"

"May lalaki kasing nagbigay sa akin ng ice cream doon, ang sabi niya ang gwapo ko raw,"sabi nito habang dila-dila ang latunaw ng sorbetis.

"Ikaw talaga, di ba't sinabi ko sayong wag makikipag-usap sa di mo kakilala? Panu kung kidnapper yun?"halos maluha-luha kong sabi.

"Mabait naman siya eh,"

"Okay basta sa susunod wag mo nang ulitin ha? Pinakaba mo si mama eh!"

Tumango na lamang ito.

At naalala ko si Aileen baka naghihintay yun sa amin kanina pa. Bumalik kami doon sa may banyo.

Mabuti na lang at nandun pa si Aileen may kasama. Ito siguro ang kuya na sinasabi niya. Nang makita ko ang mukha ng kasama nito bigla akong natigilan. Hindi ako pweding magkamali. Si Jetru ang lalaking kasama ni Aileen. Ang lalaking sinaktan at iniwan ako ng anak ko. Nakatingkn lang si Christian sa akin ng angat ang ulo.

"Ma, anung problema?"

"Halika na kailangan na nating umuwi, baka umulan may damit akong nakasampay sa likod,"palusot ko. Hindi sila pweding magkita ng anak niya. Wala siyang karapatang makita at makilala man lang ang anak niya. Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko pero agad ko rin iyon pinapahid dahil ayokong makita ng anak ko na umiiyak ako.

Nagmadali na kaming lumabas pasyalan kahit hindi pa dapat. Kailan pa siya bumalik? Sana hindi na lang siya bumalik at nagtago na lang habang buhay.

Paanu nagkaroon ng kapatid si Jetru? Akala ko nag-iisa lang siyang anak. Hindi naman pweding manganak ang mama niya at 5 years later dalaga agad? Nalilito ako.

Nakasakay kami sa tricycle pauwi, nakatulog na rin si Christian napagod siguro sa kalalaro.

End of chapter 2

My Ex-husband Is A JERK (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon